2

1443 Words
Nagising si Harvey sa tunog na cellphone niya . Kahit medyo inaantok pa ay tiningnan niya ang tumatawag sa Screen ng phone niya. Ang Ninong niya. "Hello Ninong.." bati niya dito. "Mabuti naman at nasa bahay ka na.Hindi mo pa pala nakakaharap ang anak ko.Di pa raw umuuwi.Kaya nga gusto ko na naandiyan ka,para mabantayan mo yan at kung saan saan nagpupunta.Kahit noong nandiyan ako ganyan din yan.Mahirap mapakiusapan." nalulungkot na wika ng Ninong niya "Ako na hong bahala Ninong.Patitinuin natin iyang kinakapatid ko." determinadong sabi niya rito. Paano nga ba niya patitinuin,na hindi pa nga niya nakikita?Ano kayang hitsura nito ngayon?Nakalimutan niyang humingi ng litrato sa Ninong niya o maging kay Aling Gemma. Napagpasyahan niyang bumaba dahil ayon sa oras na nakita niya sa dingding alas siyete na ng gabi.Napahaba pala ng tulog niya. Sinuklay suklay niya nagulong buhok gamit ang kamay. Dahil nakaboxer shorts lang siya ng natulog muli niyang isinuot ang urban White shorts niya. Pag bukas niya ng pinto ay siya namang labas ng nasa katapat niyang pinto. Nagulat ito sa kaniya. Akmang sisigaw ito dahil baka akala ay kung sino siya. Bago pa man marinig ng mga tao sa bahay ang tili nito natakpan na niya ng malaki niyang palad ang bibig nito. Nagpumiksi ito at pinagsusuntok siya sa dibdib. Inipit niya ang mga kamay nito sa dibdib niya ng akapin niya ito at napadikit sa katawan niya. Ipinasok niya ito pabalik sa kuwarto nito. Nagpupumiglas pa rin ito.Siguro ay soundproof naman ang kuwarto nito kaya tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig nito.Marahil ay ito ang kinakapatid maikli na hanggang balikat ang tuwid na buhok nito.Marahil ay Rebonded. Ashblonde ang kulay ng buhok nito. Tantiya niya ay nasa 5'4 ang taas. "Stop Screaming." utos niya dito."Im Harvey.Remember me?"pakilala niya rito. Nag isip naman ito kahit shock pa.Tiningnan siya mula ulo hanggang paa pabalik. "Pinapunta ako rito ni Ninong..hindi ako magnanakaw!" paliwanag niya sa iniisip nito sa kaniya. "What?pinapunta ka rito ni Daddy?For what?Para bantayan ako?My Gosh ang laki ko na kaya! I dont need chaperone or Guardian or whatsoever!"prangkang sabi nito. "Sabihin mo yan sa Daddy mo or else alam mo naman siguro ang mangyayari." sabi niya rito. "Bullshit..Diyan magaling si Daddy ang takutin ako na mawawalan ako ng allowance,mawawalan ako ng kotse,ng bahay at ng Mana.Whatever!" sabi nito na puno ng kaartehan. Mukhang tama nga ang sabi ni Aling Gemma.Uubanin siya sa batang ito. Wait. Sinipat niya ang kabuuan nito habang nagdadabog na naglakad papunta sa kama nito at naupo doon na nakaharap sa kaniya. Nakasuot ito ng oversize black shirt at ewan niya kung ano ang suot nito ang pang ilalim noon dahil mahaba iyon. Kita niya ang magagandang legs nito. Hindi na pala ito bata. Dalaga na pala ito.6 na taon lang ito noon ng umalis siya.Napakabata pa nito noon. Pero ngayon,She is gorgeous young woman.Artistahin ang mukha nito.Halos hawig na ito kay Sue Ramirez.Malalantik ang pilik-mata nito. "Well,pag nakatapagtapos na ko at nagkatrabaho.Lalayas na ko sa bahay na ito.Im so sick being alone here!" sabi na naman nito. "So hahayaan mong mapunta sa charity ang mga ariarian na dapat ay sayo.?" balik sabi niya dito. "Kung gusto mo,sayo na.Aanhin ko ang mga yan.Hindi naman ako masaya.I'd rather live in a nipa hut than this big house full of silence.Kung ikaw gusto mo tumira dito,magsolo ka.Sabihin mo sa Daddy ko,Antayin niya lang na makatayo ako sa sarili kong mga paa..Bahala na siya sa mga kayamanan niya." dagdag pa nito. Naiiling na lang siya. "Kumain ka na ba?sabay na tayo kung hindi pa." alok niya dito para maiba ang usapan. Saka ito napatitig sa kaniya. Lumamlam ang mata nito pagdaka.Yumuko at muli siyang tiningala.Nakatayo pa rin kasi siya sa harap nito. Natahimik sila pareho. Mahihinang katok ang nagpabaling sa kanila ng tingin sa pintuan. "Senyorita AC,nakahanda na po ang hapunan." sabi ng boses na tumawag.Marahil isa sa mga kasambahay. "Sige susunod na ko." sabi nito at tiningnan siya. Narinig nila ang paalis na yabag ng kasambahay. "Hanggang kelan ka dito." tanong nito sa kaniya. "Hanggang gusto ng Daddy mo." sagot niya. "Ewan ko saiyo.Sayang ng buhay mo kung saan ka man nanggaling tapos mabuburo ka rito sa probinsya.Bumaba na tayo." Sabi nito at tumayo na't naglakad papunta sa pinto. Lumabas na ito kaya sumunod siya.Maayos naman ang kuwarto