bc

My Brat Innocent Seducer

book_age18+
665
FOLLOW
2.1K
READ
playboy
goodgirl
comedy
sweet
humorous
serious
virgin
intersex
surrender
seductive
like
intro-logo
Blurb

Harvey Anderson,a Billionare who lives a very lucky life.

Mansion,Money,Fame,Women...name it,meron siya ng lahat ng mga yan.Sa murang edad pa lang,Naikakama niya lahat ng gusto niyang babae at kahit di niya gusto ay sila na ang lumalapit para akitin ang binata.Sino ba Siya para tumanggi,palay na ang lumalapit sa manok?

Sanay siya ang inaakit ng mga kababaihan.

Not until one day na nakita niyang muli ang dati ay may gatas pa sa labing Anak ng Ninong Niya na ngayon ay dalaga na,at hindi lang dalaga..kundi napakaganda at napakaseksing dalaga.

Si Ariana Coleen Alcaide.Mukhang nagkakagusto na rin ito sa kaniya.

Ang siste ayaw niya itong patulan dahil kahit dalaga na ito sa pangangatawan,hindi niya tataluhin ang Ninong niya na naghabilin sa Kaniya na alagaan at bantayan ang Kinakapatid niyang si AC.

Kahit pa nakakaramdam na rin siya ng mga bagay na hindi niya pa naramdaman sa mga naikama niyang babae.

Handa si AC na iseduce siya sa anumang paraan.

Shit..hanggang kelan kaya siya makakapagtimpi?

Lalaki lang siya,Nauubos din ang pasensiya.

Makatagal kaya Siya sa tuksong sunod ng sunod sa kaniya?

