6

1916 Words
Tulad ng nakagawian niya,pagkahatid kay AC ay diretso siya sa Hacienda. Nadatnan niyang abala sa paglagay sa teklis ng mga inaning prutas sina Mang Henry at mga trabahador.Meron daw kasing biglaang dagdag ng order. Kaya tinulungan niya ang mga ito. Di pa rin makapaniwala ang mga ito na gamay pa rin niya ang ganung gawain.Pati ang pagbubuhat ng mga teklis o kaing ng mga prutas ay tumulong siya upang ikarga sa truck. Natapos sila bago magtanghalian.Saka din lang siya nakaramdam ng gutom ng tapos na sila sa gawain. May inihanda namang pagkain si Aling Gemma para sa tanghalian.Kaya pati ang mga trabahador ay kasalo na nilang nagtanghalian. Medyo nabilad siya ng konti sa sinag ng araw kaya namula ang balat niya.Pero di naman mahapdi dahil di naman ganun katirik ang araw sa hacienda,dahil puno naman ito ng sari saring punong-kahoy. Naisipan niyang mag online gamit ang f*******: account niya pagkatapos ng tanghalian.Habang nag papababa ng kinain.Naupo siya sa net na duyan ng isa sa mga trabahador doon sa ilalim ng puno. May mga ilang kaibigang nakaalalang kamustahin siya,ang pinakamasugid ay ang f**k buddy niya na si Scarlet.Namimiss na daw siya nito. Gustong gusto siya nito na kapareha sa kama dahil matagal at mahaba ang stamina niya pagdating sa kama.Matagal din siyang labasan kaya wiling wili sa kaniya ang may lahing German na si Scarlet. Magandamg babae si Scarlet.Pero ang katawan nito ay puro retoke.Nagpadagdag ito ng dibdib at tambok ng puwet para na iyong mga babae sa mga porn magazine na malalaki ang dibdib at puwet. Pero hindi man lang niya natutunang mahalin. Pure parausan lang ito sa kaniya ng libog. No string attached. Marahil hinahanap hanap nito ang performance niya. Kung makakuha man kasi ito ng mga fuckbuddy doon ay puro umiinom ng mga pampatigas at pang patagal sa kama. Di tulad niya puro at natural. Walang halong kemikal ika nga sa kanta. Pero pasensiya na si Scarlet at baka matagalan pa siya rito sa pinas . Iyon nga lang at buhat ng dumating siya rito wala pa siyang nasipingang babae. Pupuwede naman palang di magparaos pagka busy ka at pagod sa trabaho.Ang totoo maging siya man ay di nakapaniwalang kaya niya ng walang s*x buhat ng dumating siya rito.Sa amerika halos araw araw siya doon.Siya pa ang mamimili kung anong lahi ang ikakama niya.Pero siyempre may proteksiyon. Di naman siya sumisiping sa babae ng walang proteksiyon. Mahirap na baka mahawaan siya lalo't marami na raw ang mga nagpapositive s HIV. Nagpapacheck din siya regularly at di pa naman siya nahahawa. Mas okey na rin na andito siya sa pinas dahil walang lumalandi sa kaniya.Di tulad sa Hawaii,maglakad lakad ka lang kung saan,babae na ang lalapit saiyo at libre pa. Malayo siya sa tukso rito. At wala ring nanunukso sa kaniya. Inaamin niyang napipigilan din pala ang kalibugan pag walang nanunukso saiyo. Lalo ang mga nakakausap niya rito ay mga taong walang bahid ng kalaswaan sa katawan.Malaki ang naitutulong noon sa kaniya. Nakaidlip siya sa duyan.Buti na lang ginising siya ni Aling Gemma dahil alam nito na susunduin niya pa si AC. Mag alas tres na pala ng hapon. Kaya agad siyang umuwi at naligo. Mabilisan lang,nagsuot siya ng White T-shirt at Navy Cargo Shorts.Pinarisan niya ito ng White Rubber Shoes. Bago mag alas kuwatro ay naroon na siya sa parking lot. Dumukot siya ng barya sa bulsa at bumili ng Ilang chewing gum.Nagbukas siya ng dalawa at nginuya nguya habang nag aantay kay Ac. Para siyang bata na pinaglaruan ang chewing gum ng mawala ang katas noon.Pinalobo niya iyon ng makailang ulit ng maulinigan niya ang isang sasakyang bagong dating. Nagpark din ito halos sa katabi niya.Malakas ang Stereo nito.Dinig niya dahil bukas amg bintana ng sasakyan nito dahil nakabukas din ang pintuan ng sasakyan sa tapat niya. Iyong tipo ito ng lalaking mga magulo at basagulero.Kapansin pansin rin ang tatoo nito sa braso na parang tribal na halos tumakip na sa kaliwang