Chapter 50

1565 Words

Nakasunod ang mata niya sa likod ni Shanna na sumakay sa elevator hanggang sa sumara iyon. Nakakuyom ang kamaong hindi kumikilos sa kinatatayuan at hindi inaalis ang tingin sa pinasukan ng dalaga na akala mo ay bubukas at babalik muli para kausapin siya. Halos ilang minuto rin siya sa ganoong ayos bago madilim ang anyong nilingon si Mayeth na namumutlang nakatingin sa kanya. Napapahaplos siya sa sentido si Zion at naglakad palapit dito. Para itong nahatulan sa isang napakabigat na kasalanan dahil nakita pa niya ang nangangatal na labi at panginginig ng kamay nito. Huminga siya ng malalim bago kalmadong tinanong ito. "What did you tell her?" "S—sir…" Namasa ang mata nito at nagyuko ng ulo. "What???" Tumaas na ang boses niya ng ilang segundo pa ang nagdaan ay hindi nito magawang sumagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD