Pagkababa pa lang niya sa motor at maayos na pinark ni James iyon ay dinaluhong niya ito at pinaghahampas sa balikat. "Bwisit ka, you almost killed me!!" Asik niya habang hinahampas ito Tumatawa namang pinigilan lang siya nito at walang anumang hinila siya papasok sa isang bunggalow style na bahay. "Wait akala ko ba strawberry house ang pupuntahan natin" nalilitong pigil niya dito "Ito na yung strawberry house na tinutukoy ko. Mukha lang siyang ordinaryong bahay, wait till you see inside of this house" may kislap sa matang bigkas nito. Kahit inis na inis siya dito ay nagpahila pa rin siya ng akayin siya nito papasok. Nang makapasok sila ay ang isang painting ang agad nakaagaw sa atensyon niya. Isa iyong painting ng babae na mukhang aparison lang dahil sa ginamit sa pagpinta. Para iyong

