Inagahan niya ang pagsundo sa dalaga.Hindi siya puwedeng takasan na naman nito.Pumuwesto siya sa malapit sa labasan ng mga empleyado ng opisinang iyon.
Ayun sa gwardiya alas kuwatro ng hapon ang labasan nina AC at ilan pang OJT's.
Nakasuot siya ng black V-Neck shirt at black Cargo pants with matching black highcut rubber shoes.Nakablack signature shades din siya para di siya agad mamukhaan ni AC.
Para na siyang Private bodyguard ng Importanteng tao sa hitsura niya.Natatandaan pa niya ang mga Hitsura ng mga Men in Black.Malalaki ang katawan at matatangkad.Nakasandal siya sa poste nakahalukipkip ang mga braso habang nagmamasid.Marami ang napapatingin sa kaniya.Ang ilang kababaihan ay wari pang kinikilig habang nakatingin sa kaniya.Alam na niya ang Lakas ng s*x appeal niya sa mga kababaihan.Lalo na sa mga bakla.Hindi na bago iyon sa kaniya.Ipinagwalang bahala na lang niya ang mga ito.
Sakto pagpatak ng Alaskwatro diyes ng hapon ay mauulinigan na ang mga taong paparating papunta ng gate.
Uwian na.
Natanawan agad niya si AC dahil matangkad ito.
Hindi siya napansin ng mga ito dahil sa kakaibang get up niya.
Para siyang Detective na pasilip silip sa grupo ng kinakapatid.
Tumigil ang mga ito sa gilid ng hallway.Malapit sa pinagkukublihan niya.
"Ano na?Saan na naman tayo ngayon?" tanong nag isa na nakaitim na nail polish.Sinipat sipat nito ang mga kuko sa daliri at pagkatapos ay kinagat kagat.
"Tutal si AC naman ang may pakay..di siya ang magdesisyon kung saan ang ruta natin."sabi ng isang medyo kulot ang buhok na hanggang dibdib.
"Bakit ako?" angal ni AC.
"Di ba ikaw tong stalk ng stalk sa prince charming mo.Di kung asan siya doon tayo." sabi ng isang morena,may kaliitan pa ang pangangatawan.
"Wala namang mangyayari kung bubuntot ako ng bubuntot sa mokong na iyon.Lalo lang magyayabang iyon na may gusto ako sa kaniya." sabi ni AC.
So eto pala ang pinagkakaabalahan nito.Ang mang-stalk ng lalaki.
Aba'y magaling.
Ganun na ba ito kadesperada.
Ang magpapansin sa lalaki?
Nainis siya sa isiping iyon.
Nagpalinga linga si AC na wari'y may hinahanap.Nagkanda haba haba ang leeg nito sa pagtanaw.Tumingkayad pa ito at pasilip silip sa mga nakaparadang mga sasakyan sa parking lot.
"Sinong hinahanap mo AC?" tanong ng isang payat pero pinagpala ang hinaharap kay AC.
"Sino pa iyong nakakabwesit na inaanak ng Daddy ko." sagot nito.
Napakunot tuloy ang noo niya sa sinabi nito na bwesit daw siya sa dalaga.
Panay pa rin ang sipat sa mga sasakyang nakaparada.
"Guwapo ba?" interesadong tanong ng morena.
"Hmmmm.." sagot ni AC na ibig sabihin ay oo..
"Ipakilala mo naman kami bakla.." sabi ng nakaitim na nail polish.
"Para ano?para landiin niyo..?hay naku..pati ako gagawin niyo pang tulay ,No way.!" sabi ni AC.
"Sama ng ugali mo,makasarili ka talaga." sabi ng mga kaibigan nito.
"Ano..saan na nga tayo..?"tanong ulit ng isa.
"Okey..pass muna kaya tayo.Wala ako sa mood na mang stalk ngayon sa gagong iyon .Para makaganti sa gunggong na iyon kailangan ko munang mag iba ng plano.."Sabi ni AC.
