WARNING: Contains adult theme!! Pinauna na niyang umuwi ang binata para makapag-isip isip muna siya. Kaya ito tulala lang siyang nakatingin sa kawalan habang panay ang pagbuntong hininga. Nasa may mini garden siyang mag-isa at pakiramdam niya ay tinatamad ang lahat ng parte ng katawan niya. Ayaw gumalaw ang paa at kamay niya, pati utak niya ay pagod na pagod sa kakaisip tungkol kay Zion. Sa totoo lang ay hanggang ngayon parang nilalamutak ng paulit ulit ang puso niya sa sinabi ni Zion kaninang umaga. Pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya ng sabihin nitong nagsisi ito sa pagyaya ng kasal sa kanya. Kung noon siguro nito sinabi iyon sa kanya at wala pa siyang nararamdaman dito ay balewala kahit anong salita ang lumabas sa bibig nito, pero iba ngayon dahil mamalim na ang nararam

