Nakasubsob siya sa isang mesa sa may sulok ng library at tahimik na umiiyak. Maaga siyang umalis ng bahay at hindi na hinintay na gumising si Zion. Nag iwan na lang siya ng note na maaga siyang pumasok dahil may aasikasuhin pa siya. Sa totoo lang ay ayaw muna niyang makausap ang binata at makaharap ito. Ayaw niyang makita nito ang pamumugto ng mata niya dahil sa lihim niyang pag-iyak kagabi. Sa lahat ng pasakit na naranasan niya ay ito ang pinakamatindi. Hindi niya inakalang ganito pala kasakit ang magmahal ng walang kasiguraduhan kung masusuklian ba iyon ng taong mahal niya. A one sided love, ika nga. Everything was fine when she didn't met Zion, pero simula nung makilala niya ito ay may mga feelings na siyang natutunan na pakitunguhan sa puso niya. Ang magmahal at masaktan, hindi naman

