Nang makahiga siya sa kama niya ay naalala niya ang mukha ni James, may nagbubulong sa kanya na nanganganib nanaman siya pag mapalapit talaga ang binata sa kanya. Ngunit ng maalala ang sinabi nito tungkol sa rebound ay may masuyong kamay na humaplos sa puso niya. Hindi niya alam kung totoo man ang sinabi nito, basta ang alam niya ay may lalaki pa palang katulad ni James na handang tulungan siya. Katulad ni Ashton si James na kayang maging panakip-butas pero bakit kay Ashton ay hindi niya magawang tanggapin ito. Gayong ito ang unang nakilala niya at kaibigan pa niya. Ito ang unang nagtapat ng pag-ibig sa kanya noong kolehyo pa lamang sila. Dahil ba may pagkakapareho si James at Zion kaya kahit bago pa lamang ang pagkikilala nila ay palagay ang loob niya sa huli. Kahit pa sinusungitan at ti

