Vladimir's POV Nang matapos kong pirmahan ang mga papeles na kailangan kong pirmahan ay nagmadali akong sumakay sa elevator upang sundan si Camille at si Ayla sa event hall. Pagdating ko ro'n ay naabutan ko silang abala sa pag-uusap. Lalapitan ko na sana sila nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko iyong kinuha mula sa aking bulsa para tignan kung sino ang tumatawag. "John's calling..." I answered it immediately. * * "Hello?" masiglang bati ko sa aking pinsan. "Where are you?" "Nasa hotel, why?" "Andito kasi ako ngayon sa hotel mo, p'wede ba tayong magkita?" Bigla naman akong napaisip kung ano ang ginagawa niya rito. "Sure, magkita tayo sa lobby ng hotel." Hindi ko na nagawang lapitan pa si Ayla at Camille dahil nagmadali na 'kong puntahan si John sa lobby. I

