Reunion ng batch twenty ng Saint Jude High School. Pagkatapos ng tatlong dekada ay muli na namang nagkita-kita ang graduates ng nasabing paaralan. Every five years kung mag-organize ng alumni reunion ang Saint Jude High School at hindi naman palagiang uma-attend si Leonard. Sa katulad niyang masyadong busy sa hospital ay lagi niyang pinapalampas ang nasabing okasyon. Pero dahil nabalitaan niya na darating din ang mga dati niyang kaibigan kaya nagdesisyon siya na pumunta at kasama ang kanyang asawa. “Li, Jas, mabuti naman at nakatakas kayo sa mga trabaho ninyo,” masayang bati ni Henry Mendez, kasama nito ang asawang si Mia. “Henry, hello buddy.” Nakipag-kamay si Leonard sa kaibigan na matagal na rin niyang hindi nakikita. “Kumusta ang trabaho ng isang PSG commander?” “Challenging and b

