Isang mahalagang araw kay Jas ngayon. Binati siya ng kanyang mga magulang at mga kapatid dahil birthday niya. Sa labas sila kakain ng kanyang pamilya pagkatapos niya sa school. Treat niya sa kanyang mga mahal sa buhay dahil may trabaho na siya. Isang pagbati ang inaabangan niya. Kanina pa siya nag-aabang na tumunog ang kanyang cellphone ngunit walang tawag sa kanya si Li. Tinanong niya si Mang Delfin at ang sabi ay maaaga itong umalis. Bagama’t nauunawaan niya na busy ito lagi ngunit hindi niya maiwasan ang magtampo. Sa school, nagtawag ng flag ceremony ang Principal. Bagay na ipinagtaka ng marami dahil every Monday lang ginagawa ang flag ceremony. Matapos tugtugin ng LBS band ang Lupang Hinirang at LBS Hymn at sumunod ang student prayer. Umakyat ng stage ang Principal. “Goo

