Sa maikling panahon ay naayos ng wedding planners at coordinators ang lahat ng kailangan sa kasal. Mula sa simbahan, reception venue, food caterer, video and photo coverage, florist, stylist at make-up artist ay nai-booked na. Sa school, excited si Jas dahil pupunta sila ni Li sa designer para sa final details ng kanyang wedding gown. Nag-ring ang kanyang cellphone, “Hello Heart.” “Sweet, may emergency dito sa hospital, ire-schedule na lang natin ang lakad ha, I love you, bye.” Hindi na nakapagsalita si Jas dahil nawala na si Li sa linya. Wala si Mang Delfin dahil ipinag-drive nito ang mga magulang ni Li. Sanay naman siyang mag-commute kaya minabuti niyang tumuloy na lang. Tinext niya si Li. ‘Heart, I’ll go ahead. Designer is waiting.’ Sa hospital, natapos ang operasyon ni Li sa isa