chap-preview
Free preview
1
Ang kuwento pong ito ay kathang isip lamang ng may akda.Anumang pagkakahalintulad ng mga lugar,pangalan at pangyayari ay di sinasadya at nagkataon lamang.You may encounter some typos error and wrong grammar at some point. The author is not promoting any bad influence, harrassment, s****l assault or any similar mistreatment.If you found any abuse or rudeness in this book it is just a part of the story. Some words and scene contains mature content,Skip if youre not comfortable reading.Skipping will not affect the flow of the whole story. Read at your own risk. Thank you. >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> Ilang oras ang hinintay ni Harvey bago lumapag ang eroplanong sinasakyan sa NAIA terminal.Nakailang stop-over ang eroplanong sinakyan niya dahil may mga connecting flights ito. Gusto sana niya ng direct flights pero ng last minute change of mind siya.Tutal di naman urgent ay nagbook na lang siya ng connecting flights para may mas thrill naman ang biyahe niya pauwi ng Pilipinas. Okey na naman ang buhay niya sa Hawaii. May negosyo ang mga magulang doon ng Driving School at Security Services. Nag eexport din sila ng mga native rattan products from the Philippines.Nagsawa na rin kasi siya sa buhay Pinas 14 years ago.But now umuwi siya ng Pinas. Pinuntahan kasi siya ng Ninong Alexander niya sa Hawaii.Nakiusap itong siya na muna ang bahala sa bunsong anak nito dahil ang panganay nitong anak ay may asawa na rin at sa Mindanao na naninirahan.Ayon sa Ninong niya,Ayaw sumama ng bunsong anak sa kapatid dahil ayaw nitong iwanan ang hacienda ng pamilya Alcaide sa Quezon Province. Magpapagamot ang matanda sa America ngunit ayaw nitong ipaalam sa mga Anak.Sinabi lang nito na may aasikasuhin sa America pero alam niya ang totoong pakay ng Ninong niya roon.Magpapagamot ito. Pagkababa ng sinasakyang eroplano ay nagtungo siya sa Arrival area.Hinanap niya ang sinabi ng Ninong niya na susundo sa kaniya. Nagpalinga linga siya sa paghahanap ng taong susundo sa kaniya. Sinabi naman niya ang suot niyang Leather jacket at Maong pants.Iyon nga lang di niya natanong kung sino ang susundo sa kaniya. Tinanggal niya ang shades sa mata. Nagbakasakali siya na makikilala siya ng mas mainam kung aalisin niya ang shades na suot. Mga ilang minuto ay may natanaw siyang dalawang tao na kumakaway sa direksiyon niya.Itinaas ng lalaki ang dalang banner na dala. Welcome Home,Sir Harvey Nakasulat sa banner na dala nito.Mga singkuwenta anyos na sa tingin niya ang matandang lalaki. Saka niya napagtanto na si Mang Henry ito ang katiwala ng Ninong Alex niya sa Hacienda.Palibhasa labing apat na taon siyang di nakabisita sa Hacienda ng Ninong niya mula ng Bumase siya sa Hawaii. Medyo nag edad na rin ang matanda at tumba ito kumpara noon. Kasama nito ang Asawang si Aling Gemma.Ang matandang babae ay may kababakasan na rin ng puting buhok keysa sa asawa nito. Dali dali siyang lumapit sa mga ito. "Naku,Sir pasensiya na ho at nahuli kami ng dating.Kasi ho eh matrapik pala dine sa Manila." sabi ni Mang Henry. "Okey lang ho." Tinapik niya sa balikat ang matanda. "Hindi pa naman namin kayo nakilala agad.Gumandang lalaki na kasi kayo.Akalain mo iyon dati 19 anyos ka lang ng pag alis mo.Ngayon ki laking Mama mo na." sabi ni Aling Gemma. Naglakad sila patungong parking lot ng Sasakyan. Pagdating doon ay nilagay sa likod ng sasakyan ang mga gamit niya.Itim na Fortuner ang dala ng mga ito. "Kamusta naman po sa Hacienda?" tanong niya kay Mang Henry na nagmamaneho ng sasakyan. "Tulad pa rin ho ng dati.Malakas naman ho ang ani ng mga prutas at gulay.Sinisigurado naman ho namin na maayos ang takbo ng Negosyo ni Sir Alex.Nakakahiya kung tutumal ang demands." sabi ng matanda. Tumango tango siya. "Buti napapayag kayo ng Ninong niyo na Umuwi dito,Lalo pa't may katigasan ng ulo iyong bunso niya. Ito namang si Cassandra na panganay,nag asawa ng Muslim.Doon na nakatira sa Mayaman din niyang Asawa.Halos bihira kung makabisita rito.Hindi namin nababantayan itong si AC lalo't alis ng alis ng bahay.Graduating pa naman." sabat ni aling Gemma mula sa upuan sa likod. "Iyon nga ho ang sabi ni Ninong.Hindi raw nakikinig sa iba ang anak niya.Kaya ako na lang pinakiusapan niya.Kung di raw makinig at sumunod daanin ko sa laki ng katawan.." natatawa niyang kuwento sa dalawang matanda. "Ay naku sir Harvey..Uubanin kayo ng maaga kay AC.Napakagala ng batang iyon.Hindi mapirmis sa bahay." sabi ni Mang Henry. "Ewan ko kung ano ang pinagkakaabalahan ng batang iyon.Bukod sa eskwela ay di na namin alam." sabi naman ni Aling Gemma. Mukhang mapapalaban siya sa pagiging Guardian ng kinakapatid. "Naku saan pa ba naman iyan magmamana..eh sa ina.Tingnan mo,Iniwanan si Sir Alexander at mas piniling manirahan sa ibang bansa." komento ni Aling Gemma. "Hindi naman sa ganun.Baka hindi lang Ganun kamahal ni Ma'am Connie si Sir Alex.Alam mo namang ipinagkasundo lamang iyon ng mga magulang." sabi naman ni Mang Henry. Totoo nga iyon.Mahirap daw sa mag asawa ang walang pag ibig.Tulad ng nangyari