Nagkumahog siya sa pagsunod ng maulinigang pauwi na ang mga ito.Base sa nakikita niya lasing na ang mga kaibigan nito.Buti na lang at wala naman itong mga kaparehang lalaki.Nakahinga siya ng maluwag sa isiping walang mapagsamantalang kasama ang mga ito lalo't gabi na at medyo madilim na rin sa lugar.
"AC iyong 2 piece ko di ko ba magagamit ngayon?" tanong ni Trisha na medyo sumusuray na sa kalasingan.Paano kaya kung makita ito ng magulang nito sa ganung kalagayan?
Marahil mga spoiled brats din ang mga kaibigan ng dalaga.
"Some other day..marami pa namang ibang araw Trish, so next time na lang." sabi ni AC dito.
"Kasalanan mo kasi to bakla,matapang pala yang Soju na iyan.Kakaidolo niyo sa mga Oppa na iyan.pati korean drink ay tinatangkilik niyo na rin,ayan tuloy,tinamaan ako..Bakla buhatin mo na lang kaya ako!" sabi ni Trisha.
"Girl,ikaw kaya ang umubos ng drinks natin..huwag kang magreklamo diyan,iyan ang napapala ng sakim sa alak.."sabi ni Camille kasunod pa ng tawa nitong nakakaasar.
"Shut up!" sagot naman ni Trisha.
"Sumakay na kayo sa sasakyan,iiwanan ko kayo rito..Lagi naman kayong ganyan pag nag iinuman tayo..laging lasing..Mga mahinang nilalang.." sabi ng morenang si Kristine.
"Sa sunod ikaw naman ang lalasingin namin.."sagot ni Camille.
"You can try bakla.." hamon naman ni Kristine.
Si AC na lahat nagbitbit ng ilang natirang baong chichiria ng mga ito.
Pagkasakay ng mga kasama ay agad na umalis ang mga ito.
Tahimik din siyang sumunod sa mga ito.
Maayos namang naihatid ng dalaga ang mga kasama.
Problema lang paano uuwi ang dalaga gayong lasing na si Trisha.
Panigurado di na ito makapagmamaneho mag isa.
Huling naihatid si Trisha.Natanaw niyang lumabas ng gate nila Trisha si AC.
Base sa bahay,may kaya rin sa buhay ang pamilya ni Trisha.
Alas onse na ng Gabi.
Ganitong-ganito kung umuwi ang dalaga.
Kaya pala kasama nito ang mga kaibigan at kung saan-saan nagpupunta.
Nakatayo ang dalaga sa tabi ng kalsada.Wari nag iisip kung paano uuwi.
Kung ganun,bakit di nito dinala ang sasakyan ni Trisha?Bakit pa ito mag aantay sa labas kung di sigurado sa masasakyan sa dis oras ng gabi?
Siya ang kinakabahan para rito.
Kababae pa namang tao.Paano na lang kung mapagtripan ito o marape?
Nagpasiya siyang isakay na ito pauwi.
Kaya pinaandar niya ang sasakyan at inihinto sa tapat ng dalaga.
Nagulat pa ito ng makita at makilala siya.
"Sumakay ka na." sabi niya.
Di na siya bumaba para ipagbukas ito ng pinto ng sasakyan.
Baka isipin nito masyado naman siyang gentlemen.
At baka lalong lumaki ang ulo nito.
Sumakay naman ito.
Good.
Sabi ng isip niya.
Para wala ng pagtatalo pa sa pagitan nila.
Tahimik sila sa biyahe.Masyadong maluwang ang kalsada.Mangilan ngilan lang ang nakakasalubong nilang sasakyan.
He did'nt bother to start a conversation either.
Ayaw naman niyang pagsalitaan ito kung bakit gabi na nasa lansangan pa ito.
Nakahulikipkip ito ng dalawang braso at nakapikit ang mata na alam niyang di naman ito tulog.
Narating na nila ang bahay ng magmulat ito ng mata.Nang patayin niya ang makina ng sasakyan,bumaba na rin ito.Nauna itong pumasok sa loob ng bahay.
Akala niya pumasok na ito sa kuwarto nito,nagulat pa siya ng makita itong nakatayo sa amba ng kuwarto nito na katapat ng kuwartong inuukupa niya.
Nakatingin ito sa kaniya habang papalapit siya.
Sinalubong naman niya ang tingin nito.
Di ito nagbaba man lang ng tingin,ni hindi man lang nailang.
Akmang pipihitin na niya ang knob ng magsalita ito.
"Thank you sa pagsundo sa akin." sabi nito.
Napahinto siya sa pagpihit ng knob.Gusto niyang matawa.Marunong rin pala itong magpasalamat.Akala niya di nito maaapreciate ang effort niya.
Gayong mukha na nga siyang tanga kabubuntot dito.Di nga lang nito alam.
Humarap siya rito pagkuwan.
Ganun pa rin ang hitsura nito.
Pero para naman itong sincere sa pagpapasalamat.
"Wala iyon." sabi naman niya.
Ngumiti pa ito sa kaniya bago pumasok sa loob ng kuwarto nito.
Naiwan siya na di makapaniwala sa nakita.
Si AC nagpasalamat at ngumiti sa kaniya?
Magpapamisa na ba siya?
