Vladimir's point of view Pagdating ko sa bar ay kaagad akong dumiretso sa VIP room. Doon kasi talaga nila pinipiling pumwesto dahil mga babaero itong mga kaibigan ko. Pagdating ko sa VIP ROOM ay kaagad akong sinalubong ng ngiti ng aking mga kaibigan. Lumapit sa akin si Yvo habang may hawak ng bote ng alak. "Vladimir, akala ko ay hindi ka dating." tinapik niya ako sa balikat sabay akbay. "Come, let's drink!" inabot niya sa aking ang hawak niyang bote at pinaupo sa bakanteng upuan. "Yvo, bigyan mo ng babae 'yang si Vladimir." wika ni Jeremy na isa ko ring kaibigan. "Syempre, mayro'n 'yan." nakakalokong sabi ni Yvo. Umiling ako, "huwag na! Iinom lang ako." pagtanggi ko sa inaalok na babae sa 'kin. "Aba teka! Hindi p'wede 'yan." hirit ni Mark na nakaupo sa tapat ko. Halos lahat kasi

