Nagising ako sa tili na galing sa kuwarto.
Maging ako man ay nagulat at agad na napabalikwas.
Ngunit nang mahimasmasan galing sa pagkakatulog naalala ko si AC.Marahil ay nagising na ang brat kaya nagtitili.Akala siguro may ginawa ako sa kaniya.Kasi nga naman di ko na sinuutan ng undies.
Kasi baka ano pa ang mahawakan ko sa private area niya mahirap na.
Mabuti na lang at kinakapatid ko ito dahil kung hindi ay baka nagahasa ko na ito kanina pa sa hitsura nito.Though wala pa naman ako nagahasa,baka siya pa lamang pag nagkataon.Dahil ako ang balak gahasain ng mga babaeng nahuhumaling sa akin.
Syete.Hindi yabang yun.
Inayos ko ang sarili at sinuklay ng daliri ang buhok naupo ako sa couch dahil alam kung lalabas anumang oras mula sa kwarto ang dalaga.
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ng bumukas ito at humarap sa akin ang dalagang nakasuot ng roba.Gulo gulo ang ashblonde na buhok na hanggang balikat dahil di pa nga ito nakapagsuklay.
Akala mo ba'y iyong may kalahating dosenang anak ang hitsura.
Medyo natawa ko sa isip ko.Sinarili ko na lamang.
Galit at masama ang tinging ipinukol nito sa akin.
"Anong ginawa mo sa akin?" tanong nito na nakapameywang na lumapit sa akin.
Kinunutan ko ito ng noo.Sabay iling.
"Wala akong ginawa sayo." sabi ko.
"Pinalitan mo na nga ang suot ko.Siguro binosohan mo ako no?" akusa nito sakin.
"Tss...Yan ba ang gawain ng matinong babae.Ang magpakalasing at matulog sa bathtub?Tapos minalasakitan na nga kitang alisin doon dahil baka lamigin ka,pagbibintangan mo pa ko!Kung di kita nasilip doon baka nalunod ka na sa bathtub at baka nasa ospital ka na ngayon or worst baka nasa morgue ka na." Ani ko rito.
Napangiwi ito sa huli kong sinabi.
"Kahit pa..sana ginising mo na lang ako.Hindi iyong binihisan mo pa ko ng chaka mong Tshirt." sabi pa.
"Buti pa magpasalamat ka na lang dahil nandito ako.at nextime drink moderately.Iinom inom mahina naman ang alcohol tolerance." may pangaral na sabi ko.
"Letse ka..buti walang masakit sa pagitan nag hita ko.Dahil kung meron lagot ka sakin.Siguraduhin mo lang na wala kang nakita lalo't wala pa naman akong suot na undies ..Anyway thank you na lang." at pumasok na ito sa loob.Wala pang kafilter filter ang bunganga na magsabi na wala siyang suot na undies.
"Hindi tayo talo." pahabol kung sigaw dito.
Akala siguro nito papatulan ko siya.Takot ko lang kay Ninong Alex.
Iiling iling na lamang ako.
Palibhasa burara pag lasing.
Kumalam ang tiyan ko.
Ang totoo,gutom na rin ako.pasado alas otso na pala ng gabi.Di pa kami naghapunan at wala man lang nag abala na kumatok sa pinto namin para umaya ng pagkain.
Mga pabaya rin sa bisita talaga tong Kirk na ito.
Agad akong lumabas upang tingnan ang kaganapan sa labas.Malinis na ang pool area.Mangilan ngilan na lang ang tao.Ibig sabihin nagsiuwian na ang mga bisita.Or baka nasa kaniya kaniya ng villa.Tingin ko nasa beach sa baba ang mga tao lalo't kagaya ngayon na gabi na,masarap tumambay sa tabing dagat.Eto amg maganda sa resort na ito.May pool sa taas katabi ng hotel pero malapit sa dagat.Mahaba ang baybayin sa baba at may mga maliliit na Cottge gawa sa anahaw at kawayan.
Bumalik na lang ulit ako sa loob at nagpasyang umurder nang pagkain sa restaurant ng Resort.
Hindi ko sigurado ang gustong pagkain ni AC,ganun pa man dahil sa gabi na at hapunan na,Nag order na lang ako ng seafood specialty nila.May kanin, ulam at dessert na rin akong idinagdag.
Nang muling lumabas si AC nakabihis na ito ng Maong shorts pero ang igsi naman noon.Nakabalandra na naman ang magagandang legs nito.
Nakasuot nang Hawaiian polo na pambabae ang tabas at may tali sa bandang laylayan sa harap.
"Maupo ka na muna,parating na ang inorder kong pagkain natin." sabi ko habang tinap ang upuan sa tabi ko.
Naupo naman ito sa bandang dulo.Pabagsak pa itong naupo.Sabay tukod ng siko sa armrest nang upuan at hawak ang ulo na akala mo ba'y sinusuportahan.
"Headache?" tanong ko ulit sa walang imik na dalaga.
"Slight.' sagot naman sa akin.
Medyo napangisi ako sa hitsura nito.
Mukhang problemado.
Baka nagsisisi sa mga pinaggagawa nito kanina habang lasing.
"Para ka palang tuko pag andiyan sa paligid si Patrick." biro ko rito.
"Hmmm at gusto mo naman?" nakasimangot na sabi nito.
"Hindi.Ang bigat bigat mo kaya.Gusto na nga sana kitang ilaglag eh." pabiro ko ulit na sagot.Pero hindi ko naman puwedeng gawin kung sakali.
Napairap ito sa hangin.
Nailing na lang ako.
"Subukan mo lang na ilaglag ako.Palalayasin kita sa bahay." banta nito sakin.
"Di naman ako takot." sabi ko naman."Gustong gusto ko nga para makabalik na ko sa Hawaii.Diet na rin kasi ako rito eh." malokong sagot ko rito.
Nagets naman nito ang sinabi ko at sumulyap pa sa harap ng pantalon ko.Sabay napatulis ang nguso at nangiwi.
Ackward.
"Di maghanap ka ng mapaparausan diyan.Madami sa tabi tabi.Siguraduhin mo lang na wag kang magkakalat." kunwari suhestiyon nito.
"Sure ka ba?di ba boyfriend mo ko,pagtatawanan ka noong Patrick,gusto mo ba?"balik tanong ko rito.
Syempre iisipin noon ni Patrick na niloloko ko siya once na may makakita na may kasama akong iba.
"Okey,hindi pala puwede.binabawi ko na iyong sinabi ko kanina.Di ka puwedeng maghanap ng paparausan sa tabi-tabi." bawi nito sa sinabi kanina.
"Dapat wala ng bawian.Excited pa na naman ako maghanap after nating magdinner." napapalatak at nanghihinayang na sabi ko.Pero tiningnan lang ako nito ng naghahamong titig.
Baka abutin na naman ito ng kasutilan madamay pa ang mga inosente.
"Pag sinabi kong hindi puwede,Hindi puwede.Kakalbuhin ko ang sinumang babaeng lalandi sayo." pinal na banta nito.
Para talagang tunay na girlfriend.Ayaw maloko.
Nabaling ang atensyon namin sa tunog ng buzzer sa pinto.
Siguro ang magdedeliver ng pagkain namin kaya agad akong napatayo at naglakad sa pinto upang buksan iyon.
"Food Delivery Sir." anang delivery boy na may usog2 na Cart laman ang mga pagkain.Niluwangan ko naman ang pagkabukas ng pinto at iminuwestra sa boy sa ipasok na lang ang mga pagkain.
Inilapag naman nito sa center table ang mga dala.
"Thank you." pasalamat ko sa delivery boy.
Agad naman itong yumuko at magalang na umalis.
"Kumain muna tayo." aya ko sa dalaga.
Iniabot ko ang plato't kutsara dito.
Tinanggal ko ang takip ng mga pagkaing dinala ng delivery boy.
Sweet and sour na lapulapu,crab in sweet chilli sauce at may sinabawang sugpo rin.May inihaw na buong hita ng manok ,lumpiang ubud ng niyog at panghimagas na leche plan.May ilang hinog na saging ding kasama.
Kumuha ang dalaga ng kanin at sinigang na sugpo.Mukhang pareho pa kami ng gusto.Gusto ko rin ng sinigang na sugpo.Masarap ang pagkakaluto at tamang tama lang ang pang paasim na inilagay.
Marahil dahil sa pareho kaming gutom,naubos namin ang mga pagkain.
Magkasunod din kaming napadighay sa kabusugan.
Napatakip pa ng bibig si AC.
Ako naman simpleng tumayo para magyosi sa labas.