Chapter 3

2606 Words
Nanlamig ang buong katawan ni Jasmine. Gusto niyang tumakbo pero nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Nag-rewind sa kanya ang nakaraan at nagkaulap ang mga mata niya. Pinigilan niya ang pag-agos ng luha at ibinaba ang mga tingin. Natigilan si Leonard sa naging reaksiyon ni Jasmine. Kanina habang pinagmamasdan niya ito na kausap ang kanyang anak ay ibayong saya ang naramdaman niya. Ngayon ay hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin. “Teacher Jas. Daddy ko oh.” Kinakalabit ni Sam si Jas. Pakiramdam ni Jas ay pasong-paso na siya sa presensiya ni Leonard. “Sam, uuwi na ako ha,” nawika na lamang niya sabay bitbit ng hand bag at tumalikod. “Jasmine, wait!” Napatigil si Jas sa paglalakad ng humarang si Li sa daraanan niya. Napatungo siya at iniwas ang kanyang mga mata sa lalaki. “Jas, kailangan nating mag-usap. Okay, not now but we will talk,” pabulong na wika ni Li. Tumango lamang ang dalaga at ipinagpatuloy ang mabilis na lakad palayo sa mag-ama. Mabilis ang mga hakbang ni Jasmine. Gusto niyang makalayo sa lugar. Pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang mundo sa nangyari. "Bakit siya pa? Bakit siya pa?" Paulit-ulit na bulong ng dalaga habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi niya akalain na magku-krus pa ang kanilang landas. Unti-unti na sana niyang nakakalimutan ang pangyayari sa buhay niya. Ginusto niya ang nangyari dahil para iyon sa kaligtasan ng kanyang ama. Pero parang binibiro siya ng tadhana dahil muli niya itong nakatagpo. Pakiramdam niya sa kanyang sarili ay nakakahiya siya, isang babaeng bayaran. Pero hanggang doon na lamang iyon at hindi na mauulit muli. 'Bakit ama pa siya ni Samantha?' Napamahal na sa kanya ang bata at masaya siyang tinuturuan ito. "I'm sorry Sam," bulong niya sa sarili. Hindi na siya muling babalik pa para mag-tutor kay Sam. Pinunas ni Jas ang mga luha ng malapit na siya sa guardhouse ng village. Baka matanong siya kung bakit siya umiiyak. Paglabas niya ng village ay muli na naman siyang naiyak at hinayaan niya ito hanggang sa magsawa ang mga mata niya sa pagluha. Nasa jeep na si Jas pauwi sa kanila at hindi pa rin maampat ang mga luha niya. ‘Akala ko naka move-on na ako, bakit nakita ko pa siya at daddy pa siya ni Sam?’ Nagtakip siya ng panyo sa mukha at pinalaya muli ang mga luha hanggang sa maubos. Matamlay siyang nakarating ng kanilang bahay. “Mano po Nay.” Napatitig si Aling Gloria sa mukha ni Jas. “Anak, may dinaramdam ka ba? Namumula ang mga mata mo,” nag-aalalang puna nito. “W-wala po Nay. Napuwing lang ako kanina.” Muntik na namang masamid si Jas sa pagsinungaling niya. “Si Tatay po?” “Naku! Hayun sa palengke. Kasama ni Bong at naiinip daw siya dito. Babalik uli ako doon at magsasara na kami. Bahala na kayo diyan. Tulungan mo sa kusina si Ellen,” wika ng ina bago tumalikod. “Opo Nay. Ingat po.” pahabol na wika ni Jas sa ina. Pagpunta niya ng kuwarto para magpalit ng damit ay nadaanan niya ang bunsong kapatid sa sala at saka ginulo-gulo ang buhok nito. “Mark, puro ka TV.” “Ate naman. Buhok ko pa talaga.” Tinawanan niya ang napikon na kapatid. Naisip ni Jas, di man sila mayaman sa salapi ay masaya naman siya sa pagkakaroon ng kumpletong pamilya. Tumuloy siya sa kusina pagkatapos magbihis. “Hi sis, mukhang masarap ang niluluto mo ah.” Pinasaya niya ang bati sa kapatid. “Ate, nakita ko si Alfred noong isang araw. Malungkot siya. Nag-away ba kayo?” wika na Ellen na bahagyang nakakunot ang noo. “Tinapat ko na kasi siya,” malungkot na wika ni Jas. Hindi rin niya maiwasan na ma-guilty para sa kababata. Kinuha niya ang basahan at saka nilinis ang kalat sa mesa. “Na ano?” kunot-noo na tanong ni Ellen habang nasa niluluto ang atensiyon. Humugot ng malalim na hininga si Jasmine. “Na brotherly love lamang ang nararamdaman ko para sa kanya.” “Ate, kawawa naman. Sincere naman siya sa'yo." may himig lungkot na wika ni Ellen habang hinahalo ang niluluto. “Alam ko naman. Ang kaso-" Hindi itinuloy ni Jas ang sasabihin. Dumako siya sa paminggalan para kumuha ng mga plato't kubyertos at ihanda ang mesa. “May iba ka ng napupusuan,” dugtong ni Ellen sa sinabi ni Jas at tumingin sa kapatid. “Wala," mabilis na wika ni Jas kasabay ng iling. "Gusto ko munang tulungan makabangon sina Nanay at Tatay.” Sino nga ba? Tanong niya din iyon sa kanyang sarili. “Ate, puwede naman pagsabayin ang love at career,” wika ni Ellen habang tinitikman ang kanyang niluluto. “Yaan mo sis, kusang bubukol pag talagang ukol.” Pumasok sa isip ni Jas si Leonard. Ang unang lalaki sa buhay niya. Unang lalaki na inangkin ang p********e niya kapalit ng pera. Hindi niya ito matingnan kanina dahil parang nanliit siya sa harap nito. “Ate ha, masyado kang matalinghaga. 'Wag naman sana pigsa.” Natawa si Ellen sa kanyang biro na pilit sinabayan ni Jas. Hindi na nga bumalik si Jas sa bahay ni Jelyn mula ng dumating ang ama ni Sam. Palabas na si Jas ng school compound ng lumapit si Alfred. “Jas, sabay na tayo sa pag-uwi.” “Sige,” sang-ayon ni Jas. Talagang pursigido pa rin ang binata, sa isip niya. Ayaw niya naman itong itaboy dahil gusto niya itong kaibigan. Wala silang kibuan hanggang marating nila ang kanilang bahay. Hindi katulad ng dati na marami silang napagkukuwentuhan. “May bisita yata kayo,” puna ni Alfred ng makita ang nakahimpil na kotse sa harap ng bahay nila. “Sige Jas,” paalam nito. “Salamat Alfred.” Kumaway ang dalaga sa papaalis na binata. Nagtatakang pinagmasdan ni Jas ang isang magarang kotse ng pumasok siya sa kanilang bakuran. ‘Sino kaya ang bisita?’ Napatigil siya sa may pintuan na makilala ang boses ng kausap ng nanay at tatay niya. “Jas, anak, nariyan ka na pala. Halika rito,” wika ni Aling Gloria ng mapalingon sa anak na bagong dating. Walang nagawa si Jas kundi lumapit sa mga magulang at nagmano. Pakiramdam niya ay sinusundan siya ng mga titig ni Li at hindi niya magawang tumingin dito. “Hi Jas,” nakangiting bati ni Li. “Hello po Dok.” Tipid na ngumiti si Jas at agad ibinaling ang paningin sa ibaba. “Umupo ka muna Jas,” wika ni Aling Gloria. Nag-alinlangan ang dalaga subalit mas takot siya na magtaka ang kanyang ina. Walang nagawa si Jas kundi umupo sa upuan na katapat ni Li. “Pumunta dito si Dok kasi inihatid ang sahod mo. Nakakahiya tuloy kay Dok,” may himig paumanhin ang boses ni Aling Gloria. “Ok lang po yun. At least nadalaw ko rin si Tatay.” Ngumiti si Li kay Mang Menandro. ‘Ano raw? Tatay?’ Napasulyap si Jas kay Li at nakatingin din pala ito sa kanya. Nagbaba uli siya ng tingin dahil kinabahan siya sa mga titig ni Li. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Dok, ikaw ang nag-opera kay Omeng ko at tutor naman si Jas ng anak mo,” nakatawang wika ni Aling Gloria. Napa-angat uli ng tingin si Jas.’Nag-opera kay Tatay?’ Kunot-noo na napatingin uli siya kay Li ngunit tumayo na ito at nagpaalam na sa kanyang mga magulang. “Bye Jas,” wika ni Li sa dalaga na may kasama pang matamis na ngiti. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalabas na doktor. Napaka-dignified nitong tingnan at hindi halata na mahigit trenta na ito. Naagaw ang kanyang atensiyon ng magsalita ang nanay niya. “Oh, heto. Dala ni Dok. Pasalubong daw sa’yo.” Nagulat siya ng tingnan ang mga laman ng paper bag. Napakaraming chocolates at mga beauty products. Habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi ay hindi mawala sa isip ni Li si Jas. Natuwa siya kanina ng dumating ito at para siyang teenager na lihim na kinilig pero ramdam niya ang pag-iwas nito sa kanya. ‘Jas, why you’ve great effect on me. I always missed you.’ Sabi ng isip niya pero hindi lang siya ang nakaka-miss sa dalaga dahil bukambibig ito ni Sam palagi at nagtatanong kung kailan ito babalik. “Ate..! Bilisan mo ang paliligo. May tumatawag sa cellphone mo,” tawag sa kanya ni Ellen habang kumakatok sa pinto ng banyo. “Lalabas na.” Iniabot ni Ellen sa kanya ang cellphone pagkalabas niya. Hindi registered ang number ng tumatawag. “Hello.” “Teacher Jas, where are you?” Boses ni Sam at parang umiiyak. Nag-alala siya ng marinig ang hikbi ng bata. “Sam? What’s wrong, baby?” “You promised me... na pupunta ka sa graduation ko,” sagot ni Sam sa gitna ng mga hikbi. Natigilan siya, nakalimutan niya ang graduation ni Sam. “Don’t worry, don’t cry, I’m on my way, bye.” Pinutol niya ang tawag at dali-dali siyang nagbihis at nag-ayos. Naisip niyang nandoon si Li. ‘bahala na, para naman kay Sam itong gagawin ko’, katwiran ng isip niya. “Ellen, pupunta ako sa graduation ni Sam, pakisabi kina Nanay,” paalam niya sa kapatid at dali-dali siyang umalis. Kanina pa nag-aabang si Sam. “Baby, I think you should sit, darating naman siguro si Ti - err...Teacher Jas.” Natawa si Li sa sarili niya dahil parang iba ang gustong ibigkas ng bibig niya. “Teacher Jas, here!” Kumakaway si Sam sa paparating na si Jas. Nakatitig si Li sa parating na dalaga. at lumukso ang puso niya. Naka-casual dress ito at nakalugay ang buhok, may konting make-up pero lutang na lutang ang simpleng ganda. Nakatingin din si Jas sa mag-ama at napatitigsiya kay Li, ‘ang guwapo pala niya, magkahawig sila ni Sam ng ilong at mata’, sabi ng isip niya. Kinakabahan siya habang papalapit sa dalawa at ngumiti siya sa mga ito. “Teacher Jas, yehey!” tuwang-tuwa na sambit ni Sam. At si Li hanggang tainga ang ngiti kasama na mga mata. Hinawakan ni Sam ang kamay ng dalaga at hawak naman ni Li ang isang kamay ng bata. Nagmukha tuloy silang isang pamilya. Nagsimula ang recognition bago ang graduation exercise ng mga kinder pupils. Sinimulang tawagin ang mga may special awards, ilang beses tinawag si Sam at nakailang balik si Li sa stage para magsabit ng medals sa bata. Siya naman ay busy sa pagkuha ng pictures sa mag-ama. Tinawag na ang third honor at sumunod ang second honor, mga parents ang nagsabit ng medals. “And now, for the overall first honor of Kinder Classes, Samantha Carpio!” Umugong ang palakpakan, tuwang-tuwa si Jas ganoon din si Li. Umakyat si Sam sa stage. “May we request the parents to come up the stage,” sabi ng emcee. Tumayo si Li at nagulat si Jas ng hawakan siya sa siko nito at itinayo saka mahinang nagsalita, “Please, para kay Sam.” Nagpatianod si Jas. Si Li ang nagsabit ng medal at nagkuhanan pa ng pictures bago sila bumaba. Hawak pa rin siya ni Li sa siko, ngumiti ito sa kanya ng makaupo sila at mahinang bumulong. “Thanks.” Tumango at tipid na ngumiti naman si Jas. Nang matapos ang graduation rites ay nagpaalam na siya sa mag-ama. “Mauna na po ako sa inyo, Dok.” “No, Jas. Ihahatid ka namin,” pigil ni Li sa dalaga. “Teacher Jas, sige na. Payag ka na,” wika ni Sam na yumakap pa sa dalaga. ‘Bakit ba ang hirap tanggihan ng batang ito?’ sa isip