VLADIMIR'S POV. Halos sabunutan ko na ang buhok ko sa sobrang daming negative feedbacks ng hotel. My mind and my mood are not good right now. I was about to breakdown nang maramdaman ko sa aking harapan ang presensiya ni Ayla. Inilapag nito ang isang tasa ng black coffee sa aking lamesa na may nakadikit na stickynote. Tell me how to make you feel better today? ♥ Ayla. Napangiti ako sa aking nabasa kung kaya't mabilis ko siyang sinagot. "A simple hug will do." diretsahang sabi ko kay Ayla. Hindi na ito nagdalawang isip na lapitan ako matapos marinig ang sagot ko. "Tayo ka, sir! Yayakapin kita." Bahagya akong natawa sa kaniyang sinabi. "Bakit kailangan pang tumayo kung p'wede namang nakaupo?" hinila ko ang kaniyang kamay at saka pinaupo sa aking kandungan. Mahigpit ko siyang niyaka