nito.Mukhang organisado ang mga gamit. Di man lang ito nag abalang magpalit ng damit. Ang laki laki ng tshirt nito na lagpas kalahati ng hita. Nasa likuran siya nito kaya kita niya kung paano ito lumakad.Natural lang, maarte nga lang ito sa pananalita pero sa kilos babaeng babae ito. Nagulat pa si Mang Henry ng makitang magkasama silang bumaba. Nagpalipat lipat ang tingin ng mag asawa sa kanila. "Nakapag usap na pala kayo ni Señorita AC."sabi ni Mang Henry. "Kaunti lang po." sagot niya at sinulyapan ang dalaga.Ipinaghila niya ito ng upuan ng akmang nakapili na ito ng uupuan. "Thank you." sabi nito sa kaniya.Buti di na naman nagsungit. Naupo na rin siya katabi nito. Nauna na itong kumuha ng pagkain. Adobong karne ng baboy ang kinuha nitong ulam. Nagsandok na rin siya ng kanin at naglagay ng ulam.Mukhang masarap ang Lumpiang shanghai kaya iyon ang kinuha niya at Chopsuey. Namiss niya ang mga ganitong klase ng ulam. Hindi naman nagtagal sa hapag kainan ang dalaga.Nagpaalam na itong mauuna na sa taas.Napatingin na lang siya dito at tumango. "Ganyan talaga iyan dito,konting konti kung kumain,tapos parang laging napapaso kaya umaalis din ng maaga." imporma sa kaniya ni Aling Gemma. "kami na lang kasi madalas ang nakakasalo niyan sa hapag.Ang Daddy niya kasi maghapong nag iikot sa Hacienda.Gabi na kung umuuwi rito." sabi naman ni Mang Henry. Marahil ay nakukulangan nga ng atensyon si AC.Ang ate naman nito ay wala rin at nag asawa pa sa malayo.Sino pa ba ang makakausap ng dalaga.Kaya marahil pakiramdam nito ay di siya mahalaga kaya laging umaalis ng bahay. Kinabukasan ay maaga siyang gumising.Siya na mismo ang naglinis ng sasakyan sa garahe. Sabi kasi ni Mang Henry ito ang laging ginagamit ng dalaga sa pagpasok sa eskwela. Siya ang maghahatid sa dalaga para mabantayan niya ito. Nagulat pa ito ng makita siyang nakatayo sa may pinto ng sasakyan. Nasipat naman niya ang suot nito. Nakaminiskirt ito navyblue na labas ang kalahati ng hita.Nakauniporme ito ng longsleeve na white at may nakalaso ring kakulay ng palda nito. Alam niya Bussiness Administration ang courrse nito di niya lang alam ang Major. "Ikaw na rin pala ang bagong driver ko..FYI may drivers driver's license ako.Kaya kong magmaneho ng mag isa.You don't have to accompany me wherever i go." umiral na naman ang pagkataklesa nito kaumaumaga. "I just want to.Mabuti nang may kasama kang matanda..i mean guardian." nailang din siya sa sinabi niyang matanda na siya kumpara rito.20 years old ito at siya naman 33..di naman masyadong nagkakalayo ang agwat. Hindi siya basta susuko sa taklesang ito.Kahit pa gusto nitong mapag isa.Dahil siguro nasanay na ito na laging nag iisa kaya pinagtatabuyan siya. "As you say so." naglakad ito papunta sa pinto ng passenger 's seat at doon umupo. Talagang ginawa siyang driver ng dalaga. Napailing na lang siya. Napansin naman iyon ni AC. "Ayaw mo yata?Huwag mo na kaya akong ihatid,dahil kaya kong magmaneho duh..." sabi nito sabay ikot ng eyeballs. Saksakan talaga ng sama ng ugali ang dalaga. Inistart niya ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho. Panay ang sulyap niya sa rearview mirror upang tingnan ang dalaga. Nahuli siya nito at nagtama ang mga mata nila. Pinanlakihan siya nito ng Mata. Tinaas taasan niya naman ito ng kilay. "Alam mo di kita matandaan.Di ko alam kung kilala nga ba kita." sabi nito. "You're 6 when i left and move to Hawaii. Nakauwi ako ng 2 beses sa pinas pero di ako nakabisita rito." paliwanag niya. "Owkey.." slang na pagkasabi nito ng Okay. "Saan nga pala kita ihahatid?" tanong niya dahil di naman talaga niya alam kung saan.Alam niya nag o OJT na ito. Sa Provincial Economic Bussiness Center.Doon ako nag o-OJT." kaswal na sagot nito. Napatango na lang siya. "Anong oras kita susunduin?" tanong ulit niya. Umarko ang isang kilay nito. "Pati pag uwi,susunduin mo pa ako?My Gad!Di na ako pre-school ha!" nagrereklamo na naman ito. Di na ata ito nauubusan ng reklamo. "Basta sabihin mo na kung anong oras ang labas mo." pilit niya. "5pm." sabi nito. "Okey.5 pm at the entrance." sabi niya. Bumaba na ito,padabog na sinara ang pinto ng kotse,at walang paalam na tumalikod. Naiiling na lang siya sa Brat na ito. Maganda naman sana ang kinakapatid,Nuknukan naman ng sama ng ugali. Kailangang umisip siya ng paraan para mapaamo ito kaagad.Dahil kung hindi uubanin yata talaga siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD