NIPS: CHAPTER 1
JOYCE POV
“Joyce! Aba, gumising na kayo dʼyan? Anong akala niyo gabi pa, ha? Bumangon na kayo at magtrabaho na! Mga batugan!”
Huminga akong malalim nang marinig ko ang malakas na boses ni Mama. Mama namin siya pero ang tingin niya sa amin ay isang Automatic Teller Machine, na everyday ay nagbibigay ng pera sa kanya.
“Tanginang buhay ʼto!” gigil kong sabi at ginising ang kapatid kong si Joy, ang sumunod sa akin.
“Joy, gumising ka na dʼyan! Binubungangaan na tayo ng Nanay natin!” malakas na sabi ko sa kanya at inalog para siya ay magising.
“Ate. . . Inaantok pa po ako. Anong oras na tayo natapos na maghugas ng mga pinggan sa eatery na pinapasukan po natin. . . Baka po pʼwedeng matulog pa ako—”
Hinawakan ko ang kanyang magkabilang braso. “Hindi pʼwede, Joy! Gusto mong mapalo na naman ng tubo, ha? Mas okay ng wala rito sa bahay na ʼto kaysa naman po dakdak at panlalait ang maririnig natin mula sa Nanay natin! Kaya tumayo ka na dʼyan!” malakas na sabi ko sa kanya.
Hinila ko na siya sa pagkakahiga sa aming banig, tanging banig at karton lamang ang sapin naming magkakapatid, lima kaming lahat at ako ang panganay sa aming lahat. Labing—apat na taong gulang pa lamang ay pinagta—trabaho na niya ako hanggang ngayong labing siyam na taon na ako.
“Ate Joyce, kailan kaya matatapos itong paghihirap natin? Simula nang mamatay si Papa, naging ganyan na si Mama. Lagi na tayong inaapi.”
Tinignan ko si Joy na sumunod sa akin, labing—walong taong gulang. Isang taon lamang ang agwat naming dalawa.
“Hayaan mo ang Nanay natin, Joy! Puro sugal at inim lamang ang inaatupag ng isang iyon! Tumayo ka na dʼyan at maligo para makahanap muli ng trabaho! Baka ang pagtuunan na naman niya ng pansin ang mga kapatid natin, lalo na si Jimboy.”
Si Jimboy ay labing limang taong gulang, pinapa—sideline niya ang kapatid naming lalaki sa pagnanakaw sa mga naka—park na kotse along Tomas Morato, mabuti na lamang ay hindi sinusunod ng kapatid ko, imbis ay nangangalakal na lamang siya.
Ang dalawang kapatid ko naman ay nandito lamang sa bahay, ang isa ay sampung taong gulang at isang tatlong gulang na parehong anak sa labas ni Papa. Nabuntis siya na hindi namin alam. At, kami ang pinagbuntungan ng galit niya. Hindi naman kami ang nabuntis kung ʼdi siya. Kaya iyong dalawang kapatid naming bunso, paborito niya.
“Ate Joyce and ate Joy, t—tinatawag na po kayo ni Mama. M—magtrabaho na raw po kayo,” sabi ni Jimboy sa amin, nang buksan niya ang pinto sa maliit naming kʼwarto.
“Wala na naman siguro siyang pang—sugal at pang—inom, ano?” iritang tanong ko sa kanya.
“M—mukha nga, ate Joyce.”
Kumuha na lamang ako ng damit at towel namin, sira—sira na itong towel na mayroʼn kami. Nilingon ko si Joy. “Bumangon ka na rin dʼyan!” usal ko sa kanya, kaya tinanguan niya ako.
Lumabas ako sa maliit naming kʼwarto nang marinig ang malakas na pagmumura ni Mama. “Mga putangina niyo! Bakit kasi kayo ang mga naging anak ko, ha? Mga hayop kayo! Mga walang kwenta!” Paulit-ulit kong naririnig ang katagang iyan, lalo na kapag wala siyang pera.
“Lalo ka ng walang hiya ka, Joyce! Ano? Buhay prinsesa kayo ni Joy? Tanghali na kung gumising? Mga putangina niyo, magtrabaho kayo! Bigyan niyo ko nang maraming pera para makasugal at makainom ako ngayon! Lumayas kayo rito!” Malakas niyang sabi sa akin.
Hindi ko siya pinansin at pumasok na lamang ako sa banyo namin. Sinara ko ito at naligo na ako. “Kung hindi ba naman siya malandi, nagpabuntis muli ng dalawang beses sa magkaibang lalaki, tapos sa amin siya magagalit dahil dagdag palamunin? Boba!” nanggigigil kong sabi habang naliligo na ako.
Saan naman kaya kami maghahanap ng trabaho? Mamaya pang gabi ang trabaho namin sa Eatery, gabi lamang nagbubukas iyon.
Shit, pati ako namomoblema!
Nang matapos akong maligo ay sumunod sa akin si Joy, nakita kong namumula ang pisngi niya. Mukhang sinampal na naman siya, sumasagot din ang isang ito kapag nabu—bwisit na siya.
“Huwag kang umiyak. Ipakita mo sa Nanay natin na hindi ka madaling umiyak, Joy,” bulong ko sa kanya.
Tinignan niya ako at tumango sa akin. Pumasok na siya sa loob ng banyo at ako naman ay bumalik sa maliit na kʼwarto namin. Nag—ayos ako ng aking mukha, kahit mahirap kami ay inaalagaan ko pa rin ang sarili ko, tinatago namin ang mga ito kay Mama. Baka kasi kunin o ʼdi kaya ibenta ni Mama sa iba.
Hanggang may nakikita siyang pʼwedeng ibenta, ibebenta kahit limang piso lamang ang halaga nito.
Sakim!
Natapos na kaming lahat at umalis na kami ni Joy. Hindi na kami nagpaalam sa kanya, para saan? Hindi rin naman niya kami aasikasuhin.
“Binungangaan na naman kayo ng Nanay niyo, Joyce and Joy! Kung ako sa iyo, lumayas na kayo dʼyan! Baka sa susunod ay mapatay na niya kayong dalawa kapag wala kayong maibigay na pera sa kanya!” Narinig namin ang sinabi ni aking Marites nang mapadaan kami sa bahay nila.
Yumuko na lamang ako sa kanya at mabilis na lumakad. Alam naman nila ang buhay namin, kaya bakit pa ako sasagot, 'di ba?
“Ate Joyce, totoo kayang mapatay tayo ni Mama once na hindi na tayo makapagbigay ng pera sa kanya?”
Hinawakan ko ang kanang kamay ni Joy. “Subukan lamang niya! Ipapakulong na natin siya! Kaya tara naʼt mag—apply na tayo! Kailangan natin nang malaking sahod para makaalis na tayo sa impyernong bahay na iyon, Joy! Isasama natin ang mga kapatid natin, okay?” Tumango siya sa akin.
Limang oras na ang nakalilipas nang maghanap kami ng trabaho, pero ni—isa walang tumatanggap sa amin, kaya pumunta na lamang kami sa eatery kung saan kami naghuhugas.
“Ang aga niyong magkapatid! Mamaya pa ang bukas natin!”
Ngumiti ako kay ate Leah, ang may—ari ng kainan nito. “Naghahanap po kami ng trabaho, ate Leah! Walang tumatanggap sa amin!” sagot ko sa kanya.
“Pinaghahanap na naman kayo ng Nanay niyong adik, ano? Joyce and Joy, gusto niyo ba ng trabaho? May alam akong trabaho para sa inyo, malaki ang sahod at nasa tamang edad naman na kayo. . . Depende rin naman kung papayag kayo,” sabi niya sa amin.
Napalingon ako sa kanya. “Trabaho? Ano po? Basta po malaki ang sahod, ate Leah, go kami!” sagot ko sa kanya.
“Deal din po ako, ate Leah! Nasa tamang edad naman na po kami!” sabat din ni Joy sa tabi ko.
“Waitress. . . Sa bar sa may Tomas Morato, gusto niyo ba? Legal ang isang iyon. Doon nagta—trabaho ang isa sa pinsan ko, Waitress din, nangangailangan sila. So, bet niyo ba?”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Joy. “Oo naman po, ate Leah! Get na po namin!” mabilis ko sabi sa kanya.
“Sige, sabihan ko bukas ang pinsan ko na ipapasok ko kayo. Pero, tandaan niyo, iyong sasahurin niyo ay huwag niyong ibibigay lahat sa Nanay niyong siraulo, okay? Mag—ipon kayo at lumayas doon, isama mo ang ibang kapatid niyo. Kung pʼwede lang kayong pumili ng magiging Nanay niyo, for sure, hindi ang Nanay niyo ang pipiliin niyo ngayon, ano?” Naiilang na sabi niya sa amin.
Tama ang sinabi niya, kung makakapili lang kami ng bagong pamilya, hindi siya ang pipiliin namin.
Hindi ito ang buhay na gusto namin.