Kinagabihan di pa rin dalawin ng antok si Harvey.Madaming pumapasok sa isipan niya.
Buong akala niya dahil pagod siya ay maaga siyang makakatulog.
Nakahiga siya pero naglalayag ang utak niya.
Mailap sa kaniya ang Antok.
Ilang araw na rin mula ng huling beses na tumawag ang Ninong Alex niya.Di pa ito muling tumawag.Gusto man niya itong makausap at kamustahin pero unattended ang number nito.
Marahil sinadya nitong patayin ang cellphone upang di matawagan.Di tuloy niya maiwasang mag alala para rito.
Nagpapahangin siya sa veranda ng lumapit sa kaniya si Mang Henry.
May dala itong isang bote ng brandy.
May pulutan na rin n chicharong bulaklak at sisig.Marahil binili nito sa labas.
"Shot tayo Sir Harvey.Pampatulog laang.Medyo nahirapan akong nakakatulog pag ganitong pagod kaya lagi ko nang routine ang magshot pagka galing sa bukid." sabi ni Mang Henry.
"pareho ho pala tayo." sang ayon niya dito.
Ipinatong nito ang dala sa lamesita doon.
Nagkuwentuhan sila ng ilang mga bagay-bagay.
Hanggang sa nakuwento niya ang tungkol sa gustong mangyari ni AC.
Ang magpanggap siyang Boyfriend raw nito.
"Aba,di na rin ho masama Sir, Kahit pa totohanin ninyo." natatawang biro ng matanda.
"Huwag nga ho kayong magbiro ng ganyan.Di ho magandang biro." kontra niya dito.
"Bakit naman ho hindi.Sa mga Tsino nga kapamilya pa ang pinapag aasawa ng mga ito para huwag mapunta sa iba ang kayamanan.Di rin naman ho malabo na Boto sainyo si Sir Alex."sabi pa ni Mang Henry.
"Ang bata pa ho ni AC." tugon niya.
"Naku..dalawamput isang taong gulang na iyang si AC.Hindi na bata iyon Sir.Pupuwede na nga hong mag asawa.Noong panahon nga namin eh,magregla lang ang babae ipinagkakasundo na ng mga magulang.Iyon ngang Ate ko katorse pa lang noon." kuwento pa ni mang Henry sa kaniya.
Nailing na lang siya.
"Hindi ho sa ganoon.Ang ibig ko hong sabihin,Bata pa para sa akin si AC.12 years ang age gap namin." paglilinaw niya sa matanda.
"Naku!Okey lang ho iyan.Iyong iba nga doble pa iyong edad ng lalaki sa edad ng babae.Tama lang ho iyan na matured kayo ng konti.Para kahit magkaedad kayo.. bata pa ang asawa niyo." sabi ni Mang Henry.
"Para niyo namang sinabi na papalitan ako ni AC pag may edad na ako at bata pa rin siya." angal niya.
"Lagi naman kayong nega..Dapat doon kayo sa positive.Mas mainam na mas magulang ang lalaki keysa sa babae.Tama lang iyang agwat niyo.Match na match ninyong patinuin ang spoiled brat na iyon." Natatawang wika ni Mang Henry.
"Ginawa niyo nga akong tagapagpagsweto ng mas bata." sabi niya ulit.
"iyon naman talaga ang dahilan kung ba't kayo andito di ba?Para maging guardian ni AC.Kaya lubos-lubusin niyo na." sabi ni mang Henry.
"Hindi ko naman sakop pa na maging boyfriend niya.Labas pala nito all round na ako..Boyfriend s***h Guardian s***h Driver at Bodyguard pa." naiiling niyang wika.
"Mabuti na rin iyong ganoon,para mabantayan niyo si Señorita AC.May rason na kayo na bumuntot buntot sa kaniya."Dagdag pa nito.
"Alam niyo,may point kayo riyan." sang ayon na rin niya.
"Magkakaroon ka na ng pagkakataon na mapalapit sa kaniya at mababantayan mo pa.Iyon naman ang gusto ni Sir Alex.Ang mabantayan niyo ang bunso niya." sabi ng matanda.
Di nila namalayan na naubos na pala nila ang isang bote ng brandy.
Mabilis siyang nilamon nang antok pagkahiga niya sa kama.
Tiktilaok ng mga manok ang nagpagising sa kaniya.Alam niyang umaga na.
Nag sipatin niya ang relos ay alas kuwatro na nga ng umaga.
Medyo may konting hang over siya.Palibhasa naubos nila ang isang bote ng brandy.
Dumeretso siya sa CR at naligo.
Pagkabihis ay bumaba siya at nagtimpla ng kape.
Naalala pa niya ang sabi ni Ac na may lakad sila ngayong araw.
Di naman siya mukhang excited. Tingnan mo naman at alas kuwatro pa ng madaling araw gising na siya.Mas maaga pa siya sa tiktilaok ng manok ng alas singko.
Nagulat pa ang mga kasambahay ng makita siya sa komedor ng ganun kaaga.
Ngumiti na lang siya sa mga ito.
Bitbit pa niya ang tasa ng kape sa garahe.
Naglinis muna siya ng lagi niyang ginagamit na sasakyan ng Ninong niya.
Ang Ford Ranger nito.Mas gusto niya ito ginagamit.Kahit sa mga paakyat sa hacienda kayang kaya nito.Ingat na ingat naman siya sa sasakyan.Ayaw niyang magasgasan ito kahit konti.
Araw araw niya itong nililinis.
Alagang alaga niya kung baga.
Pagkatapos maglinis ng sasakyan ay nagpasiya siyang mag jogging tutal alas sais pa lang ng umaga.
Masarap pa ang mag ehersisyo ng ganiting oras.
Tama naman ang suot niyang sweatshorts at V-neck muscle sando.
Nang matantiya niya na kalahating oras na siyang nagjojogging ay bumalik na siya.Nasalubong niya sa daan ang naglalako ng Hot Pandesal kaya bumili siya.Masarap iyon may palaman ng butter.
Tapos iinom ulit siya ng Kape.Di naman siya halatang adik sa kape niyan.
Kasabihan nga "Coffee is Life."
Pabalik na siya sa kuwarto matapos na muling magkape ng masalubong si AC sa may hagdanan.
Pababa ito.
Siya naman ay paakyat.
"Good morning." bati niya sa dalaga.
Inayos nito ang buhok at sinuklay gamit ang daliri.
Sa hitsura nito,
Masyadong Hot ito sa umaga.
Nakawhite Sabrina sando ito at Cotton shorts na flowy ang tela.Kita niya ang magandang shape ng legs nito.
Mahahaba ang biyas nito.
Makinis at Maputi ang kutis.
Parang laging alagang alaga sa Gatas.
Iniwas niya ang paningin.
Baka mapansin nito ang paninipat niya rito.
"Hi Mister,ang aga mo ata." sagot ni AC.
Siya naman itong natigalgal.
Mister.
Ito na naman ang tawag nito sa kaniya.
Nagkibit balikat lang siya dahil para siyang nawalan ng sasabihin.
"I like your outfit..It shows so much of your nice abs.." idinutdot pa nito ang daliri sa dibdib niya.
Nagdulot sa kaniya ng kakaibang pakiramdam ang pagdampi ng daliri nito sa balat niya kahit may damit pa siya.
Weird.
Napapaso niya hinuli ang kamay nito dahil tangka pa atang himasin iyon.
"Aww.." reklamo nito.napahigpit ata ang hawak niya sa kamay nito.
"Iyan kasing kamay mo,kung saan-saan nakakarating."Aniya.
Inikot na naman nito ang eyeballs.
"Ewan ko sayo.Napakasensitive mo.Para hahawakan lang eh."
sabi naman nito sa kaniya tapos nagkandatulis pa ang nguso nito sa pagkasimangot.
Oo nga naman.Anong masama kung hawakan ang dibdib niya?May damit pa naman iyon. Hindi naman siya babae na bawal tsansingan.
Ah basta ayaw niya na saan saan dumadampi ang kamay ni AC.
Iba kasi ang unang lapat pa lang ng daliri nito.
Natural lang ba iyon?
Bakit parang may sparks siyang naramdaman.
Sanay naman siyang nadidikit sa mga babae.
Inalis niya sa isipan ang isiping iyon.Hindi dapat na maging malisyoso siya.Lalaki pa naman siya.Walang mawawala sa kaniya.
Nilampasan na siya nito.Tumuloy na ito sa baba.
Naiwan siya sa gitna ng hagdang iyon.
Napabuntong hininga na lamang siya.
Pumasok siya sa kuwarto at muling naligo.Napawisan na siya sa ginawang pagjogging kanina.Aalis pa naman sila ni AC.
Dapat mabango ulit siya.
Mabango naman talaga siya.Amoy Papa.Papa Cologne.
Pagkatapos maligo ay nagsuot muna siya ng Boxer Shorts.Wala siyang damit pang taas.
Nahiga siya sandali sa kama ng padapa.Ginawa niyang unan ang kaliwang braso.
Ipinikit niya ang mga mata.
Hawak niya sa kanan ang cellphone.Nag iscroll siya ng ilang pics sa Gallery niya.Di niya alam na nakatulugan niya palang muli ang pagtingin tingin sa mga larawan.
Nagulat na lamang siya ng may kumatok sa pinto ng kuwarto niya.
"Mister..,
Mister...
Mister.." tawag ni AC sa labas ng kuwarto.
Agad siyang napabalikwas ng bangon.
Siya namang bukas nito ng pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" taranta niyang tanong dahil agad itong naglakad papasok.
"Bahay ko naman iyo ah,bakit bawal bang pumasok?" sagot nito.
"Kahit pa..hindi ka dapat basta-basta pumapasok sa kuwarto ng may kuwarto." sabi niya dito.
Tumitig ito sa kaniya.Siya itong nakaramdam ng ilang dahil wala siyang pandamit pang taas at nakaboxershort lang siya.
"What?" tanong niya ng humalukipkip ito at tila walang planong lumabas.Kinagat pa nito ang ibabang labi na tila nag iisip.
"Puwede ka palang magmodel sa Men's Magazines." tumango tango pa ito.
"Huwag ka ng mahiya..Iyong iba nga diyan ang kapal ng mukha ibandera ang katawan,di naman kagandahan..ikaw nahihiya ka pa..laking states tapos mahiyain..iba ka rin eh.." sabi nito na tila nang aasar.
"Bat ka nga nandito?Aalis na ba tayo?"
tanong niya ulit dito dahil tila wala itong planong lumabas.
"Magready ka na..alis tayo ng 9am..
Sharp.Kaya mag-bihis ka na.Sasamahan mo ko sa Beach." sabi nito na ikinagulat ng mukha niya.
"Beach?" ulit niya sa sinabi nito.
"Yup..Beach.Magbi-beach kami ng friends ko.At kasama ka." nameywang naman ito ngayon.
"Agad-agad? bat di mo ko ininform ng maaga?" reklamo niya sa dalaga.
"Ah basta..di naman tayo mag oovernight doon.Kaya wala naman tayong dadalhin ng kung anu-ano.Kaya ang kailangan mo lang..sumama ka.Okey? No more question.Get ready by 9am..Bye!" ani nito sabay talikod.
Napaupo ulit siya sa kama pagkaalis nito.
Spoiled brat.
Bigla bigla kung magplano.Akala pa naman niya di na nito pasasakitin ang ulo niya.
Pero mukhang nagkamali siya ng akala.Nag-uumpisa pa lamang ata ito.
Kung alam niya lang na ganito ang babantayan niya siguro di siya pumayag sa pakiusap nang Ninong niya.
Hindi niya ata kayang disiplinahin ang kinakapatid.
Pag ginusto nito ginagawa.
Pag inisip nito lumalarga.
Paano kung mapahamak ito gayong ibinilin nga ito sa kaniya ng Ninong niya?
Kaya kahit ayaw man niya na gumala,sasamahan niya ito para mabantayan.Mahirap ng maisisi sa kaniya kungbanong mangyari rito.Kahit pa sabihing matanda na ito at nasa bente anyos na.
Para pa rin itong teenager kung umasta.Padalos dalos at magaslaw.
