Kahit hindi niya alam ang tungkol sa anak nila ni Shanna ay hindi niya maiwasang magluksa. Masakit din naman sa part niya na malaman na may anak na siya pero dahil sa kanya ay nawala din ito sa kanila. Naaawa din siya kay Shanna na mag-isa nitong binalikat ang pangyayaring yun. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi, pero kahit naman gusto niyang ibalik ang oras ay hindi niya magawa. Nangyari na ang nangyari dahil sa pagiging makasarili niya. Tapos ngayon wala siyang ediya kung ano ang sikrito niya na tinutukoy ni Shanna. Naguguluhan siya kung ano yun pero nung minsang napatingin siya sa sarili ay saka luminaw sa kanya ang sinasabi nito. Gusto nitong ibahagi dito ang nakaraan niya. Pero ready nga ba siya na ungkatin nanaman ang nangyari 5 years ago? Parang ayaw niya lalo at isa iyon sa mga

