“Sandali lang!” naiinis na sigaw ni Rita. May kumakatok na naman sa kanilang gate at mukhang nagmamadali pa. Baka maniningil na naman ang Bombay na inutangan niya ng five-six. Pagbukas niya ng gate ay bumungad sa kanya ang nakasalaming lalaki. Nagulat si Rita at tinitigan ang mukha ng kaharap. Nakikilala niya ito kahit nagka-edad na. “Adrian?” “Ako nga, Ate Rita. Pwede ba tayong mag-usap?” Dumadagundong ang t***k ng puso ni Adrian dahil sa pinagsamang galit at pagkasabik. Nagrehistro ang galit sa mukha ni Rita. “Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na!” Itinulak ni Rita ang pinto ng gate para isarado ito. Pinigilan ni Adrian ang pagsarado ng gate at muling itinulak ito saka pumasok siya sa loob ng bakuran. “May kailangan ako, Ate Rita. Ang katotohanan na buhay ang anak namin ni Nova.

