Pinunas ni Adrian ng daliri niya ang mga pumatak na luha. “Pasensiya ka na. Pati tuloy ikaw ay nalungkot sa kuwento ko.” “I understand your pain, Adrian. Hindi lang ikaw ang nagmahal, nasaktan at dumanas ng kalungkutan. Alam mo ba? Minsan akong nabaliw sa pagmamahal para sa isang tao na hindi naman ako ang mahal kungdi ang best friend ko. Para maka-move on ay umalis ako ng bansa at nagka-asawa pero ang masakit ay iniwan din ako ng naging asawa ko dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Ilang beses pa akong sumubok na magkaroon ng partner pero laging nauuwi sa pagkabigo. Pakiramdam ko noon ay wala akong silbi at wala ng taong gustong mahalin ako. Nang mamatay ang bestfriend ko ay ninais kong mapasa-akin ang asawa niya, pero, bigo pa rin ako dahil ibang babae ang mahal nito. At dahil sa ka

