Ayla's point of view Tila nasira ang araw ko matapos kong marinig ang dalawang tao na may ginagawang milagro sa loob ng banyo.Hindi dahil sa aksidente kong narinig ang ginagawa nila kung hindi aksidente kong nalaman ang mga pangalan nila. Sigurado akong hindi iyon dala ng selos dahil pilit ko nang kinalimutan ang nakaraan namin ni John. Naiinis ako dahil si Nami na ang susunod niyang bibiktimahin at the same time natatakot akong magkrus ang landas namin ni John. Ayokong malaman ni Sir Vladimir ang nakaraan namin ni John dahil tiyak kong bababa ang tingin niya sa 'kin. Nang makauwi kami sa condo unit ay kaagad akong nag-isip ng plano upang hindi matuloy ang pagkikita nu John at ni Sir Vlad. Natatakot akong kamuhian ako ng taong malapit ko ng sagutin. Yes, mahal ko na si Sir Vladimir at

