Sa piitan. “Macario Udo! May dalaw ka! Pinsan mo raw!” Malakas na sigaw ng isang bantay habang binubuksan ang selda. Sinipat ni Musang ang mukha ng kanyang dalaw. “Sino ka? Anong sadya mo sa akin?” taas-kilay na tanong ni Musang sa kaharap habang nakaupo sila. Inilapag sa kanyang harapan ng lalaki ang isang plastic bag na sa hula niya ay pagkain. Nakasuot ito ng dark eyeglasses at waring umiiwas na makita ng maraming tao. “Ako si Bastian. Naparito ako hindi para dalawin ka. Ngunit para sa isang proposisyon.” Kontrolado ang timbre ng boses nito, sinisigurong siya lamang ang makakarinig. Kinabahan si Musang sa sinabi ng kaharap. “Ano yun?” “Gusto mong lumaya, hindi ba?” Tumango si Musang. “Matutulungan kita pero may kapalit.” Napaunat sa pagkakaupo si Musang. Gusto niyang lumaya dahil