sa Ninong niya.Ipinagkasundo lang ang dalawa ng mga magulang nito noon.Pero hindi ata natutunang mahalin nang Ninang Connie niya ang Ninong niya kaya nagpasyang maghiwalay na lamang.Ang mga bata ay naiwan sa Ninong niya.Baka kaya ganun ang ugali ni AC dahil walang inang gumabay dito ng lumalaki.Maaring naghahanap ito ng kalinga ng ina. Naipilig niya ang ulo. Mahirap talaga ang maging broken Family. Buti na lamang siya di niya dinanas na naghiwalay ang mga magulang niya. Till death do us part ang sabi ng mga ito. Kaya dapat na makahanap din siya ng babaeng di siya iiwanan sa hirap man o karamdaman. Hindi dahil lang sa mapera siya.Mga babaeng nakilala niya sa ibang bansa,puro mga liberated. Walang nagtatagal.Para lang itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng lalaki. At sa edad niyang 33 ay di pa siya nakakasumpong ng babaeng ihaharap niya sa altar. Hindi naman sa pihikan siya.Ayaw niya nang babaeng open sa divorce.Bakit kayo magpapakasal kung maghihiwalay din lang pala?Kaya pag magpapakasal iyon talagang forever na.Walang hiwalayan. Makalipas ang 5 oras na biyahe ay pamilyar na siya sa tinataluntong daan ng sasakyan.Nasa Lukban,Quezon na sila. Kaysarap na ng hangin at ang ganda na ng mga tanawin. Napakalaki ng Bakal na gate ng Bahay ng Ninong niya.May nagbukas noon ng bumusina si Mang Henry. Mahaba at pakurba ang papasok sa garahe ng kotse.Mukhang sinadya na elevated ang lugar.Maganda ang pagkakalandscape nito ngayon.Kumpara noon na nandito siya.Pinarennovate na pala ng Ninong niya ang bahay.Mukha na itong White house sa puting pintura.Dalawang palapag ang bahay na Modern Style.Parang ganito ang bahay ng mga artistang nakita niya sa Magazine.Salamin ang Harap ng bahay. Sa laki at lawak ng bahay,Sino nga ba naman ang pipirmi sa bahay na ito? Kaya malamang laging umaalis ang bunsong Anak ng Ninong niya.Pagpasok ay napansin na niya ang naggagandahang malaking portraits na nakasabit sa bahay.Mahilig talaga ang Ninong niya sa mga iyon.Iba iba ang mga iyon pero tulad ng karamihan ay nasa pinakagitna ang larawan ng mga kabayo na may ibat ibang kulay. "Ihahatid ko muna kayo sa magiging kuwarto niyo Sir." sabi ni Mang Harvey. Sumunod naman siya dito sa pagpanhik sa second floor ng bahay.Tumigil sila sa Unang pinto roon.Apat ang magkakatapat na kuwarto roon. "Iyong sa dulo nitong Hallway,Iyon po ang Master's Bedroom.Doon ho ang inuukupa ng Ninong niyo."imporma sa kaniya ni Mang Henry Tumango tango siya. Binuksan nito ang pinto at iniawang ang pintuan.All white ang pintura ng kuwarto.Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng kuwarto.Sakto lang ang laki.May Aparador na gawa sa matibay na kahoy at salamin ang isa sa mga pinto niyon.May CR na rin sa loob na katabi ng Mini fridge. Aquablue ang ikinabit na kurtina.Marahil dahil sa lalaki ang uukupa.May flat screen Tv na rin na nakakabit sa dingding. "Sumunod na lang ho kayo sa baba at naghahain na po roon ang asawa ko ng makakain na muna kayo bago magpahinga." sabi ni Mang Henry. "Shower lang ho ako." sabi niya sa matanda. Lumabas na ito at kinabig ang pinto pasara. Itinabi na muna niya sa gilid ang dalang mga maleta.Mamaya o bukas na lang niya isasalansan sa cabinet.Kumuha muna siya ng maisusuot. Muscle Sando na kulay gray at Urban Shorts na White ang kinuha niya. Dali dali siyang naghubad ng damit,Tinira na lang niya ang brief at pumasok sa CR. Pagkatapos magbihis ay lumabas siya ng kuwarto.Bumaba siya ng hagdan at sinunod niya lang ang intuition kung saan ang dining. Nakuha naman niya.Nag aantay nga roon ang mag asawa at isang kasambahay na may edad na rin. "Maupo na kayo Sir Harvey.Tayo lang ang kakain.Wala pa ho si AC." alok ng Mang Henry . Naupo naman siya agad sa bakanteng upuan nasa tapat na niya. Bigla siyang natakam sa mga pagkaing nakahain. "Wow! alam niyo talaga ang paborito ko.Salamat ho sa pag aabalang lutuan ako ng mga ito." sabi niya sa mga ito. "Aba'y paano ko naman mkakalimutan ang paborito niyo?Eh pareho tayong paborito ang sinigang na sugpo." sabi ni Mang Henry. Agad siyang napasandok ng kanin.Kumuha na rin siya ng ulam. Paborito niya rin ang bangus na dinaing at ibinabad sa bawang at Suka bago pipirituhin. Makakarami siya ng kain ngayon lalo at namiss niya ang pagkaing probinsiyang ito. Tahimik silang kumain.Nagkakamay pa siya sa ulam na Sugpo at daing na bangus. Napadighay siya sa kabusugan. Pagkatapos kumain ay naglakad lakad siya sa labas ng bahay para magpababa ng kinain.Para na rin makabisado niya ang buong bahay. Pagkatapos ay pumanhik na siya sa taas para matulog.Tutal alas dos pa lang naman ng Hapon.Magsisiesta muna siya.Baka pag gising niya naandito na ang kinakapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected

read
124.8K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.5K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
10.8K
bc

The Lone Alpha

read
32.6K
bc

Just Got Lucky

read
141.9K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.1K
bc

Cruel Love

read
774.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook