•Rabiya•
Napatigil sa paghalik sa akin si Caleb nang tumunog ang cellphone nito. Nakaginhawa naman ako nang maluwag nang lumayo na siya sa akin at sinagot ang tawag na iyon.
"Bakit naman ako pupunta d'yan, Caleiv? Babae mo iyan, bakit sa akin mo hinahanap?" naiinis niya usal. Umiwas ako ng tingin at bumalik sa pagtingin sa labas. Hindi ko naman kilala ang katawagan nito kaya wala akong pakialam sa buhay nila. "Anong si Kea? Saan ba nagpunta ang asawa mo? "
Hindi ko alam kung tama ba at nakikinig ako rito habang nag-uusap sila ng nasa kabilang linya. Baka akalain nito na tsismosa ako at hindi man lang ako umalis.
Akmang maglalakad ako palabas sa veranda nang tinaas nito ang isang kamay at pinatigil ako sa paglalakad.
"Bakit hindi mo palayasin? O di kaya sa kanya mo hanapin ang asawa mo? Hindi ba at ang asawa mo naman ang nagdala sa kanya d'yan sa pamamahay mo?" Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa sinabi nito. "Humanap ka kasi ng ibang babae, kaya ka niloloko ng asawa mo, eh, tsk. Mga ganoong klase ng babae hindi na hinahanap."
Sa tingin ko ay laruan lamang ang tingin ni Caleb sa mga babae. Hindi ko alam kung may nakaraan ba ito na ikinagalit nito nang husto sa mga babae.
Napaigtad ako nang bigla ako nitong tiningnan sa aking mata at sinenyas na palapitin ako sa kanya. Nahugot ko ang aking hininga at marahang lumapit sa kanya. Hinila nito ang aking bewang at idinikit ako sa kanyang katawan. Dumampi naman ang labi nito sa aking tainga na nakapagpatayo sa mga balahibo ko.
"Kiss me, Rabiya," malambing ang tono na saad nito. Napalunok ako habang nakatingin sa nangungusap niyang mga mata. Naghihintay ito sa halik na ibibigay ko sa kanya. "Caleiv, I'll hang-up now." Mabilis nitong kinalikot ang cellphone at inilagay iyon sa kanyang bulsa bago muling ibinaling sa akin ang tingin.
"I want your kiss now, Ms. Sanchez."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at tumingkayad. Ginawaran ko siya nang mabilis na halik sa kanyang pisngi, ngunit napamulat ako bigla nang hinuli niya ang aking pisngi at dinampian ng halik ang aking labi.
Akmang lalayo na ako nang mas diniinan niya ang halikan naming dalawa. Napahawak ako sa kwelyo ng kanyang damit dahil sa pangangatog ng aking tuhod.
"Did you like it, hmm?" Hindi ako umimik at nag-iwas na lamang ng tingin. "By the way, dahil dinala kita rito kahit pasukan niyo pa ay humingi ako ng permiso sa dean ninyo na gawin ng exchange student sa paaralan na pag-aari ng kaibigan ko at pumayag naman sila."
Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya hindi ako makapaniwala sa sinabi. Makakapag-aral pa rin pala ako, gusto kong pumalakpak kaso nahihiya naman akong gawin iyon sa harap ni Caleb.
"Salamat, Sir Caleb—" Napatigil ako sa pagsasalita nang inilagay nito sa aking bibig ang kanyang isang daliri.
"Pero sa isang kondisyon, bawal kang magkaroon ng nobyo hanggat sa hindi pa natatapos ang kontrata nating dalawa. Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Sanchez?" Mabilis akong tumango sa sinabi nito. Hindi naman mabigat ang kondisyon na iyon, dahil wala naman talaga sa isipan ko ang ganoong bagay. "Good. Simula bukas ay papasok ka na, kung gusto mong bisitahin ang iyong ina ay gawin mo iyon pagkatapos ng klase. Pero kailangan na makabalik ka na before 8, dahil may trabaho ka pa sa akin."
Tumango ako sa sinabi niya. Mabait naman si Caleb, iyon nga lang maraming babae at minsan ay mabilis itong sumpungin at magalit.
Napapitlag ako sa pagkakahawak niya nang hinaplos niya ang aking pisngi. Kahit siguro ilang ulit na nitong gawin iyon sa akin ay magugulat at magugulat pa rin ako, lalo na at ramdam ko ang mainit nitong palad.
"I want you naked. Undress yourself and come with me." Hindi na ako nito hinintay na makapagsalita at sinirado na ang glass window veranda. Nahihiya man ay hinubad ko pa rin ang aking mga damit. Ito naman ang trabaho ko sa kanya, hindi ako pwedeng mag-reklamo. "Beautiful. Mauna ka nang mahiga maliligo lang ako. Alam kong nandidiri ka pa rin sa akin."
Sobrang kaba ang nararamdaman ng puso ko habang hinihintay siyang dumating. Tumihaya ako at saglit na tumingin sa ceiling bago ipinikit ang aking mga mata para pakalmahin ang aking sarili.
—
Nagising ako dahil sa marahang halik sa aking balikat. Namulatan ko si Caleb na binibigyan nang mumunting halik ang aking balikat, pabalik-balik iyon at tila ba hindi nagsasawa sa kanyang ginagawa.
"Sir?" tawag ko rito para makuha ang atensyon niya. Tumingala naman siya sa akin, kahit nasa pagitan ng aking dibdib ang kanyang ulo. "Sorry nakatulog po ako."
Napakagat ako sa aking ibabaw na labi dahil sa biglaang pagtawa nito. Kinakabahan ako sa sasabihin nito, hindi ko naman sadya na makatulog habang naghihintay dito.
"It's fine. Bumangon ka na d'yan at may pasok ka pa mamaya." Nanlalaki ang mata ko sa sinabi nito. Umaga na ba? "Yes, Ms. Sanchez, umaga na po."
Hindi naman kasi halata dahil sa malalapad at makakapal na kurtina kaya akala ko ay gabi pa rin. Mas lalong lumaki ang aking mga mata nang bigla itong tumayo at nakita ko ang tayo-tayo at nagmamalaki niyang ulo sa ibaba.
"Ang ganda mo lalo kapag namumula. Nahihiya ka pa rin ba na makita akong nakahubad? Nagawa na naman natin ito dati 'di ba—" Kaagad kong itinapis ang kumot sa aking katawan at tumayo sa kama.
"Maliligo na po ako, Sir Caleb!" putol ko sa susunod niyang sasabihin. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang tuluyan nang hinuli naman niya ang aking braso at pinalingon ako sa kanya. "Sir? May kailangan po kayo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Where's my kiss?" Sobrang lapit ng mga mukha namin na halos maduling na ako sa kakatingin sa kanya. "Kukunin ko lang saglit ang good morning kiss ko."
Napigil ko ang paghinga nang maglapat ang mga labi namin. Tumawa naman ito nang mailayo na ako sa kanya, kinurot pa nito ang aking pisngi. Natutuwa yata sa reaksyon ko.
"Don't worry, I wont eat you. Breath!" Huminga nga ako katulad ng sinabi niya at naglakad na patungong banyo. Malakas ang kabog ng aking puso ngunit pinipigil ko iyon, at baka saan pa mapunta.
Pero sa tingin ko naman ay mawawal rin iyon lalo na at marami na akong taong makakasalumuha sa paaralan.