Chapter 2

2517 Words
Katatapos lang ng shift ni Shanna sa call center na kung saan siya pumapasok at nag pa-part time job ng gabing 'yun. Hindi naman kasi sila mayaman para magbuhay prensisa siya. Kailangan niyang magtrabaho para sa lahat ng gastusin niya sa eskuwelahan at pang araw-araw na gastusin din nila sa bahay. Nagpapasalamat pa nga siya dahil isa siyang scholar sa pinapasukan niyang eskuwelahan at nakakapag-aral sa isang private school na paaralan, katulad ng Cheng University. Kilala ang pinapasukan niya na paaralan ng mga mayayaman. Kung may dukha man na nag-aaral dito ay sila 'yung may pangarap sa buhay na makatapos at scholar ng foundation ng Cheng University na sinusuportan nito. Isang tindira ng gulay ang kanyang ina sa palengke at hindi sapat ang kinikita nito para sa gastusin nilang mag-ina kaya kailangan niyang magtrabaho kahit nag-aaral pa siya. Pakiramdam man niya ay hindi na kaya ng powers niya, tinatatatagan pa rin niya ang loob. Namatay ang tatay niya noong edad trese siya sa car accident. Bumangga ang minamaneho nitong jeep sa isang 10 wheeler truck noong pauwi ito galing sa pamamasada. Nang mawala ang tatay niya ay pakiramdam niya gumuho ang buong mundo niya sa insidenteng 'yun. Hinihintay pa naman niya ang ama na umuwi para ibalitang siya ang nauuna sa klase pero ang sumalubong sa kanya ay ang bangkay nito at hindi na humihinga. Hindi siya makapaniwala at parang nananaginip lamang siya. Nang dalhin na ito sa huling hantungan saka lamang niya matanggap na wala na ito at iniwan silang mag-ina. Nakita niya kung paano napilayan ang kanyang ina sa pagkawala ng ama. Kung paano nito pilit hinila ang katawan para magtrabaho at ngumiti sa harap niya kahit bakas ang pagod at paghihirap sa mukha nito. Ibayong pagtitiis ang kinailangan nilang harapin ng kanyang ina noon para lamang makaraos sila. At sa tulong ng ilang kaibigan at pananalig sa maykapal ay nakaraos sila sa matinding hirap ng buhay nila. Hindi man sila yumaman ay kumakain pa rin naman sila tatlong beses isang araw at masaya silang mag-ina. Pero kailangan pa rin niyang magtrabaho para tulungan ito at mag-tipid hanggang sa makatapos siya. Pangarap niyang i-angat naman ang buhay nilang mag-ina at mabigyan ng ginhawa ang paghihirap ng nanay niya para lang makatapos siya ng pag aaral. "Mauna na ako sayo Camille," paalam niya sa isa sa kasamahan niya sa trabaho. "Ingat ka sa pag-uwi, Shanna. Naku! Marami na ang may masasamang loob ang nagkalat ngayon," paalala nito kaya nakangiting tumango siya. "Salamat." Habang naglalakad siya sa lobby ng building na pinapasukan niya ay ginalaw-galaw niya ang nangangalay at namamanhid niyang leeg. Pati na nga lalamunan niya ay nanunuyo na sa kakasalita. Nakalimutan pa naman niyang magdala ng tubig. Nang makalabas siya ng gusali ay mabagal na naglakad siya sa sidewalk papunta sa may sakayan ng Jeep. Umuusal pa siya ng maikling panalangin na sana maayos siyang makakauwi sa bahay nila at hindi makasalubong ng masasamang tao. Hindi niya mapigilan ang mapahikab at kinusot ang mata dahil sa antok. Parang gusto na niyang humiga sa nadaraanan niyang flowerbed at matulog. She sighed. Binilisan na niya ang paglalakad para makarating siya sa sakayan at makauwi. May klase pa siya bukas at kailangan niyang matulog para may lakas siyang pumasok sa eskuwelahan. Hindi puwede ang salitang tamad sa kanya dahil sa mga pangarap niya sa buhay. Nag-freeze ang panga niya sa aktong paghihikab muli nang may kotseng biglang huminto sa tapat niya. Kumunot ang noo niya, nasiraan ba ang driver ng kotse na to? Puno ng kuryusidad na tinignan niya ang magarang sasakyan. Gusto niyang mainggit sa taong may-ari ng sasakyan. Kung may kotse lamang siya kahit second hand lang ay hindi na niya kailangan pang mag-commute. Humahanga pa siya sa kagandahan ng kotse nang bumukas ang pinto sa may driver side. Nabaling ang tingin niya rito. Nang tumingin ang driver ng kotse sa gawi niya ay nagulat siya ng mamukhaan ito. Ito 'yung babae sa sweet JJ's na nakita nila ni Olivia kahapon. Medyo natamaan kasi siya ng ilaw ng street light malapit sa gawi niya kaya nakita niya ang mukha nito. Napasunod ang tingin niya rito nang swabeng maglakad ito papunta sa gawi niya. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan, nakakainggit din ang mahahabang biyas nito na habang naglalakad ay very powerful. Nakatali ng maayos ang buhok nito kaya lalong lumabas ang magandang mukha nito na papangarapin ng lahat na sana ganito rin ang mukha nila. Nakahanda na sana siyang ngitian ang babae nang makalapit ito dahil akala niya ay aalukin siyang makikisakay dito para ihahatid siya sa bahay nila. Pero ang nararamdaman niyang antok kanina ay nawala at umakyat yata lahat ng dugo sa ulo niya nang marinig ang tanong nito. "Miss magkano ka?" walang seremonyang tanong ng…… wait!!! lalaki?? Bumaba ang mata niya sa mukha nito. Doon ay nakita niya ang adams apple nito na tumaas-baba nang lumunok ito. Diyata't lalaki pala ang magandang nilalang na 'to at hindi niya kalahing Eba. Pero ano raw? Nagpanting ang taynga niya sa walang modong tanong ng hudas barabas na lalaking to. "Pakiulit nga??" umuusok ang ilong sa galit na angil niya sa walang-hiyang lalaking to. "Tinatanong ko kung magkano ka. Kahit isang gabi lang?" atanong na ulit nito at ngumiti pa. Lalong uminit ang ulo niya dahil inulit pa talaga nito ang tanong kanina. Parang gusto niyang kalmutin at tirisin ang mata nito dahil pinagkamalan pa talaga siyang prostitue. Saang banda sa mukha niya makikita na isa siyang bayarang babae? Sa gigil niya ay mabilis na itinaas niya ang hawak na sling bag at malakas na hinampas ito sa mukha. Nagulat yata ang lalaki sa biglaang pag-ataki niya dahil natumba ito at napahiga ito sa semento sa lakas ng impak ng pagkakatama ng bag niya sa mukha ng impaktong lalaki na to. Sa pagkabuwisit pa niya ay sinipa niya ito sa may bandang mukha. "Bastos!!" gigil na asik niya. Napadaing ang lalaki at pumikit. Tumaas-baba ang dibdib niya dahil sa galit. Kung puwede lang niya itong patayin ay ginawa na niya. Magmamartsa na sana siya at lalampasan ito para iwan ngunit natigilan siya ng walang kakilos-kilos o hindi man lang bumangon ang lalaki sa pagkakahiga. Naalarma siya at agad kinabahan. Kung nawalan ito ng malay ay hindi niya alam kung paano ito dadalhin sa hospital. Mabilis na nagpalinga-linga siya sa paligid para tignan kung may nakakita sa ginawa niya. Nang masigurong wala ay lumuhod siya sa tabi ng nakahigang lalaki at marahang niyugyog ang balikat nito. "H—hey!!" nauutal na usal niya para gisingin ito. Lahat ng natutunan niya sa eskuwelahan ay parang lumipad sa kalawakan dahil sa nerbiyos. Hindi kumilos ito at nagmulat man lang ng mata. Sa pagkataranta at takot ay lakas loob na binigyan niya ito ng CPR. Pinilit niyang huwag umiktad palayo sa lalaki nang makaramdam ng tila kuryenting dumaloy sa katawan niya nang lumapat ang labi niya sa malambot at nakabukang bibig ng lalaki na may bahid pa ng dugo sa gilid 'nun. Iwinaksi niya ang biglaang pagdaloy ng kakaibang init sa katawan niya. Ang pagkakadaiti ng katawan nila ay parang binuhay nito ang mga natutulog na bawat himaymay ng katawan niya. Inilayo niya ang bibig at lumunok muna bago inulit ang pag-CPR dito. Ilang ulit niyang ginawa iyon bago lumayo. Kinakabahang hinawakan niya ang pulso nito sa leeg. Nakahinga naman siya ng maluwag nang naramdaman ang pintig doon. Napatingin siya sa ng labi ng binata. Uminit ang mukha niya at nakagat ang ibabang-labi. Hindi niya inakalang mauuwi sa ganitong