"Sabihin mo,di umiipek yang mga plano mo.Kasi alam naman ni Patrick na head over heels ka sa kaniya." tudyo ng payat.
"Hindi na noh..maipahiya ko lang siya ng isang beses,bawi na ko." sagot ni AC.
"Pero kung bumigay ka kasi..Tapos na ang usapan.Sana naging kayo na." sabi ng morena.
"Hoy,Trisha.Alam mo naman na iyon lang ang habol ng punyetang iyon eh.Ang mangulekta ng virginity.Sorry di ko ibibigay sa kaniya.Manigas siya." depensa ni AC.
Nakahinga siya ng maluwag.So virgin pa ang kinakapatid.Hindi pa sinurender ang bataan.
Napaisip tuloy siya kung sino ang Patrick na iyon at anong hitsura nito at nagkandarapa ang kinakapatid sa pagsunod sunod dito para daw makaganti?Sa ano naman kayang dahilan?Ano naman kaya ang ginawa ng Patrick na iyon.
"Yeah i agree..kasi nagsasayang lang tayo ng effort kung bubuntot pa tayo sa Badass na iyon.Buti pa..mag lielow muna tayo.Baka siya na mismo ang maghabol saiyo at makaganti ka na Girl.!" sabi ulit nag nakablack nail polish.
Tumango tango ang mga ito na wari'y pinal na iyon.
Nakahinga siya ng maluwag at wala nang planong magliwaliw ang kapatid.
"Punta na lang tayo sa Mall.May bibilhin lang ako." sabi ni AC.
"Okey..tara.." sabi ng isa.
Nauna ang nagngangalang Trisha.Iyong payat na malaki ang hinaharap pero pinagkaitan naman ng tambok ng puwet.Kasi tingin niya flat iyon.
Dumiretso ang mga ito sa nakaparadang Asul na Adventure.Inihagis ni Trisha ang susi kay AC na agad naman nitong nasalo.
Ang kinakapatid ang magmamaneho?
Sabi nito sa kaniya may lisensiya daw ito.
Dali dali siyang nagpunta sa sasakyan niya para masundan ang mga ito.
Natanaw niya ang pag alis ng Sasakyan kaya dali-dali niyang pinaharurot ang sasakyan sa direksyon na tinatahak nina AC.Pupunta daw ng Mall.
Saan pa ba ang may pinakamalapit na Mall?
Sa Lucena pa ata..
Napakalayas talaga ng kapatid.Ginagawa lang na kapitbahay ang may kalayuang lugar.Kaya siguro ito inaabot ng gabi kagagala.
Nabuntutan na niya ang mga ito.Kababaeng tao napakabilis magmaneho.Narinig niya pa ang malakas na tugtog ng Car stereo ng mga ito,dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan.
Buti na lang at tila di naman siya pansin na sumusunod sa mga ito.
Pagkalipas ng mahigit 30 minuto ay tumigil ito sa isang Sikat na mall na may branch sa Lucena.
Nagbabaan ang mga sakay nito.Magkakasamang pumasok ang mga ito sa loob ng Mall.
Pasimple naman siyang nakasunod sa mga ito.
Natatawa lang siya dahil mukha na talaga siyang Spy.
Pumasok ang mga ito sa isang Fastfood.Nag pasya na lang siyang kumain sa foodcourt.Naupo siya sa mesa na tanaw ang loob ng Fastfood
upang patuloy na mamatiyagan ang kinakapatid.
Nag order lang siya ng special bibingka at buko juice na literal na nasa buko shell pa kahit nasa loob ng Mall.
Masarap na rin itong merienda at early dinner.Nakalimutan na niya magmerienda kanina sa kabubuntot sa dalaga.
Pagkatapos kumain ng mga ito ay nagpunta ito sa Department store Section.
Derederetso ito sa isang sikat na clothing brand.
