Pagpasok ni Adrian kinabukasan sa kanyang klinika sa loob ng mental institution ay naisip niyang silipin si Amalia Andrada sa kuwarto nito. Lahat na yata ng drama sa buhay ng mga pasyente ay narinig na niya maliban kay Amy na hindi nakikipag-usap o takot makipag-usap sa kahit na sino. May sariling studio-type na kuwarto si Amy sa loob ng institusyon at binabayaran ito ng ama nito kasama na ang serbisyo ng isang nurse na tanging si Amy lamang ang inaasikaso. Kumatok si Adrian sa pintuan at tinawag ito. “Amy, Amy,” at ng walang sumagot ay dahan-dahan niyang itinulak ang pinto. Sumilip siya at nakita niyang nakaupo si Amy sa kama nito at kinakagat-kagat ang dulo ng mga daliri ng isang kamay. Wala ang assigned nurse nito at malamang nasa Medicine section para sa gamot ni Amy. Lumakad siya pal

