Napasunod ang tingin ni Zion kay Shanna ng lumabas ito ng Strawberry house. May ngiti sa labing umayos siya ng tayo at sumunod na lumabas pagkaraan ng ilang minuto. Kanina pa siya nandoon at kahit hindi sigurado kung pupunta si Shanna pero umasa pa rin siya. Pinanood niya ang pagdating ng dalaga kanina at ang pagpasok sa opisina nito. Hindi pa rin kumupas ang gandang taglay nito, feeling pa nga niya ay mas lalong naging blooming ito. Habang pinagmamasdan ito kanina ay hindi tumitigil sa pagkabog ang puso niya. Kahit gusto na niya itong takbuhin at yakapin ng mahigpit ay hindi niya ginawa. Ayaw niyang masira ang plano niya, hindi sa gusto niyang pahirapan ito, he just want her to know his secret with her own judgement. And he's hoping she'll get his message. "So?" Taas kilay na salubong n