ni Jas. “Sige,” sang-ayon niya. Dahil bata si Sam kaya sa likuran siya nakaupo at siya sa tabi ni Li. Wala siyang kibo at nakatuon lang ang kanyang paningin sa kalsada. Tumatakbo na ang sasakyan ng magsalita si Li. “Baby, I think this calls for a celebration. What do you want? Where do you want to go?” Kinakausap niya ang anak sa rear view mirror. Na-excite si Sam, "Really daddy? We will celebrate? Teacher Jas, sama ka ha,” baling agad nito sa dalaga. Hindi si Jas makasagot. Naiilang siya na kasama si Li. “No Sam, kayo na lang.” “Ah basta. Gusto ko kasama ka.” Nagmaktol agad ang bata. “Jas, please. Pagbigyan mo na si Sam,” pakiusap ni Li habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. “Sige. Sasama na ako, Sam,” sang-ayon ni Jas dahil ayaw niya sumama ang loob ng bata. “Yehey!” Tuwang-tuwa si Sam na sinabayan pa ng patalon-talon sa loob ng kotse. Kumain sila sa isang fast food chain kung saan favorite ni Sam ang fried chicken. Hyper si Sam at panay ang daldal habang kumakain. Si Jas pangiti-ngiti lang habang ang atensiyon ay sa bata pero ramdam niya ang mga titig sa kanya ni Li. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya pa si Sam na sumakay sila ng carousel. Nagsilbi naman si Li na taga picture nila. Nag-lakad-lakad pa sila sa loob ng mall, hawak nila si Sam sa tig-isang kamay ng may itinuro ito sa loob ng toy store. “Dad, let’s buy that.” Patakbo ang bata na pumasok sa store at sumunod naman silang dalawa. “Here.” Hawak nito ang Bear Family na stuff toy. “This is Daddy, Mommy, me and baby brother.” “You like it?” tanong ng ama at tumango naman si Sam. “Okay, we’ll buy it.” Inakay ni Li ang anak papuntang counter. Hyper pa din si Sam at may namataan na naman ito. “Daddy, movie.” Hila-hila silang dalawa ng bata. Napatingin si Li kay Jas. “Okay lang ba sa’yo Jas?” Ayaw ni Jas na magmaktol ang bata kaya tumango siya. Dahil bata ang kasama nila kaya doon sila sa pambatang palabas. Bumili muna sila ng popcorn at fruit shakes bago pumasok sa sinehan. Dahil madilim ay kinarga ni Li si Sam at ginagap ang kamay ni Jas. Mahigpit ang hawak ni Li sa kamay ni Jas kaya walang nagawa ang dalaga kundi sumunod dito. Pakiramdam ni Jas ay may kuryenteng dumaloy mula sa palad ni Li. Lihim naman na napangiti si Li, kay sarap hawakan ng kamay ng dalaga. Kung puwede lang ay hindi na niya bitiwan ito, kaso sa gitna nila mauupo si Sam. Humihikab na si Sam ng matapos ang palabas kaya nagpasiya si Li na iuwi na ito. Walang kibuan sina Li at Jas sa loob ng sasakyan at walang may nais magsalita sa kanila. Nagpapakiramdaman samantalang tulog na tulog si Sam sa likuran. Lihim na napahanga si Jas ng pumasok ang sasakyan ni Li sa loob ng isang malaking bakuran. Kasing ganda at kasing laki ito ng bahay ni Jelyn. Karga ni Li ang tulog na anak at nakasunod naman si Jas na dala ang mga medals ng bata at ang binili nitong stuff toy. Inihiga ni Li ang anak at binuhay ang air-conditioner. Tinanggal ni Jas ang sapatos at medyas ng bata at pati na ang damit. Kumuha naman si Li ng damit pantulog ng bata. Binihisan ito ni Jas na sa sobrang pagod ay hindi man lang naalimpungatan. Lihim na natutuwa si Li sa nakikita niyang pag-aalaga ng dalaga kay Sam. Mahal ito ni Sam at ramdam niya na mahal din nito ang kanyang anak. Ano kaya ang pakiramdam kung kasama siya sa inaalagan ni Jas? Parang kinilig pa siya sa iniisip. “Jas, ihahatid na kita sa inyo. Sandali lang at ibibilin ko lang si Sam,” wika ni Li at tumalikod na. Hindi na si Jas nakapagprotesta pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD