Kabanata 4
Nakapalumbaba ako habang nag drawing ng kung ano ano sa aking notebook. Nasa field ako at katabi ang mga kaibigan kong si Dani at France. Kakatapos lang ng first subject namin at napagpasyahan muna naming tumambay sa field.
"Girls! Gusto nyo mag nights out?" ani ni Dani.
Agad akong umiling habang si France ay panay tango at palakpak.
"Alam nyo namang di ako papayagan ni kuya sa ganyan diba?"
Umirap si Dani. "Oh come on Shaina! Susunduin ka naman namin! Tumakas ka nalang."
"Baka gusto mong di na tayo papuntahin ni Uno sa mga practice nila.." puna naman ni France.
Agad napahinto si Dani at napaisip. Dismaydo siyang tumango at kahit ako'y ganon din. Aaminin ko na dati kopang gustong gustong tumakas at sumama sa mga nights out nila Dani and France but i choose to not at sumunod nalang sa mga utos ni Kuya.
Napaisip ako.
Tingin ko ay di magiging exciting ang pagiging teenager ko kung di korin susubukan ang mga bawal na gawain at isang beses kolang naman gagawin.
Hinarap ko si Dani at France.
"Okay, Fine. Sasama ako." Desidido kong sambit.
Kumunot ang nuo nila. "Are you serious? Shaina baka naman may mangyari.."
Takot na takot si Francine habang si Dani ay abo't langit ang ngiti.
"It's okay, France. Gusto korin ito. Minsan lang mangyari tsaka ayaw mo nun? Sama sama tayong tatlo!"
Tumango tango si Dani at mahigpit akong niyakap.
"Finally! Our badass shaina is back!"
Tumawa lamang ako at niyakap din silang pabalik.
••••
Pagkauwi sa bahay ay agad akong pumili ng aking susuotin. Iyong magmumukha akong matured. Hindi pupwede ang menor de edad sa bar na iyon kaya napagpasyahan naming mag peke. pinili ko ang isang spaghetti strap at high waisted pants. Habang pagabi ng pagabi ay nag hihintay lang ako ng text ni Dani dahil hihintayin daw nila ako sa labas ng bahay.
Hinihintay kolang din na makatulog ang lahat sa luob at dadaan ako sa likod ng bahay upang di mahuli sa cctv.
Agad akong nagtipa ng message kay Dani.
Dani:
Labas ka pag 10:00 na!
Ako:
Aright.
Mabilis ang naging takbo ng oras. Tanging sa kwarto lang ako nag tago at hinihintay ang pagdating ng kuya. Iba ang schedule niya dahil college ito habang ako ay high school palang kaya madalas ay di kami nagkikita sa school dahil magkaiba kami ng building.
Inilugay ko ang aking mahaba at maalong buhok at naglagay ng pulbos at lipstick. Dark ang nilagay ko para bongga.
Tinignan ko ang aking orasan.
9:30 pm na. Tinignan ko ang guard sa gate. Tulog na tulog Ito kaya agad akong bumaba mula sa bintana gamit ang isang lubid na kinuha ko sa garahe. Habang naka lambitin ako ay di ko maiwasang malula at kabahan ngunit buti nalang ay nasa pangalawang bahagi lang ako ng bahay at agad na nakababa.
"Muntik na!" Bulong ko nang muntik na akong madapa sa damuhan.
Tahimik akong tumakbo habang hawak ang aking sling bag sa likod ng bahay at agad na umakyat sa bakod nito. Napansin ko na bukas pa ang ilaw sa kusina at parang may tao pa pero buti nalang ay agad akong nakaakyat at nakalabas.
Pinagpag ko ang aking suot at kinuha sa sling bag ang aking cellphone.
Ako:
Where are you? I'm already outside.
Dani:
Dito na kami.
Agad na umilaw ang isang kotse sa malayo. Kumaway sa akin si France kaya napatakbo ako dito.
"Girl! Buti naman nagawa mo!"
"Syempre ako pa!" Humalakhak ako at sumakay sa kotse.
Habang nasa kotse kami ay sobrang saya dahil nag jamming pa kami sa mga kanta. Ngayon kolang naranasan na sumama sa kanila pag gabi. Sana lang ay di masira.
Nakapasok kami sa bar dahil sa kagagawan ni Dani. Pano ba naman ay kinausap niya ang bouncer at pasimple kaming pumasok ni France. Si Dani kasi ay may fake ID kaya hindi na siya nahihirapan sa pagpasok.
Pare parehas kaming natawa nang makapasok nadin si Dani.
"You're unbelievable! Pano mo nagawa yun!?" Gulat na sabi ko.
"Hmm superpowers?"
Parehas kaming natawa. Sobrang ingay ngayon sa buong bar at nagaalon ang mga tao. Halos lahat ay purong teenagers at walang matatanda. Mausok ang buong lugar at maingay. Marami ding nag makake out sa tabi tabi. Pwumesto kami sa isang table at umorder ng drinks.
"First time, Shai? Diba Sabi ko naman sayo! Exciting!" Masayang sambit ni Dani.
"Sana lang di ka mahuli.." si France.
Umiling ako. "Madalas nagigising si Kuya ng madaling araw so maybe baka mga 3 kailangan ko ng umuwi.."
Malugod na tumango si Dani. "Got you!"
Ininom ko ang drinks sa aking harapan at medyo nanibago sa lasa. Napaklaan ako per sa ibang banda ay nasarapan dahil gumuhit ang init sa aking lalamunan.
"Sayaw lang ako!" Paalam ni Dani at agad na sumunod sa agos ng tao.
Nilibot ko ang buong tingin sa bar. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya tumayo rin ako at agad na sumayaw.
"San ka pupunta, Shai? Dito kalang!" Rinig kong sigaw ni France.
Habang hawak ang aking iniinom ay sobrang nasisiyahan ako sa pagsasayaw. Meron pang isang taong itinaas at panat sigawan ng mga tao dito. Ginagalaw ko ang aking katawan sa ritmo ng kanta. It's amazing! Uminom muli ako at itinaas ang aking kamay.
"Parte! Parte!"
Medyo nahihilo na ako sa dami ng mga tao. Habang sumasayaw ay naramdaman ko ang pag gapang ng mainit na kamay sa aking bewang. Kumunot ang nuo ko pero hindi korin napigilan dahil sa kalasingan.
"Hey..."
Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg at tenga.
Sumayaw parin ako at mas lalo nitong idinikit ang kanyang katawan sa akin. Napapikit ako dahil sa kalasingan at kahiluhan.
"You looks so hot, baby.." bulong pa nito.
Napaungol ako at iiwas na sana ang aking leeg ngunit may isang taong humila sa akin dahilan para mailayo ako duon.
Huli ko nalang natandaan na nakahiga na ang lalakeng nasa likod ko at dumudugo ang labi.