3

1521 Words
Pagkahatid kay AC ay bumalik siya sa bahay ng mga ito.Plano niyang sumunod sa Hacienda ng Ninong Alex niya.Alam niyang nauna na roon si Mang Henry. Kumuha siya ng puwedeng isuot sa bukid.Iyong may mahabang manggas at pantalon.May parte kasi na medyo mataas ang mga damo. Tanda pa naman niya ang papunta roon. Ng makarating doon ay nagpasama siya sa isang tauhan kung nasaan si Mang Henry.Nasa taniman daw ito ng Dalandan.Palibhasa aanihin na ang mga bunga niyaon. Nakangiti siyang lumapit sa matanda.May anim na kalalakihan pa ang naroon at katulong na naghaharvest.Isinasako ang mga napitas na dalandan. "Ang bilis mo namang nakabalik?" sabi ni Mang Henry. "Dumaan pa nga ho sa mansion para magpalit ng damit pang bukid." aniya sa matanda. "Diretso naman ba sa OJT si señorita AC?" tanong ng matanda. "Oho..doon ko na inihatid at susunduin ko mamayang alas singko." imporma niya rito. "Ayaw pa naman noong nagpapahatid."anang matanda "Ayaw nga ho,kaso pinilit ko.Gusto ko rin malaman ang mga routine niya para alam ko kung saan siya hahanapin pag nawawala siya at di umuuwi ng bahay." aniya kay Mang Henry. "Naku,mahabang pasensiya ang kailangan niyo kung ganoon..Mahirap mapasunod ang batang iyon.May sariling gobyerno iyong sinusunod." sabi naman nito sa kaniya. "Bata pa ho kasi..saka di lang ata sila nagkaintindihan ni Ninong.Alam niyo naman iyon na gusto rin siya ang masunod kaso itong kinakapatid ko ayaw namang minamando.." sagot niya. "Tama ka.Kaya nananatili pa iyon dito dahil sa hindi pa kayang lumipad sa sariling pakpak.Paano na kaya kung makapamuhay na iyon ng sarili." naiiling na sabi ng matanda. "Ako na hong bahala habang wala si Ninong.Ako na muna ang Guardian niya." sabi niya. "Goodluck na lang sainyo Sir." sabi ng ilang naroon. Parang kilala na rin talaga ng mga ito ang dalaga. Sikat ba ito sa ganoong ugali?Pero minsan tingin naman niya rito ay tahimik at pamasid-masid lang Kung sabagay sabi nga ng mga matatanda, Ang taong tahimik,minsan nasa ilalim ang kulo. Marahil kinikimkim lang. Maghapon silang nag ikot sa hacienda.Sa lawak ng taniman ng dalandan at rambutan ay naubos na ang oras nila doon pa lang. Alas kwatro niya napag pasyahang umuwi.Naligo siya at nagpalit ng damit. 3/4 V-neck white shirt at Black Cargo pants ang suot niya. Sampung minuto bago mag alas singko ay naroon na siya sa tabi ng Entrance ng pinag o-OJT-han ng dalaga. Pero 30 minutos na siyang nag aantay sa loob ng sasakyan ay walang lumabas na AC. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at nagpasyang bumaba upang magtanong sa Guard.Pauwi na kasi ang ilang nagtatrabaho doon Lumapit siya sa Guwardiya at nagtanong kung nag out na ba si AC. Halos uminit ang ulo niya ng ipakita ang logbook nang mga nag o-OJT sa kaniya. Umuwi na si AC bandang alaskuwatro pa.Kasabay ng ilang OJT's din doon. Saan niya ngayon hahanapin ang kinakapatid? Sinadya ba nitong sabihing alas singko ang out nito gayong hindi naman? Magaling!Magaling! Unang araw pa lang ng paghatid-sundo niya natakasan agad siya ni AC. Saan na naman kaya ito nagpunta? Nagmamadali siyang sumakay at pagkaandar ng sasakyan ay nag ikot ikot siya sa Centro ng Lukban. Pero wala siyang nakita ni anino ni AC. Bigo siyang umuwi sa Mansyon.Madilim na siya ng makauwi. Bagsak ang balikat niyang pumasok sa loob.Nadatnan niya sa malawak na sala ang mag asawang Mang Henry at Aling Gemma. "Oh ba't ganyan ang mukha mo.?" tanong ng Ginang. "Tinakasan ako ni AC..wala na siya doon pagdating ko." walang buhay na sagot niya. "Hay naku..saan na naman kaya nagpunta ang batang iyon?" sabi ng Ginang. "Bat di mo kaya puntahan sa Bar diyan sa may Lucena.Alam mo minsan kung saan saan iyon nakakarating."Ani ni Aling Gemma. Lucena? Isang oras iyon kung pupuntahan niya.Ang problema,panu kung di naman doon nagpunta sina AC. Sana lang wala itong ginawang kalokohan at ikasisira ng buhay nito. Napatiim ang bagang niya.Lagi pang ganito ang kinkapatid.Anong pinaggagawa kaya nito sa buhay nito pag wala sa loob ng bahay? Nakakatakot naman talaga ang mga galaw ng mga kabataan ngayon.Masyadong mapusok kung magdesisyon sa mga buhay nila akala mo ba ay maari pang ulitin ulit para maitama. Aantayin na lang niya ang pasaway na kinakapatid. Pumuwesto siya sa balcony sa taas ng bahay upang matanawan niya kaagad pag dumating ang dalaga. Habang nag aantay ay umiinom din siya ng beer.Pampalipas ng oras. Nakatatlong bote na ang nauubos niya ng matanawan sa labas ng gate ang pagdating ng isang sasakyan. Sinipat niya ang relos. Alas onse y media ng gabi. Grabe.. Saan naman kaya nagpupunta ang dalaga at ganitong oras umuwi. Hindi niya marinig