paraan ang unang halik niya. Pangarap pa naman sana niya na 'pag nagkaroon siya ng first kiss ay sa isang romantic dinner o date nila ng mapapangasawa niya. "Miss, ayos lang ba kayo ng kasama mo?" Namutla siya at mabilis na nag-angat ng tingin ng marinig ang tanong ng isang lalaki na malamang ay napadaan lang din doon sa gawi nila. "Ah—eh!" Alanganing ngumiti siya rito. Hindi niya kasi puweding sabihin na siya ang may kagagawan kung bakit nawalan ng malay ang lalaking to. "W-We're okay, n-nawalan lang siya ng malay…" "I see! here let me help you," mabait na alok ng lalaki. "Uhm! P-puwede ba natin siyang isakay sa kotseng 'yun" Tinuro niya ang sasakyan ng binata na nakaparada sa may gilid. "Okay!" Tinulungan siyang maisakay ang lalaki sa magarang kotse nito. "Uhm!! I-I don't know how to drive!" mahinang sambit niya. Natigilan ang lalaki at napasulyap sa kanya. "Oh! Then let me drive." Thankful na nginitian niya ito. "Thank you!" Sumakay sila at pinaandar na nito ang sasakyan. Her heart is beating so loudly because of nervousness. Ni hindi niya nagawang natanong ang pangalan ng tumulong sa kanya dahil sa takot. Nang maihatid sila nito sa hospital ay labis-labis ang paghingi niya ng pasasalamat dito. Tumanggi ito ng sabihin niyang bibigyan niya ito ng pamasahe. Masaya na raw itong nakatulong ng kapwa. Nagpasalamat na lamang muli siya rito bago ito umalis. Pagkatapos maipasok sa emergency room ang walang malay na lalaki ay hindi siya mapakaling nagpaikot-ikot sa harap ng emergency room. Kinakabahan siya ng hindi niya mawari at nanginginig pa ang kanyang kamay. 'Pag may masamang mangyari sa lalaki ay wala siyang gagamitin sa pagbayad sa danyos ginawa niya. Ayaw niyang bigyan ng problema ang kanyang ina 'pag nagkataon. Mabilis siyang napatingin sa pinto ng E.R nang bumukas 'yun at iluwa ang doctor na nang-assist sa manyakis na binata. "Hello po, Doc. Kumusta po 'yung lalaki?" mabilis siyang lumapit dito at kagat labing tanong niya. "Huwag kang mag-alala, Miss. Maayos ang kalagayang pinsan ko," nakangiting tugon nito. Dahil sa sagot nito ay parang naalis ang batong nakadagan sa dibdib niya. Nakahinga siya ng maluwag at lahat ng takot sa dibdib niya ay parang bulang naglaho. Hindi na rin nagsink-in sa utak niya ang sinabi nitong magpinsan ang doctora at ang lalaki. "Mabuti naman kung ganun!" "Though, magkakaroon pa rin ng pasa 'yung gilid ng labi niya. Ano bang nangyari at nawalan siya ng malay?" tanong nito. Awtomatikong tumabingi ang mukha niya at hindi alam kung ano ang isasagot. "Well, anyway, huwag mo ng problemahin at mag-abalang bayaran ang bill niya. Sisingilin ko nalang siya pag nagising siya." Lalo siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. "S—salamat po, Doc. Pakisabi nalang po sa kanya na kasalanan niya kung bakit ko siya hinampas sa mukha—" Parang nalulon niya ang dila ng mapagtanto kung ano ang sinabi niya. Mahinang tumawa ang doctora at hindi nagkomento sa sinabi niya. "Sige na, Miss. Puwede ka nang umuwi. Mukhang galing ka pa sa trabaho mo," mabait na taboy ng doctora sa kanya. "S—sige po maraming salamat po ulit," she gratefully murmured. Lumabas na siya ng hospital na maluwag ang dibdib at walang dalang problema. Hindi na niya kailangan pang humingi ng paumanhin sa ginawa niya dahil kasalanan naman ng manyak na 'yun kung bakit niya ito sinipa at hinampas ng bag. Sana lang ay hindi mag-kruz muli ang landas nilang dalawa. Jusko! Tumataginting kaya na VIRGIN siya. Nakakasira ng image ang bastos na lalaking 'yun. PRENTENG NAKAHIGA si Zion sa hospital bed habang hinihintay na bumalik uli ang pinsan niyang si Abby. Lumabas lang ito saglit para kausapin ang dalaga at sabihing maayos ang kalagayan niya. Nagmamaneho siya kanina at pauwi na sana siya galing sa bar 