Ayla's POV Mabilis lumipas ang isang linggo at tila nasasanay na rin ako sa aking araw-araw na trabaho. Hindi ko nararamdaman ang pagod dahil tinutulungan ako ni Nami. Mabait ito sa akin at magkaibigan na rin ang turingan namin. Wala si Sir Vladimir ngayon kaya malaya kaming nakakapag chismisan ngayon ni Nami. "Ayla, umamin ka nga, may relasyon ba kayo ni boss?" mausyoso na tanong ni Nami sa 'kin. "Wala." mabilis na tugon ko habang nagliligpit ng kalat sa aking desk. "Eh, ano 'yung nakita ko na magkayakap kayo habang nakakan-" Mabilis kong tinakpan ang kaniyang bibig para manahimik. "Shhhh.'wag ka nga'ng maingay. Baka may makarinig sa 'yo." saway ko kay Nami. "Eh, ano nga ang status niyo?" talagang desidido si Nami na malaman kung may relasyon na ba talaga kami ni Sir Vlad. "Nanli