ang usapan dahil malayo siya. Nakita na lang niya na kumaway ang dalaga. Maya maya'y pinagbuksan ng pinto ng guwardiya ang dalaga.Pumasok ito sa loob ng kabahayan. Nagpasya siyang antayin na lang sa taas ang dalaga. Akmang isasara nito ang pinto ng kuwarto ng iharang niya ang kamay niya at itulak ang pinto upang bumukas ulit. Nagulat ito pero nakabawi din agad at tinanong siya. "What?" naiinis na sabi nito. "Ikaw ang dapat tanungin ko kung saan ka nagpupunta gayong alam mong susunduin kita?" kalmadong tanong niya. Inikutan lang siya ng mata ng dalaga. "Bakit,Tatay ba kita?At Kailangan ko pang magpaalam saiyo?Di ba sinabi ko naman na hindi ko kailangan ng taga hatid-Sundo!Ikaw lang itong nagpupumilit na sunduin ako.So you deserve na mag antay sa wala." sagot nito. Napabuntunghininga siya.Nakakainit din talaga ng ulo ang dalaga. "So ganiyan pala katigas ang ulo mo.Nextime,hindi mo na ako matatakasan." sabi niya sa dalaga. Tumawa ito. "Ows talaga?Wanna try?" hamon nito. Nang iinis na naman ito. "Huwag mong ubusin ang pisi ng pasensiya ko."sabi niya lang sa dalaga at tumalikod na siya at iniwan ito. "I Don't Care!Who do you think you are..Duh!" maarteng sigaw nito sa likuran niya. Bumalik siya sa pag inom.Mahirap pala ang maging magulang lalo kung ang isang katulad ni AC ang anak na babantayan. Kung nagkaanak siya ng maaga sa mga babaeng nakasiping niya marahil mga labindalawang taon na sa ngayon.Iyon nga lang drawing lang iyon dahil maingat siya sa ganung mga bagay.Ayaw niyang makabuo lalo at di naman niya mahal. Mas gusto niya magkaroon ng anak sa babaeng mahal niya.Hindi sa kung sino sino lang diyan.Gaya ng mga accidental pregnancy dahil di nag ingat. Pero ngayon pa lang alam niya na mahirap pala magdisiplina ng anak. Buti na lang siya di sakit ng ulo sa mga magulang.Kahit naman siya ay nahilig sa mga kababaihan pero walang sumabit at walang naghabol.They come and go. At di naman siya bumabalik sa mga naikama na niya. Maybe ganun talaga pag madami kang choices. And he is not after marrying any women up to this very moment..Ayaw niyang magmadali. Naisip niya lang ang Ninong niya.Kung di lang dahil sa nakakahiyang tanggihan niya ito ay ginawa na niya.Lalo at may kasutilan ang anak nito. But sabi ng Mommy niya mas mabuti na rin na andito siya sa pinas for Good. Anong good naman kaya ang makukuha niya sa pagbabantay sa kinakapatid? Uban lang ata ang makukuha niya. Kinaumagahan nagulat ulit si AC na makita siya sa Garahe. "Are you not planning to change your mind and go back from where you from?" tanong nito,nakahulukipkip ang mga braso sa dibdib. Tiningnan niya ito ng walang emosyon. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at minuwestrahang sumakay ito. "Get in." Utos niya rito. Sumakay naman ito at padabog na umupo. Pinaikot na naman nito ang eyeballs. Hindi na ata ito napapagod sa ganung gawain. Baka lumuwa na ang mata nito o kaya maduling na. Tahimik nilang binaybay ang daan. No one starting a conversation. Pero panaka naka niyang tinitingnan ito sa rearview mirror. Busy ito sa kadudutdot ng cellphone. Napakaamo ng mukha nito pag walang kibo.Pero ubod ng taray at arte kung magsalita.Ang bilis magshift ng mood at tingin niya'y laging may iniisip. Si AC ang klase ng babae na hindi mo puwedeng sindakin. Marahil sa nasanay ito na sarili lang niya ang aasahan. Madaling mag isip at magpasiya.Padalos dalos nga lang. He wonder's if Virgin pa ang kinakapatid.Lagi kasi itong wala sa bahay.Saan naman kaya ito nagpupunta? Naisip na ba nito na makipagsex tulad ng ilang kabataang kilala niya noong panahon niya. He doubted kung pakawala din ba ito or pansindak lang amg pagiging mataray nito. Tingin naman niya sa katawan nito ay buo pa.Maganda ang kurba at di pa naman lusyang.tulad ng iba. Nagtataka lang siya kung ano anong ginagawa nito at dis oras na ng gabi kung umuwi. Pakapasok nito sa loob ng trabaho ay nilapitan niya ang guwardiya. Sinigurado niyang di siya nakita ni AC. Pasekreto niya itong tinanong nang oras ng out ng mga OJT's.At sinagot naman siya nito ng maayos. Kailangan nandoon na siya bago pa maglabasan sina AC. Dahil kung hindi matatakasan na naman siya ng Dalaga. Wanna try daw? Talagang sinusubukan siya ng dalaga.Sisiguraduhin niyang this time di na siya matatakasan ng kinakapatid. Kung kailangang bumuntot siya rito gagawin niya.May maireport lang siyang maganda sa Ninong niya. Hindi pa naman niya alam kung ano na ang tunay na lagay nang Matanda.. Tapos daragdag pa sa alalahanin itong kinakapatid. Kailangan niya ng magandang plano para mapatino ang dalagang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD