Sa pag aantay sa kinakapatid lumabas muna siya ng villa.
Nagsindi siya ng sigarilyo at tahimik na nagpalipas ng oras.
Kung tutuusin malayong malayo ang katahimikan ng resort na to pag nagpupunta siya ng mga resort's party sa Hawaii.
Masyadong independent ang mga tao dun.Minsan may mga nagsi-s*x sa tabi-tabi.May mga taong bigla-bigla na lang maghuhubad at magtatampisaw.
Walang masyadong pumapansin sa trip ng iba.Mind your own bussiness kung baga.
Sakto namang pag apak niya sa upos ng sigarilyo ay siya namang labas ng kinakapatid sa pinto ng villa.
At dahil halos magtatanghaling tapat na,Medyo nasilaw pa ito sa sinag ng araw pagkalabas ng pinto.Kitang kita niya ang hitsura nito.
Napakaiksi ng Cover up na suot nito.Bakat pa rin ang ganda ng katawan.Nakaagaw naman talaga ng pansin ang mahahaba biyas nito,idagdaga pa ang perpektong hugis ng balakang at hita na proportionate sa tangkad ni AC.
Makailang beses na gumalaw ang adams apple niya at umiwas ng tingin.
Kahit kung tutuusin ay di naman siya masyadong sumisipat sa mga nakikitang babae.Per0 itong kinakapatid niya, lakas makaagaw ng pansin niya.
Lumapit ito sa kaniya at nasamyo niya ang pabango nito,idagdag pa ang ginamit na shower gel at shampoo kanina sa pagligo ng dalaga.
Tsk.
What a little temp.
Kaso di sila talo.
"Ikaw naman..i just wait for you here." sabi nito sa kanya.
Umiling siya.
"No need.Di naman ako maliligo.Ayos na ko sa bodyguard mo ngayong araw." sagot niya rito.
"Okey,bahala ka.mukhang fresh ka pa naman galing sa bahay." anito sa kaniya ,kay dali naman itong pumayag.
Umabrasyete ito sa kaliwang braso niya.
"Lets Go."sabi pa.
Maayos naman ang suot niyang boardshort at Muscle Sando na hawaiian ang print.Kaya kahit di na siya magpalit ay okey lang.
The music is too loud.Dumadagundong sa tenga niya ang bass sound ng Background music.
Lumapit sila sa may party.
"Hi Kirk..sorry im late." bati ni AC sa may kaarawan at nagbeso naman ang lalaking tinawag na Kirk.
"Thanks,nakarating ka.Akala ko dededmahin mo na naman ang birthday ko sexy.."Sagot ni Kirk.Tiningnan siya nito na nasa tabi ni Ac.
"And who's with you?" tanong nito sabay nguso sa kaniya.
"This is Harvey,my Boyfriend." kampanteng sagot ni AC.
"Boyfriend?Kelan pa?Akala ko si Patrick pa rin ang natitipuhan mo?" parang di makapaniwalang sagot ng lalaki na kaharap.
"Eh di huwag kang maniwala.Di kita pinipilit." medyo umismid pa si Ac sa kausap.
"Actually the two of you look good together.Binigla mo lang naman kasi ako.I always thought that Patrick is your dream man."
ani nito kay AC.
"People changed,so am i." sagot ni AC.
"Feel at home and enjoy the party bro.Congrats for having Ac.Mahirap bingwitin yan." baling sa kaniya ng ipinakilalang Kirk.
Nagkamay sila at nagpasalamat ito sa kaniya.
Nagtuloy sila sa buffet table na nakalatag ang maraming pagkain.
"Lets eat first." ani ni AC sa kaniya.Tamang tama dahil tanghalian na naman talaga.
Kumuha lang siya ng matitikman.Di pa naman siya ganun kagutom lalo't nag early lunch na siya sa bahay nila AC.
Si AC kumuha rin ng plato at tinulungan niyang kumuha ng makakain.Masasabi niyang malakas kumain ang dalaga.
Magaling lang itong mag alaga ng katawan kung kaya di ito tumataba.
Pagkatapos ay naupo sila sa malapit na mesa at sinerve-an sila ng wine ng nag iikot na waiter.
Agad naman siyang nagpaunlak ng inom dahil kailangan niya rin ng konting lakas ng loob.
Lalo at di pa naman niya kakilala ang mga taong narito.
Pampainit ng dugo lang.Pang alis ng ilang.Lalo't di niya alam ang takbo nag utak nag katabi bigla bigla na lang siyang nagugulat sa mga sinasabi nito.Buti na lang at wala siyang sakit sa puso.Matapos kumain ay tumayo si Ac.Nakihalubilo na ito sa mga kakilala at may bitbit na baso ng wine sa kamay.
Patingin tingin lang siya sa grupo nito.Boyfriend daw siya eh,dapat lang na makita niya ang bawat galaw ng nobya kuno niya.
Naging maayos naman ito at di niya namalayang isang oras na pala ang nakalipas.
Naroon na si AC sa mga nagtatampisaw na grupo sa pool area.
Nagdadive ang mga ito sa diving board.May nagpiflip at may nagta thumbling pa roon na akala mo ba'y mga pro.
Shit.
Mahirap talaga maging Nanny.
Lalo pat gurang na makulit ang babantayan niya.
Saka lang siya naalala ni AC.Kumaway ito ng magtagpo ang mga paningin nila.Inaaya siya nitong lumapit sa may banda na kinaroroonan ng mga ito.
Nagdadalawang isip man siya ay napilitan siyang tumayo at lumapit dito.
Siya ang medyo kinabahan sa pinaggagawa ng dalaga.May malakas na hiyawan siyang narinig.Nang tingnan niya,nasa mas mataas na parte na ng diving board si AC.Mukhang dini-dare itong tumalon mula roon.Dahil siguro sa ininom.nitong wine kaya malakas ang loob na sumampa doon.Agad siyang napasugod sa mga ito.Di niya alintana kung maraming tao.Kailangan nasa pool siya sa pagtalon ni AC.Mukhang malalim naman sa bandang iyon.Baka lang di marunong lumangoy si AC.Mabuti ng Sigurado na masaklolohan niya ito kung sakali.
Tawang tawa pa ito ng lumitaw sa tubig.
Agad naman niyang hinila ito.nabigla pa ito dahil akala kung sino ang humila rito pero ng makilala siya ay agad na nangunyapit sa balikat niya.
Niyakap nito ang mga binti sa beywang niya.Tumatama ang malulusog na dibdib nito sa dibdib niya.
Siya itong parang nahirapan o siya lang ang marumi ang malisya.
"Wow!to the rescue ang boyfriend mo Girl.Sana all talaga may machong boyfriend!" tili ng kaibigan ni AC.
Saka lang niya napansin na andun pala si Patrick.
Kaya pala kontodo ngunyapit si AC sa kaniya.
Tuko lang ang peg.
Isiniksik pang lalo ni AC ang mukha sa bandang leeg niya.
Yawa.
Pinapahirapan talaga siya nang kinakapatid.
"Umahon na tayo,Baka malamigan ka na." Bulong niya sa tenga ni AC.
"Buhatin mo ko hanggang sa Villa natin." ganti nito sa bulong niya.
Wala na siyang nagawa kundi ang iahon ito sa pool na ganun ang hitsura nila.nakaangkla pa ang dalawang hita nito sa beyway niya.
Alam niyang nakahabol ng tingin ang mga kaibigan ni AC pati na si Patrick.
Kaya kontodo ngunyapit pa rin ang dalaga sa kaniya.
Nang marating nila ang pinto ng Villa ay sinabihan na niya itong bumaba.
"AC,baba na..andito na tayo."
"Yoko nga.Ipasok mo na ko sa Banyo." Ani ni AC.
"May paa ka naman.Ikaw na kusang lumakad papunta ng Banyo." Mahinahon niyang sabi rito.
Nangngalay na rin siya kabubuhat dito.
Akala niya magaan ito Dahil Slim naman,nagkamali siya mabigat din pala pag tumatagal.
"Eh ayoko nga.Ipasok mo na ko sa loob..Lasing na ko." sagot nito sa kaniya.
Ano daw?lasing na?ba't nakuha pa nitong magdive mula doon sa taas.Kaya pala dahil may tama na ito.
"Please." ani nito sa kaniya.
Kaya isinandal niya ito sa pinto.Balewala dito ang higpit ng hawak ng kamay niya sa bandang beywang nito.Kinapa niya sa bulsa ang susi na nakuha naman niya agad at sinusian ang pinto.Ng tumunog ang unlock ay kinalong niya ulit ng dalawang kamay ang dalaga.Nagawa naman niyang ipihit ang knob kahit karga niya ito paharap sa kaniya.
Sinipa na rin lang niya ang pinto para maisara.Tuloy tuloy siya sa banyo.
Ganun na rin ang ginawa niya sa maindoor at ipinasok ang dalaga sa Cr.Pinaupo niya ito sa bathtub na sakto sa isang tao lamang.
Pinuno na rin niya ng tubig.
"Kaya mo bang maligo mag isa?" Ani niya rito.May nakasabit na ring extrang bathrobe sa sabitan.Para siguro talaga sa gagamit ng Villa.
"Yeah.Sige lumabas ka na.tatawagin na lang kita pag may kailangan ako." ani nitong mapungay ang mata at pakumpas kumpas ang kamay.Iminumwestra na lumabas siya ng pinto.
Agad naman siyang lumabas ng pinto.
Makailang minuto ang lumipas,nabagot na siya kaaantay na lumabas ito pero walang lumabas ng banyo kaya kahit nagdadalawang isip siya ay tinungo niya ang pinto ng banyo at dahan-dahang pinihit ang seradura.
Inilusot niya ang ulo sa nakabukas na dahon ng pinto.
Agad niyang nilakihan ang pagkabukas ng pinto ng makitang natutuloga na ang dalaga sa bathtub.Konti na lang lulubog na ang mukha nito sa tubig.
Nataranta man kunga anong gagawin.pikit mata na lang niyang binuhat ang dalaga.
Tama nga siya,wala ito ni isang saplot dahil hinubad na nito ang 2 piece na suot kanina sa pagligo.
Syete,talaga oh.
Hinila niya ang bathrobe at ibinalot sa dalaga.
Di man lang ito nagising sa ginawa niyang pagbuhat dito.
Dali dali niyang inilabas ang dalaga sa banyo at inihiga sa kama.Basa pa ang mahabang buhok nito kaya muli siyang bumalik sa banyo upang kumuha ng isa pang tuwalyang nakasabit.
Binalot niya sa ulo ng dalaga upang kahit papaano ay maabsorb nito ang tubig at di gaanong mabasa ang kama.
Kalamay na malagkit.
Nagdadalawang isip siya kung bibihisan ito o tatawagin ang isa sa mga kaibigan nito.
Pero baka mahalata sila na di sila magboyfriend talaga.
Bahala na nga.
Napagdesisyunan na lang niya na siya na ang magbibihis sa dalaga.
Kumuha siya ng extrang T-Shirt niyang dala.ito na ang isusuot niya dahil maluwang naman ito.
Puro kasi seksi ang dala nitong damit sa maleta nito.
Binuhay niya ang lampshade.Pinatay niya ang ilaw sa kwarto para magdim ang kulay at di niya gaanong makita ang katawan ng dalaga.
Nang matiyak na di na gaanong basa ang buhok nito ay sinuutan na niya ito ng Tshirt niya.
kinumutan niya ito at di na niya sinuutan ng undies.
Wala naman talaga siyang nakita dahil nakapikit siya ng binihisan ang dalaga.
Baka matukso pa siyang hipuan ito.Ang kinis pa naman.
Susmaryusep.
Napapailing na lang siya.Hindi ba natatakot si AC na marape pag ganitong nalasing ito at walang malay sa puwedeng mangyari sa kaniya?
Sa couch na lang siya nag pasyang umidlip.
Dahil pasado alas singko na rin ng hapon.Di na siya nag abala na kausapin ang mga kaibigan ni AC na siguro ay mga lasing na rin.Bahala sila kung ano gusto nilang isipin sa pagkulong kunwari nila sa kwarto.
Tutal tulog naman ang dalaga.
Gisingin na lang niya mamaya para sa hapunan.