Ayla's Point of view Pagdating namin sa bahay ay agad akong tumungo sa aking kwarto para magpahinga. Habang nakahiga ay tulala lang ako habang nakatingin sa kisame. Hindi ko alam kung deserve ko ba ang kabaitan sa akin ng boss ko. Nagtapat s'ya sa akin ng nararamdamam niya para sa 'kin ngunit hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko siya babastedin. Wala akong balak na makipagrelasyon sa kaniya dahil ayoko siyang masaktan. Hindi ako nararapat sa pagmamahal ng isang Vladimir Grande. Kaya hanggang maaari ay pilit ko na lang siyang iiwasan. Ngunit paano? Napagpasyahan kong maligo na muna para naman ma-refresh ang aking isipan. Habang tumatagal ata ay lalong nagiging komplikado ang lahat. Matapos kong maligo ay agad kong isinuot ang aking silk night wear na dress. Kulay pink ito na h