Lagi kasi itong nakaangil sa kaniya.Tapos ngayon all of a sudden nagbago ang treatment nito.
O marahil mabait din naman talaga siguro ang dalaga.Anang isang parte ng isip niya.
Marahil nga dinadaan lang nito sa paninindak minsan upang iba ang maipakita sa ibang tao.
But deep inside ay likas na may kabaitan ito.
Naiiling siyang pumasok ng kuwarto niya.
Mga kabataan nga talaga.Minsan di mo maintindihan.
Kinabukasan,maaga ulit siya sa garahe.Pasipol sipol pa siya habang nagpupunas ng gagamiting sasakyan.
"Maganda yata ang mood ninyo,Sir Harvey.." narinig niyang wika ni Aling Gemma.
Ngumiti siya sa Ginang.
"Maganda lang ho ang tulog at gising ko." aniya sa Ginang.
"Walang nagpasakit ng ulo ninyo?" tukoy nito kay AC.
Umiling siya rito.
Naalala pa niya kagabi ang ngiti ng dalaga.
Nangingiti na pala siya ng di niya namamalayan.
"Naku..baka may natitipuhan na kayong babae dine.Nangingiti kayo riyan oh." sabi ni Aling Gemma
"Wala naman ho akong natitipuhan,medyo maganda lang talaga ang gising ko." sabi niyang muli rito.
"Ganun ho ba?Mabuti nga kung may makilala ka naman dito..madaming dalaga pa naman riyan.Malay niyo andito ang kapalaran niyo." nakangiting sabi nga ginang.
Wala pa nga siyang natipuhang asawahin sa ibang bansa.Dito pa kaya?
Kung sabagay sinong bang makakaalam kung sino ang nakatadhana para sa isang tao?
Di rin niya alam.
Sabay silang napalingon ng may tumikhom sa likuran nila.
Si AC pala.
Nakatayo ito sa likod nila at marahil narinig na nito ang pinag usapan nila.
Papasok na ito sa OJT nito.
Kaswal itong pumasok sa loob ng sasakyan.
Himala uli.Walang pilitan at sagutang naganap.
Willing na itong magpahatid sa kaniya.
Hmmmm...
Himala talaga.
Binuksan niya ang Car stereo at tahimik nilang binaybay ang papunta sa pinapasukan nito.
Nakatingin lang ito deretso sa kalsada.Pero sa wari niya'y naglalayag naman ang isip nito.
Mahirap basahin ang taong di nagsasalita.
Ayaw naman niyang mag umpisang magsalita dahil baka pagsimulan na naman ng pagsusungit nito sa kaniya.
Gusto niya rin siyempre na magkapalagayang loob sila ng Kinakapatid.
Mas magaan sa pakiramdam kung magkakapalagayan sila ng loob.Iyong para lang silang magkapatid magturingan.
Ang totoo,gusto rin sana niya ng kapatid maging babae man o lalaki,ang siste at wala ng nabuo ang mga magulang liban sa kaniya.Masyadong honest at loving ang Daddy niya at di man lang naghanap ng maaanakan o anak sa labas.Ganun daw pag mahal mo.Di mo lolokohin.Di ka maghahanap ng iba.Siya lang sapat na.
Ang Mommy niya lang ang mahal ng Daddy niya.Noon hanggang ngayon.Di ito nagtaksil kahit kailan.
Kaya saludo siya sa Ama.
Kaya naman,
Siya man ay nagpapakasawa sa pagkabinata dahil ganun ang gusto niya.Paglalagay siya sa tahimik,o kung mag aasawa man siya,iyong Till death do us part.
Napabalik siya ng isip sa kinakapatid.
Siya ang pansamantalang Guardian nito,dapat alam niya rin ang mga saloobin nito.Dapat malapit sila sa isat isa.Kung di nagawa ng Ninong niya na makuha ang loob at tiwala ni AC,Dapat maiba ang sa kanila ni Ac.
Hindi siya papayag na hindi makuha ang tiwala ni AC.Dapat maramdaman nito na may karamay,nagmamalasakit at nagmamahal na kapamilya rito.
Well,kapamilya nga ba siya?Pero siya ang pinagtiwalaan ng Ninong Alex niya na magbantay kay AC at maging pansamantalang guardian nito.
Kung ganun kapamilya na rin siya.
"Pick me up at 4pm." ani ni AC sa kaniya bago bumaba..
Nakatanaw siya rito hanggang sa pagpasok.
Di pa rin siyan makapaniwala na magpapasundo ito sa kaniya.
Nakakapanibago talaga ang biglang kambiyo ng ugali nito.
Pero aaminin niya na mas gusto niya na unti-unti ng nagbabago ang pakikitungo nito sa kaniya.
Mas magiging magaan ang pag gaguardian niya dito o pagsubaybay.
At sana makapagbonding din sila na parang magkapatid.
Bumalik siya sa bahay ng may ngiti at sigla dahil sa mgandang dating ng umaga sa kaniya.
Isang malaking himala na walang aso't pusang pangyayari sa pagitan nila ng kinakapatid.Mukhang maeenjoy niya ang pananatili rito sa bahay ng Ninong niya.
Sana lang magtuloy tuloy na ang magandang pakikitungo sa kaniya ni AC.