'nung mapansin niya and dalaga na naglalakad sa may sidewalk. Sa una ay binagalan niya ang pagmamaneho para pagmasdan ito. Pero nang ilang beses niya itong nakitang humikab ay agad niyang inihinto ang sasakyan para sana alukin na ihatid ito subalit lumabas na naman ang kalokohan niya sa katawan at sinubukang biruin ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdilim ng anyo nito at galit na galit na tingin nito sa kanya. Hindi rin niya inaasahang ihambalos nito ng malakas ang bag sa mukha niya at sipain pa siya. Hindi naman talaga siya nawalan ng malay kanina. Hindi lang siya kumilos saglit dahil medyo nahilo siya sa pagkakauntog. Idagdag pa na sinipa siya sa nito sa mukha. Akala niya ay iiwan na siya nito ngunit nagkamali siya. Pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya nang maramdaman ang malambot na labi ng dalaga sa labi niya. Napigilan lang niyang mag-react at hablutin ang batok ng babae para bigyan ito ng naglalagablab na halik. Parang gusto niyang i-seduce ang dalaga hanggang sa makarating sila sa kama niya at galugarin lahat ng sensitibong parte ng katawan nito. Haplusin at damhin kung gaano kalambot ang balat nito. "Ano na namang kalokohan ang ginawa mo? Sa tingin ko hindi kayo magkakilala 'nung dilag na 'yun." agad na bungad ni Abby nang bumalik ito at inilapag ang stethoscope sa mesa. "Wala," kaswal na tugon niya. Tinaasan siya nito ng kilay at hindi naniniwalang tinitigan siya. Namaywang pa ito sa harapan niya. "Kilala kita, Zion James Cheng. Wala kang maitatago sa akin. Now speak up! Kauuwi mo na nga at hindi ka pa nagpapakita sa akin. Tapos sa ganitong paraan pa uli tayo magkakaharap," masungit na bulalas nito. "Wala nga! Hay! Ang kulit mo pa rin. Tinulungan ko siya kaya ito ang napala ko," kaila niya. Pero hindi pa rin ito kombinsido sa sagot niya at pinanlakihan siya nito ng mata. "Huwag ka ngang magsinungaling sa akin. Baka gusto mong sungalngalin ko 'yang bibig mo ng irrigation. Ang sabi niya, dapat daw na ginawa niya sa'yo 'yan dahil kasalanan mo. Ngayon anong kasalanan mo sa kanya?" Humalukipkip ito. "Wala nga, biniro ko lang siya at nainis siya. Masyado lang siyang high blood kaya hinampas niya ako ng bag," pagsuko niya. "At?" "Nagulat ako at aatras sana kaso hindi ako nakaiwas at tumama sa'kin ang bag niya. May batong nakaharang sa paanan ko kaya naapakan ko. Napatid ako at natumba. Pumikit lang ako dahil bahagya akong nahilo nang tumama ang ulo ko sa semento," paliwanag niya. "At bakit kailangan mo pang umaktong nahimatay? Tinakot mo pa 'yung tao. Kung nakita mo lang sana na namumutla siya," sermon nito. "Hihingi ako ng sorry sa kanya next time na makita ko siya. Anyway, where is she?" "Pinauwi ko na. Kawawa naman. Parang babagsak na anumang sandali. Galing pa yata siya sa trabaho," kaswal na turan nito. Naiiling na umupo siya at inayos ang kuwelyo ng suot na damit. Ni hindi man lang talaga pumasok ang dalaga para tanungin kung ayos ba siya o hindi bago umuwi. Mukhang talagang mainit ang dugo nito sa ginawa niya. "Umuwi ka na. Nababanas ako sa pagmumukha mong 'yan" Nalukot ang ilong niya sa inis dahil sa sinabi nito. Ang sungit talaga ng babeng 'to. Iisipin mong palaging may PMS dahil sa seryosong mukha nito. Tumayo siya at kinuha ang jacket. "Aalis na ako. Matawagan nga rin si Tristan mamaya," aniya. Pinaningkitan siya nito ng mata. "Subukan mo!!" Inignora niya ang pagkainis nito at tumatawang lumabas ng emergency room. Lalong lumawak ang ngiti sa labi niya nang maala si Shanna at ang magandang mukha nito. He smack his lips and laugh mischievously, may naisip na siyang paraan para lapitan at makuha ang dalaga. 'Hm!! Wait for me my sweet, Shanna!' piping bulong ng isipan niya. …………………
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD