Umuwi din kinaumagahan ang Ate Cassandra ni AC.Sinundo ulit ito ng private chopper.Mukhang mayaman nga ang asawa nito.Medyo mahigpit lang daw ang asawa kaya bihira kung makadalaw sa kapatid.Once a year lang ata. Tulad ng dati busy si Ninong sa Hacienda. Ang sabi nito sa akin ay wala itong malubhang sakit na nararamdaman.Pero duda ako roon.Medyo pumayat ito kaysa ng huling kita namin.Sigurado ako na may sakit ito.Inililihim lang nito sa mga Anak.Ano naman ang rason nito?Kung ano man iyon siguro irerespeto ko na lang.Aantayin ko na lang na ito ang kusang magsabi kung ano ba talaga ang totoo. Tumawag ako sa Mommy ko. Tulad ng dati ikalawang ring palang sinagot na nito. "Hello Son!" excited na boses ni Mom sa kabilang linya. "I call you to ask some questions."walang paligoy ligoy na sa

