•Rabiya•
Malalim akong bumuntong-hininga habang nakatanaw sa malawak na palayan. Naghihintay ako sa pagdating ng driver ni Caleb na susundo sa akin. Limang araw na ang matulin na lumipas, parang ang bilis lang na tumakbo ng panahon.
Sana ganito rin kabilis ang araw kapag nasa puder na ako ni Caleb. Napahawak ako sa aking mata nang may mainit na luhang tumulo roon. Ilang araw na ba akong umiiyak, dahil ayaw kong malayo sa pamilya ko?
"Ate Ibyang! Ate Ibyang!" Napalingon ako sa tumatawag sa akin. Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa tatlo kong kapatid na tumatakbo papalapit sa akin, kumikinang pa ang luha nila na natatamaan ng sinag ng araw. Parang mawawasak ang puso ko habang nakatingin sa kanila. "Ate Ibyang, alis ka po?" umiiyak na tanong sa akin ni ningning.
Umupo ako at niyakap siya nang mahigpit. Bata pa ang mga kapatid ko at kung ako ang masusunod ay hindi ko sila iiwan dito, lalo na at wala na kaming mga magulang.
"Huwag ka nang umiyak. Babalik din kaagad si ate kasama ni nanay," nakangiti kong usal pinipilit na pinapagaan ang kanyang nararamdaman. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, tinutuyo ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha. "Pagbalik ni ate may dala na akong maraming gifts. Gusto niyo ba iyon, Ningning, Lili?"
Nag-aalangan man ay tumango pa rin ito. Kinurot ko ang kanilang mga pisngi at niyakap silang nang mahigpit. Napatingin ako sa itim na sasakyan na paparating kaya agad akong tumayo at pinalapit si Otoy.
"Miss Rabiya?" Napatingin ako sa driver na tumawag sa akin. May kausap din itong isang babae na ipinagkibit-balikat ko lang dahil hindi ko naman siya kilala. "Ito po ang kinuha ni Sir Caleb na magbabantay sa mga kapatid niyo."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Bakit kailangan niya pang magpadala ng tao para magbantay sa mga kapatid ko?
"Pero okay lang naman ang mga kapatid ko rito."
"Ito po ang utos ni Sir Caleb, ma'am. Tapos na po ba kayo? Pwede na po tayong umalis?" tanong niya sa akin. Tumango na lamang ako at niyakap ulit ang mga kapatid ko bago pumunta sa kotse.
"Mag-iingat kayong tatlong. Magpakabait kayo, okay? Otoy, tawagan mo ako kapag namimiss niyo ko." Tumango naman silang lahat sa tugon ko at kumaway na nang paandarin na ng driver ang sasakyan.
Tatlong buwan... Tatlong buwan lang akong magtitiis na malayo sa pamilya ko at pagkatapos nito ay babalik din ako. Kung hindi lang sana ninakaw ni Antonya ang pera para sa akin, hindi sana ako magkakaganito.
—
"Ma'am, nandito na po tayo." Nagmulat ako ng aking mga mata dahil sa sinabi ng driver. Bababa na sana ako nang hinawakan niya ang aking braso. "Kapag may nakita po kayong kakaiba sa loob 'wag na lang po kayong umimik."
Naguguluhan man ay tumango pa rin ako sa sinabi nito at bumaba na sa kotse. Pinagbuksan ako ng isang babae, sa tingin ko ay isa ito sa mga kasambahay ni Caleb dahil may nakita rin akong ganitong damit kanina sa labas.
"Miss Rabiya Sanchez po?" tanong nito sa akin. Sa tingin ko ay napagsabihan na ni Caleb ang mga tauhan nito na paparating ako. "Sundan niyo lang po ako, ma'am, nasa taas po ang kwarto ninyo."
Nanlalaki ang mato ko na tumingin sa staircase nila na napakahaba. Kung hindi ko lang sana alam na may kwarto sa itaas, aakalain ko na deretso langit na ang punta na ang hagdan na'to.
Napatingin din ako sa mga bintana, lalo na sa mahahaba at makakapal na kurtina. "Sino po ang maglalaba ng kurtinang iyan?" tanong ko.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil namamangha na ako sa kabuuan ng lugar. Hindi naman kasi ito ang una naming pinuntahan, ilaw bahay ba ang pinupundar ng mga taong ito?
"Mananatili po iyan d'yan hanggang isang buwan. Pagkatapos no'n ay papalitan na ng bago. Ayaw po kasi ni Sir Caleb na gamitin ulit ang mga nagamit na niya." Napanganga ako sa sinabi niya, hindi ba ito sayang sa pera? Napailing ako sa aking naisip, kaya nga nitong bilhin ang mga babae niya para sa isang gabi, ito pa kaya?
"Anong pangalan niyo po—Caleb?" Kaagad kong tinakpan ang aking bibig dahil sa biglaang pagsambit ko sa pangalan nito. Naalala ko pa naman ang sinabi kanina nang driver na huwag N lang akong magsalita. "I'm sorry, ano nga po ulit iyong tanong ko?"
Kahit nasa hulihang baitang na kami ng hagdan ay kumakabog pa rin ang puso ko sa aking nakita. Nakaluhod iyong babae habang may ginagawa sa gitna ni Caleb, habang ang huli naman ay nakatingala at hinahawakan iyong ulo ng babae.
"Ako si Sonya, pero tawagin mo na lang ako Nanay Son. Iyon naman ang tawag sa akin ng mga kasamahan ko at ni Sir Caleb sa akin, hija," saad nito at pinagbuksan na ako ng pinto.
Malaki ang kwarto na ibinigay sa akin ni Caleb, parang isang bahay na namin iyon. Hinila ko si Nanay Sonya at pinaupo sa may sofa katabi ko.
"Nay, ilang babae po ba kami ang nakatira rito sa bahay ni Sir Caleb?" kagat-labing tanong ko sa kanya.
"Nagdadala lang dito si Sir Caleb ng babae kapag byernes, at ikaw pa lang iyong unang babae na pinatira niya rito." Napangiwi ako sa sinabi ni Nanay Sonya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa isiping iyon. "Sige, hija, mag-ayos ka muna ng mga gamit ko at ipaghahanda kita ng hapunan."
Napatango ako sa sinabi nito at nagpaalam na sa kanya. Tumayo na rin ako sa sofa at nilibot ang buong kwarto. Hindi ako sanay sa magarang bahay na ito, pero kumportable namin ako rito.
Pumunta ako sa veranda para makalanghap ng sariwang hangin. Nakakawala ng pagod ang bawat dampi ng hangin sa aking balat. Napaigtad ako nang may yumakap sa akin, mula sa aking likuran.
"Hi! Did you miss me?" malambing na usal ng lalaking nasa likuran ko. Sweet si Caleb, pero alam ko naman na hindi lang ako ang nilalambing niya nang ganiyo. "Nakakain ka na ba, Rabiya?"
Umiling ako at tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa akin. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang ginawa niya kanina sa baba.
"I'm sorry, Sir Caleb, pero pwede po bang maligo po muna kayo? I mean—" Tumawa ito nang malakas kaya napatigil ako sa pagsasalita. "Bakit po?"
"May nakita ka ba kanina sa baba?" Itinikom ko ang aking bibig at lumayo sa kanya. Ngunit hinuli naman nito kaagad ang aking bewang at idinikit ako sa kanyang katawan. "Ngayon lang iyon. Huwag kang mag-alala sa loob ng tatlong buwan ikaw lang ang magiging babae ko," usal niya at hinalikan ang aking labi.