Pati siya nagkanda haba sa tingin kung anong bibilhin ng dalaga.
Swimming attire section ang pinuntahan nito..
So may plano talaga ito na magpaseksi.
Kung anu-ano talaga ang naiisip nito.
At para daw magpapansin at gumanti sa nagngangalang Patrick.
Seryoso ba ito?
Ano naman ang mapapala niya sa pagsunod sunod sa lalaking iyon.
Ng lumabas ang mga ito kaniya kaniya na itong bitbit ng shopping bag.
Nagtatawanan pa ang mga ito.
Dumiretso ito sa Supermarker section.
Nagpasiya na lang siyang maunang bumalik sa parking lot at mag-antay sa loob ng sasakyan.Para hindi siya magkumahog kung saan na naman ang tungo ng mga ito.
May bitbit na ang mga ito ng Grocery Bag.
Di niya lang kasi kita ang laman ng Grocery Bag.Hindi naman siya manghuhula.
Sumakay ulit ang mga ito sa sasakyan at umalis sa lugar.
Sumunod ulit siya sa mga ito.
Buong akala niya ay uuwi na ang mga ito.
Pero lumiko ito sa crossing pakaliwa.,ibig sabihin paakyat ang ruta ng mga ito.Saan na naman ba naisipan ni AC na pumunta.Ito ang nagmamaneho kaya kung saan saan sumusuot.
Ng makitang tumigil ito sa isang nature park ay nagkobli din siya at pinatay ang makina ng sasakyan.Ibinaba niya ang bintana sa driver's seat upang matanaw ng mabuti ang gagawin ng kinakapatid at mga kasama nito.
Base sa nakikita niya sa lugar,isang nature park ito.Pwede magcamping overnight.Ibinaba ng mga ito ang pinamili sa supermarket.Tama nga ang hinala niya.Magsisipag inuman ang mga ito.
Tahimik lang siyang nakamasid buhat sa di kalayuan sa mga ito.
Buti na lang konti lang naman ang ininom ni AC.Dahil siguro ito ang magmamaneho.Nakahinga siya ng maluwag.
Malakas ang sounds ng car stereo.Maya maya ay nagsisipagsawayawan na ang mga kasama nito.
Medyo dirty dancing na ang ginagawa ng morenang kasama nila AC.Panay naman ang hiyawan ng mga kasama ng mga ito.
Niligpit naman ng mga ito ang kalat pagkatapos.
Hindi naman siya masyadong nainip kamamanman sa mga ito.Para lang naman siyang nanonood ng event sa bahay ni Kuya.
Nakita niyang lumayo konti si AC.Mukhang may tumatawag dito.
Agad siyang sumunod dito at nagkobli sa isang puno.
"Wala akong panahon ngayon.Busy ako." dinig niyang sagot nito sa kausap.
"At baka nakakalimutan mo rin.Wala na ang deal natin.Di naman ako napansin ng bestfriend mo.Ayaw ko namang ipahiya pa ang sarili ko.So i gave up the idea of stalking him.Para ano pa..Maya mahal na siyang iba.At FIY ayoko namang maging third party.Kaya bahala ka ng mapasagot yan.Labas na ko sainyong dalawa.!" sabi nito at pinatay ang tawag.
Naupo ito sa damuhan pagkalatag ng dalang jacket.
Nakatingin ito sa langit na parang may kakaiba doon.
Maya maya'y humiga ito sa nakalatag na jacket.Itinakip nito ang braso sa may bandang mata.
Plano yatang umidlip.Habang ang mga kaibigan nito ay nagkakasiyahan.
Nailing na lang siya.Broken hearted pala ang kinakapatid.Hindi daw pinansin nang nagugustuhan.
Tss..
Nacurious tuloy siya kung anong hitsura ng natitipuhan nito.Marami pa siyang hindi alam sa dalaga.Baka sakaling maintindihan niya bakit malayo ang loob nito sa Ama.