Paggising niya kinaumagahan ay namumugto ang mata niya. Matamlay na matamlay din ang pakiramdam niya na halos ayaw na niyang bumangon. Ang pait din ng lalamunan niya na gusto niyang umiyak uli. Humikbi siya at sumubsob sa unan, ang sakit sakit ng puso niya na gustong-gusto niyang magsisigaw. Ano ba ang nagawa niyang kasalanan kay Zion at parati nalang siya nitong sinasaktan. Ano ba ang ginawa niya sa last life niya para mangyari sa kanya ang ganito? Nang-agaw ba siya ng asawa ng iba at pinaparusahan siya? "Mapapatay ko talaga ang lalaking yun!" Aroganting sabi ni Ashton na pumasok ng kuwarto. May hawak itong tray, naalala niya tuloy si Zion nung nagpakilala itong James sa kanya. Ganun kase ang ginawa nito pagkatapos niyang maglasing. Lalo siyang napaiyak sa naalala niya. Pinunasan niya

