Sa gabi ng bridal shower ni Olivia ay inayusan niya ito at sinigurong maganda talaga ito at maakit si JJ para hindi na ito titingin pa sa ibang babae. Sinadya pa niyang sumakay sila sa Jeep pagkatapos ay nilakad ang daan papunta sa club para mas exciting, Hindi pa nito nararanasan ang magcommute kaya ito ang naisipan niyang para pag nag-asawa na ito ay hindi ito ignoranti kung paano sumakay ng jeep. At nang makababa sila ay nilagyan agad niya ng blindfold ang mata nito na agad itong nagreklamo. "hey! Do i have to wear blindfold" angal ni Olivia habang akay-akay niya ito papasok sa VIP room sa isang kilalang club na nerentahan ni Zion para sa bridal shower nito. "Of course. Surprise nga diba" pasensiyosang sagot niya sa tanong nito. "Ugh!!! You know I hate surprises" reklamo pa rin nito