braso. Wala atang magawa sa buhay. Kung sabagay uso naman talaga ang full tatoo sa ngayon. Nagiging addiction na rin kasi ito once na nasubukan na. Buti na lang siya wala siyang kahilig hilig sa mga tatoo na iyan.Para sa kaniya maduming tingnan kung marami na ang mga ito.Kung mga isa o dalawa lang baka okey pa. Natanawan niyang nag sisipag uwian na ang mga OJT's doon. May mga ilan ng lumabas. Pinalitan niya ang chewing gum na nginangata habang nakatanaw sa Gate ng Opisinang iyon. Baka may susunduin din ang lalaking ito kaya nag aantay din. Basta grupo na ng mga maiingay,panigurado sila AC na iyon. Ang mga kaibigan at kaklase nito ay magaling mambuyo at mangantiyaw sa mga kasama.Pati si Manong Guard ay binabati ng mga ito at sinasabihan ng Goodbye,Manong Guard.Ang isang guwardiyang bata at may hitsura ay inaalaska pa ni Camille nang flying kiss.Kaya lalong nagtawanan ang mga ito. Natigil siya sa pagngata ng makita ang paglapit nina Camille sa katabing kotse na nakarada sa tabi niya. Kakilala ito ng mga kasama ni AC.Nakatayo na ito sa labas ng sasakyan nitong Fortuner. May sinasabi rin pala sa buhay. Si AC ang tiningnan niya.Nakabusangot ito habang naglalakad papalapit sa sasakyan niya. Tumigil ito sa tapat ng sasakyan niyang nakaparada. "Iniisnob mo na ata ako ngayon." Dinig niyang sabi ng lalaki sa katabing sasakyan sa tingin niya ay mga kasing edadan din nila AC. Sumagot si AC pero di naman lumingon. "Bakit?iniisip mo bang hahabulin pa kita at magpapansin ako sayo?.Sabi ni AC ng di naman humaharap sa lalaki. "Obcourse!di bat noong nakaraang linggo lang ikaw itong buntot ng buntot sa akin? sabi ng lalaki. "I've Change..!Bakit akala mo ba ikaw lang ang lalaki sa mundo? Hello..FYI..mas marami pang iba diyan na nagkakandarapa sa akin.Lets just say na nagising na ako at di na pala kita gusto." humarap na si Ac sa lalaki.So He must be Patrick. Ang hinahabol habol dati ni AC. Base sa nakikita niya.Ito ang lalaking kay daling magpalit ng babae.Magandang lalaki pala ito.Iyong tipo nang Badboy hearthrob sa Campus. Marunong naman palang pumili ang kinakapatid,kung sa panlabas lang ang pagbabasehan.Di naman matatawaran ang gandang lalaki ng nagugustuhan nito. Pero base sa narinig niyang usapan nina AC noon,Virginity lang ang gusto nito.Nangungulekta pala ang loko. Ba't di na lang ito nag apply na maging Deflowering Hunk sa mga Porn Sites.At magkama ng mga babaeng gustong mgpadevirginized. Biglang nagtiim ang bagang niya. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. "Sa pagkakatanda ko kasi inamin mo na gusto mo ko.Bakit bigla bigla naman yata na di mo na ko gusto.Huwag ka na kasing pakipot AC,ngayon pa na namiss ko na ang pagstalk mo sakin." sabi ni patrick. Nangigigil na talaga siya sa bibig nito.Daig pa nito ang inahing putak ng putak.Baka bakla ang gagong ito.Baka may lahing binabae. Nainis siya lalo sa mga narinig.Konti na lang talaga at lalabasin na niya ito at baka manghiram ito ng mukha sa Aso. "Stop dreaming Patrick.Di lahat ng babae,nagkakandarapa saiyo.Lalo na ako.kaya maanong tigil tigilan mo na ang pag alala sa nangyari dati na pagpapansin ko saiyo.Dahil di na ulit mangyayari iyon.Never!" Sabi ni AC. Maganda sa pandinig niya ang sinabi ng kinakapatid. Talagang Never din siya makapapayag lalot ngayong alam na niya kung anong klaseng lalaki ito.Puro pagandang hitsura lang alam nito. Siya ayaw niya sa mga virgin noong kabataan niya.Ayaw niya ng responsabilidad.Dahil pag virgin mo nakuha parang responsabilidad mo na ang isang babae. Pero buti na lang sa ibang bansa di naman ganoon nagpapahalaga sa virginity ang ibang mga lahi.Sa mga lahing pinoy lang naman masyadong issue ang virginity.Kaya siguro ganun na rin ang pananaw niya. Ibang usapan kapag birhen ang babae kumpara sa hindi na. Napatigil siya sa sunod na sinabi ni AC. "Saka kung puwede huwag kang masyadong maingay.Kasi andiyan ang boyfriend ko.Baka masapak ka." Sabay nguso nito sa sasakyan niya. Ano raw..? Boyfriend siya nito. Naloko na. Sabay na napunta ang tingin ng mga kasama ni AC sa sasakyan niya.Buti na kang tinted ang salamin ng kotseng gamit niya.Di siya kita sa labas. "OMG!..AC..!!dyowa mo ang naghahatid-sundo saiyo?Bat di mo sinabi?.." sabi ni Trisha. "Kelan ka pa ngsekreto sa amin..Kaya pala minsan ayaw mong magpahatid sa driver ni trisha kasi may tagasundo hatid ka pa.." may kahalong tili na sabi ni Camille. "Shhh...Quiet!izipper niyo iyang mga bibig niyo.Tatamaan kayo sa akin." sabi ni AC. Parang di pa makapaniwala ang mga kaibigan nito. Sino nga ba naman ang maniniwala sa biglang naisip ng dalaga na sabihin na boyfriend daw kuno siya nito. "Boyfriend?" natawa ng malakas si Patrick. "Di yata Gentleman iyang boyfriend mo.Di ka man lang ipagbukas ng sasakyan." sabi ni Patrick. "wala ka ng paki roon.Get out of our way..nakakaharang ka, tabi!." senyas ni AC kay Patrick. Kusang pumasok si AC sa sasakyan.Isinara din nito ang pinto ng sasakyan.Siya naman itong di nakahuma.Nakatitig lang siya rito. Pinanlakihan siya nito ng mata. "Ano pang inaantay mo..?paandarin mo na iyang sasakyan ng makaalis na tayo dito." sabi ni AC. Kaya agad na pinaandar niya ang kotse at nagmaneho paalis doon. Panaka-Naka ang tingin niya dito. "Ano?"tanong nito sa kaniya. "Anong Ano?Care to explain?" tanong din niya. "Sumakay ka na lang..ayaw mo noon,may instant girlfriend ka." ani nito na sa labas nakatingin. "Mapanindigan mo kaya iyan?Baka nabibigla ka lang." sabi niya kay AC. "Dont worry..pag andiyan lang naman si patrick tayo magiging magdyowa."sagot ni AC. "Kahit na.Di ba nakakailang iyon?" tanong niya rito. "Ilang?Meron ka ba noon?Sa pagkakaalam ko,sa bansang pinanggalingan mo,kahit ngayon lang nagkakilala,nagtitigan lang sa mata,nauuwi na sa kama.Tigil tigilan mo nga ko diyan.Sa lagay na iyan ikaw pa tong may ganang mag inarte." sabi sa kaniya ni AC. Siya naman itong di makapaniwala. "Iba ka dun..Anak ka ni ninong.Kinakapatid kita." sagot naman niya dito. "Wala akong pakialam.As long as,di naman tayo magkadugo.Hindi tayo relatives.Kaya puwede ba.Kung gusto mong magkasundo tayo,huwag ka ng magreklamo diyan.Makisakay ka na lang." Sabay ikot na naman ng mata nito. Naiiling na lang siya. Kaya pala nagbait baitan sa kaniya dahil may hidden agenda pala. Ito siguro ang nakuha nitong idea kanunuod ng mga Pelikula. Tsk. Hindi na siya nakipagtalo dahil panigurado na mauuwi na naman sa pagtataray ang eksena nila. Well tingnan nga natin kung mapanindigan nito ang plano na magpanggap silang magboyfriend. Aba..mahirap kaya iyon. Una di naman sila ganun kaclose,di nga niya alam ang mga detalye sa pagkatao nito.Di niya alam kung ano ang mga gusto at ayaw nito. Anong drama ang sasabihin niya kung may magtanong? Alangan namang magpipi-pipihan siya at umaktong di nakakapag salita. Susme. Bahala na nga.Tutal ito naman ang may ideya ng ganoon bahala ito na gumawa ng script kung baga. Supporting actor lang siya.Magpapaanod lang siya sa Gustong mangyari ni AC. Magkasabay pa sila ng panhik sa kaniya kaniyang kuwarto.Lalo at magkatapat ang kuwarto nila. Papasok na siya sa kuwarto niya ng magsalita ulit ito. "Hmmmm..Mister,bukas ha?may lakad tayo.Wear nice Clothes. Bawal ka tumanggi." ani ni AC. "Goodnight Mister." pahabol nito sabay talikod. Ano kaya iyon? Mister at Misis. Endearment ba nila iyon. Anak ng tokwa.Naloko na talaga. Kinakabahan talaga siya pag nalaman ito ng Ninong Alex niya. Anong sasabihin niya?Na iyon ang gusto ni AC.Na Sumanga ayon na lang din siya para wala ng gulo. Napabuntung hininga na lang siya. Hinubad niya ang suot at dumiretso sa banyo para maligo. Para pagkatapos ng hapunan ay makapagpagpahinga agad siya. Lalo't pagod siya kanina sa pagbuhat ng teklis ng prutas. Mas lalo ata siyang napagod sa gustong mangyari ni AC. Sa pag iisip pa lang napapagod na siya.Paano pag totoo na? Kaya ba niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD