Chapter 3

1778 Words
Lutang ang isip na naglakad siya papasok ng Sweet JJ's. Hindi siya nakatulog ng mahimbing nung umuwi siya kaninang madaling araw pagkagaling sa hospital. Kahit pilit niyang binubura ang sinabi ng lalaki sa kanya kanina ay parang sirang cassette na paulit ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang tanong ng lalaki. Hindi lang yun, natatakot siyang bigla nalang sumulpot ang lalaki at singilin siya sa ginawa niya, sa tingin pa naman niya ay madali lang para sa estrangherong yun na hanapin siya at pagbayarin, lalo pa at nung sinabi ng doctora na umuwi siya ay umuwi na talaga siya nang hindi nagpapakita dito. Saglit siyang huminto at hinanap ng mata niya si Olivia. Nakita agad niya ang kaibigan na nakatingin sa cellphone nito. Naglakad siya palapit sa kaibigan at pahinamad na naupo sa silyang nasa katapat nito. Sumubsob agad siya sa mga braso at pumikit sabay buntong hininga. Bumibigat na talaga ang talukap ng mata niya at gusto niyang matulog. "Oh? Anong nangyari sayo at nagmukha kang panda? Para kang nakipag s*x ng magdamag at hindi natulog?" Tanong nito pagkaupo pa lamang niya. Napaungol siya sa pagkaasar, ngayong kulang na kulang talaga siya sa tulog ay mainit ang ulo niya at wala siya sa mood makipagbiruan dito. "Oh please!!!" Bulalas niya at lalong sumubsob sa mga braso niya. "I'm telling the truth. Ang haggard ng itsura mo" hirit pa nito "Hindi ako nakatulog kagabi kaya ito, inaantok na nga ako masakit pa ang ulo ko. Nakauwi sana ako agad pagkatapos ng trabaho ko pero dahil sa bwisit na lalaking yun…." Nanggigigil na kinuyom niya ang kamay. "Lalaki? Don't tell me may kasamahan ka sa trabaho na nangharang sa'yo!" Excited na turan nito "Hindi, kagabi pagkatapos ng shift ko at pauwi na ako bigla ba namang huminto sa tapat ko ang isang kotse at bumaba ang driver nun, that pervert!! tanungin ba naman ako kung magkano daw ako kahit isang gabi lang? Mukha ba akong prostitute sa tingin niya?" Naiinis na litanya niya. "Huh! Ikaw mukhang prostitute? Eh mahihiya pa yata si Maria Clara sayo dahil sa pagiging inosente mo. Compared to her wala kang kahit ni isang naging boyfriend. At least si Maria Clara may Ibarra ikaw wala. At sino namang pincio pilato ang nagtanong sayo ng ganyan?" Nakaarko ang kilay na tanong nito "Naaalala mo yung sinabi mong babae na nakatingin sa akin? Lalaki pala yun. At grabe ha! Kung anong kinaganda ng mukha umaalingasaw naman ang kamanyakan niya sa katawan!! Grabe naiinis at umiinit pa rin talaga ang ulo ko pag naaalala ko ang sinabi niya sa'kin." Hindi na maipinta ang mukha niya nang mag-play muli sa utak niya ang nangyari kagabi. "Paanong naging lalaki yun? Eh ang beauty niya, papasa na bilang isang artista" Gulat na bulalas nito "Bakit mo tinatanong sa akin. Hanapin mo and bastos na yun at tanungin kung bakit naging lalaki siya" sarkastikong turan niya "Bakit ko siya hahanapin, nagulat lang ako na malamang lalaki siya. Hindi halata sa mukha niya" sabi nito "Akala ko gusto mong malaman." Inagaw niya ang iniinom nitong kape at humigop pagkatapos ay inilapag "bakit mo pa ako tinawag dito? Pwede mo naman akong hintayin sa room" "Wala lang. Gusto ko munang tumambay dito, ang daming guwapo dito eh" nakangising wika nito Napapikit siya sa inis. Seriously, Pinapunta lang siya dito ng babaeng to para lang magbilang kung ilang lalaki ang pumapasok dito? "Ugh!! Nakakainis talaga iyang kalandian mo" turan niya "Hoy! Kahit malandi ako. Inosente pa ako sa ibaba noh!!" Defensive na bigkas nito "Ows! Sa mga salitang lumalabas sa bibig mong yan Virgin ka pa ba?" pang aalaska niya sa kaibigan. Sumimangot ito at uminom sa kape nito. Alam naman niyang virgin pa and kaibigan niya at hindi nagsisinungaling nang sabihing malinis pa ito at walang karanasan. Masyado lang talaga itong open minded, Karamihan kase sa mga kaklase nila ay nagkukwentuhan tungkol sa karanasan nila sa kanilang kasintahan at madalas nakikisali si Olivia para makinig. "Che!! Kahit may alam ako tungkol sa s*x hindi ibig sabihin nun eh basta nalang ako bubukaka pag may nakita akong gwapo diyan" nakangusong bulalas nito "Eh kahit naman kase sino ang makakarinig sa mga lumalabas sa bibig mo. Iisipin nilang may karanasan ka na at expert ka pagdating sa s*x" hirit naman niya Biglang ngumisi si Olivia at nanunudyong tumingin sa kanya. "Bakit?" Nakaramdam siya ng discomfort sa tingin nito "Ehm!! Ngayon lang lumabas sa bibig mo ang salitang s*x. Tapos parang wala lang sa'yo." Humalakhak ito at pumalakpak pa "Tao ka na, besh" tumitiling bigkas nito na hindi pinansin kahit napatingin ang ibang costumers sa gawi nila. "Tao naman talaga ako. Ano bang tingin mo sa akin? Hayop?" Lukot ang mukhang saad niya "Hey, that's not what I mean. Normal ka na ngayon-" "Bakit abnormal ba ako?" Mabilis na putol niya sa paglilitanya ni Olivia. sumimangot ito "Ewan ko sayo. Anong gusto mo? Libre na kita" alok nito. Agad nagningning ang mata niya sa tanong nito. "Syempre yung favorite ko. Mag order ka na, sa rest room muna ako" paalam niya at tumayo. "Okay" ani'to Nang pumasok siya ng restroom ay sakto namang lumabas ang isang babae sa nag-iisang cubicle doon. Nginitian siya nito at nagbigay daan. Mabilis siyang pumasok sa cubicle. Nang matapos ay inayos niya ang suot na pants bago binuksan ang pinto. Agad bumungad sa mata niya ang isang taong nakatayo sa harap ng pinto at waring naghihintay na lumabas siya. Nanlaki ang mata niya at agad kumulo ang dugo niya nang makita ito. Binato niya ito ng matalim na tingin. "At anong ginagawa mo sa restroom ng mga babae?" Pagtataray niya "Well…" makahulugang ngumiti ito at humakbang "A-anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong niya dito at napaatras. Humakbang muli ito papasok at ni-lock pa ang pinto. Kinakabahang umurong siya at mahigpit na humawak siya sa damit niya. Nakakaramdam na rin siya ng takot sa kakaibang ngiti nito. "A-anong kailangan mo?" Pilit pinatatag ang tonong asik niya "Ehm!! Maghihiganti ako sa pagsipa at paghampas mo sa akin" nakaarko ang labing wika nito. "Ano? Hindi ba at ikaw ang may kasalanan nang gabing yun— h-huwag kang lalapit" naghehesterya ang kalooban na angil niya ng humakbang ito palapit, kahit gusto niyang umaatras ay hindi pwede dahil nasa likuran niya ang toilet bowl. "Yeah, kasalanan ko. Pero hindi ibig-sabihin nun ay titigilan kita at hahayaan sa pananakit mo sa akin. Tignan mo ang mukha ko?" Tinuro nito ang nagkapasang gilid ng labi. "Then, I'm sorry. Sabihin mo sa'kin kung magkano ang bill mo sa hospital at babayaran ko" pikit matang saad niya "p-pero puwede bang buksan mo ang pinto para makalabas ako" Itinulak niya ito at mabilis na inabot ang lock ng pinto subalit mabilis na napigilan siya nito. "Akala mo ba hahayaan kitang makalabas dito" mahinang saad nito, nanigas siya ng tumama ang mainit na hininga nito sa taynga niya awtomikong namula ang mukha . Sinubukan niyang umatras pa at umiwas dito, tinulak pa niya ito ngunit walang kahirap-hirap na ikinulong siya nito sa pagitan ng katawan at dingding. Suminghot ito at inamoy ang leeg niya "sweet, gusto ko ang pabango mo" Nanginig siya at nawalan ng lakas ang tuhod niya "bitawan mo ako!!" Natatarantang asik niya dahil pakiramdam niya ay mauupo na siya sa tiled floor. Kung hindi pa siya aalis dito ay malamang manganganib na ang puri niya. Hindi ito nakinig, sa halip ay itinukod nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya. Nanuyo ang lalamunan niya ng tumitig ito sa labi niya. Mariing pinaglapat niya ang labi at sinubukan iiwas ang mukha nang kumilos ito at bumaba ang ulo. Subalit hinawakan agad nito ang baba niya paharap muli dito, Nanlambot ang tuhod niya na parang jelly ng sakupin nito ang labi niya at mariin siyang halikan. Bumuka ang bibig niya para sana magprotesta pero agad nitong sinamantala iyon. Mabilis nitong ipinasok ang dila sa bibig niya at tinukso ang dila niyang gumanti dito. Parang binubuhay nito ang natutulog na pagkatao niya. Napahawak siya sa balikat nito dahil hindi niya napigilang tugunin ang mainit na halik ng lalaki. Pakiramdam nga niya ay hinihigop nito ang buong lakas niya. Napaungol siya ng marahang kagatin nito ang pang ibabang labi niya.. Habol niya ang hininga ng iwan nito ang labi niya. Humihingal din ito at mainit ang tinging ibinigay nito sa kanya. Hindi pa man siya nakakabawi ay hinuli uli nito ang labi niya. Nag-iba na rin ang ritmo at paraan ng paghalik nito sa kanya. Hinapit siya nito sa baywang dahilan para mariing maglapat ang katawan nila na pati yata hangin ay mahihiyang dumaan. Natauhan lang siya ng idiin nito ang ibabang bahagi ng katawan nito para iparamdam ang arousal nito. Ramdam niya ang nagising na p*********i nito na tumutusok sa puson niya. Naitulak niya ito at namimilog ang matang nakamata dito, nagulat ang lalaki kaya sinamantala niya iyon at mabilis na binuksan ang pinto at tumalilis palabas ng restroom. Halos lakad takbo na ang ginawa niya para lang makalayo sa lalaki at hindi siya maabutan. Nag-iinit pa rin ang pakiramdam niya nang makabalik siya sa pwesto nila ni Olivia na naiinip sa paghihintay sa kanya. "Bakit ang tagal mo?" Bakas ang pagkainip sa mukhang tanong nito "Ah. Ang tagal kase nung nasa loob kaya h-hinintay ko?." alistong rason niya. "Mainit ba? Bakit pawisan ka?" Puno ng pagtatakang bigkas nito "Oo!!" Halos pabulong na tugon niya at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay "Oh, ito. Ikaw na ang iinom nitong tubig ko. Parang init na init ka talaga eh. Namumula yang pisngi mo" concerned na itinulak nito ang malamig na tubig sa kanya "Salamat" deretsong tinungga niya ang tubig pagkatapos ay inilapag sa mesa ang bottle. Nakagat niya ang labi ng maramdaman na hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman niya. Hindi rin siya comportabling nakaupo doon dahil sa pakiramdam niya ay pawis na pawis ang buong katawan niya. Ang gusto niya ay umuwi na lang at maglinis ng katawan. Grabe naman kase ang lalaking yun kung makahalik, para ka na ring nakikipagtalik sa kanya. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang nagkakagulong kalamnan niya. "Yan, nakaorder na ako ng paborito mong cake" Hindi nito napansin ang discomfort niya na inginuso pa nito ang platito. Tumango siya at hinila sa harap ang cake. Sa mata ng kaibigan ay magana siyang kumakain ngunit ang katotohanan ay hindi siya mapakali sa kinauupuan. "Tapos ka na ba? Tara pasok—" "H-Hindi muna ako papasok sa klase." Nagmamadaling turan niya nang hindi na siya makatiis. "Bakit? Teka—" Hindi niya pinansin ang kaibigan at malalaki ang hakbang na umalis siya doon. Kailangan na talaga niyang magpalit ng suot na panloob. ...............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD