Isang linggo?? Isang linggo niyang tinikis ang sarili na huwag makita si Zion. Aminin niyang miss na miss niya ang lalaki. Bumalik nanaman ang nangyari sa kanya noong umalis siya sa bahay nito Para siyang zombie noon na gumigising lang sa umaga. Pumasok sa eskwela at umuwi sa bahay nila. Para siyang robot na nakaprogram at iisang routine lang ang ginagawa niya. Naisip pa nga niyang magpakamatay noon pero nung nakita niya ang ina ay bumalik ang maayos niyang pag-iisip. Sinubukan na niyang tumayo uli sa pagkakadapa niya. Pilit binubura ang pait para sa kanyang ina, palaging umukilkil din noon sa kanya ang sinabi ni Ashton na nakalimutan niya ang lahat. Nadismaya siya sa sarili kaya kinailangan niyang bumangon muli at nagawa niya noon. Pero ngayon? Kaya pa ba niya? Tinatamad na dumapa siya

