Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ng resulta ang imbestigasyon. “Li, naaresto na ang suspek. Siya si Ernesto Dugay alyas Rico Dungo. Dati siyang kinakasama ni Musang. Itinuro nito si Musang bilang mastermind.” “Henry, gusto kong mabulok sa kulungan si Musang,” nanggigigil na wika ni Li. Kung puwede lang ilagay niya sa kanyang kamay ang batas at agad pagbayarin ang may sala. “Don’t worry, may warrant of arrest na para hulihin siya.” Inakbayan ni Henry si Li at marahang tinapik ang balikat. “Pangako Pards, mananagot sa batas si Musang.” Marahang tumango si Li at nagpaalam na si Henry. Ganun pa man, ang sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang dibdib ay hindi maibsan habang pinagmamasdan niya si Jas na wala pa ring malay. Araw-araw, minu-minuto niyang ipinagdarasal na sana gumising na it