Pero ganun naman talaga.Siya man noon ay ganoon din.Siguro kusang titino ito pag tumuntong ng mga bentesingko.
Sa ngayon,titiisin na muna niya ang pangungunsumi nito sa kaniya.
Agad siyang naghanap ng boardshort at Sando na maisusuot sakaling maligo siya dahil magbibeach nga daw.
Nakasuot siya ng Kinahiligan niyang Cargo Short na kulay khaki.Naka Mens shirt siya na kulay White.
Halos karamihan sa kulay ng damit niya ay puti,asul,gray at black.bihira siyang magsuot ng matitingkad na kulay.Minsan maroon at navy green.
Para kasing nakakabakla pag matingkad masyado manamit.
Siya talagang masculine ang datingan.
Tingin pa lang ,lalaking lalaki na.Walang duda.
Matapos ihanda ang dadalhing ilang gamit, inilagay niya ito sa likod ng gagamiting sasakyan.
Doon na niya balak antayin ang dalaga sa garahe.
Sabi naman nito ay saktong alas 9 sila aalis.
Nagulat pa siya sa suot nito.
Nakasuot ito ng Long SummerDress.Plain canary yellow ang kulay ng dress na abot hanggang sakong.Ang laylayan ng dress ay may malalaking bulaklak na kulay pink.Masyadong makulay ang kulay ng damit at the same time ay lakas makaputi naman.
Smocking ito sa may dibdib at masasabi niyang kahalihalina ang exposed na balikat ng dalaga.
Kung papasok itong maging modelo ay malaki ang chance ng dalaga.Hindi ito pahuhuli sa mga pinay na modelo sa bansa.
Tiyak na marami ang mahuhumaling dito lalo na kung maging cover ito sa HFM.Bukod kasi sa proportionate na pangangatawan nito,seksi ang hugis ng katawan.Tamang tama lang size ng butt at dibdib..
Hindi nga lang pala ayos ang dalaga.Natural na maganda ito at di nakakasawang tingnan.Isa ito sa mga napansin niya sa kinakapatid.Araw-araw itong gumaganda sa paningin niya.
"Lets Go." sabi nito sa kaniya at deretso bukas ng pinto ng sasakyan at pumasok agad.
Hindi na tuloy niya naipagbukas ito ng pinto ng sasakyan.
Pumasok na rin siya at naupo sa driverseat at agad na nagmaneho.
Sinabi nito ang pupuntahan nila.
Tahimik na lang siyang tumango sa dalaga.
Nasulyapan pa niyang nakatitig ito sa kaniya na parang may dumi ang pisngi niya.
Hindi siya sigurado sa nasa isip nito.
Ayaw naman niyang mag assume.
Tahimik na lang ulit siyang nagmaneho.
"Sa Aramian Resort Tayo." sabi nito sa kaniya.
Malapit lang naman ito mula sa downtown area.
Maganda at tahimik ang lugar.
Kaso feeling niya napakalamig naman kung mag o-overnight sila roon.Ano na naman kaya ang naisip nitong gimik at isinama na naman siya.
Bigla tuloy siyang kinabahan habang papasok ang sasakyan nila sa resort.
Agad namang silang sinalubong ng mga tauhan ng resort.
Tinanong sila kung may reservation sila.
Agad naman sinabi ni AC ang pangalan ng nagpareserve.
Iginiya sila papasok at sinamahan sa isang private pool.May sariling Function Hall at Cottages ang Private pool na iyon.
Marami ng tao ang nagkakasiyahan sa pool.
Tanaw mula sa patyo ang mga tao roon.Tumuloy muna sila sa cottage na nakalaan para sa kanila.
Isa lang ang kwarto roon.1 banyo rin lang.
"Mauna na kong maliligo." paalam ni Ac pagkalapag ng mga gamit sa sulok.
Hindi rin mukhang excited ang kinakapatid.Samantalang siya nawiweirduhan na sa mga pinaggagawa nito.
Paano ba naman at kasangkot pa siya sa mga plano.
Ano na naman kaya ang susunod na ipapagawa nito sa kaniya.Mukhang kailangan niyang galingan ang acting 101 niya.