Chapter 1

2737 Words
Sweet JJ's Pinanlisikan ni Shanna ang kaibigan niyang si Olivia nang sinubukan nitong kunin ang paborito niyang strawberry flavored cake. Katatapos lang ng klase nilang dalawa at 'pag break ay dito sila tumatambay na dalawa habang hinihintay ang susunod nilang klase. Kumukuha silang dalawa ng kursong nursing at nasa 4th year na sila. Noong nakaraang anibersaryo ng Unibersidad ay siya ang pinili ng department nila na sumali sa pageant. Matangkad, maputi, mahaba ang buhok, makipot ang labi at may taglay na magandang mukha. Ang sabi nila brain and beauty. Naging dahilan iyon para sumikat siya at sa tuwina ay may sumusubok na manligaw sa kanya. Ngunit unang araw pa lamang ng panliligaw nila ay lantaran na niya silang tinatanggihan. Karamihan tuloy sa kanila ay nawawalan ng interest at umaatras na pinag-pasalamat niya. Wala pa sa isip niya ang pagkakaroon ng boyfriend at gusto niyang ituon ang pansin sa pag-aaral niya. Magugulo lang ang pangarap niya 'pag nagkataon. Ang cafe kung nasaan sila ngayon ay ang sikat na canteen sa labas at harap ng Cheng University na pag-aari ni Junjay Cheng na siya ring namamahala sa Unibersidad. Sikat itong tambayan ng mga styudante para magmasid sa labas. "Subukan mong galawin 'yan at ibubuhos ko sa'yo itong tubig sa harap ko," banta niya sa kaibigan na sumimangot at agad binawi ang kamay. Sumandal pa ito sa silya at lumabi sa kanya. "Tikman ko lang naman kung ano ba ang nagustuhan mo at lasa ng sweet strawberry na yan," pairap na wika nito. "'Di mag-order ka ng sa iyo. Huwag mong galawin ang pagkain ko. Akala mo naman hindi ka pa nakatikim ng strawberry," taas kilay na sikmat niya sa kaibigan. "Ayoko nga! Kaya nga gusto kong tikman baka 'pag nag-order ako. Ayaw ko pala ang lasa. Sayang lang ang pera ko at magsasayang lang ng pagkain," maarteng bigkas nito. Pinaikot niya ang mata. "Eh, 'di kainin ko para hindi masayang. Problema ba yon?" Tumaas ang kilay ni Olivia. "Yan eh! Pasempli ka pa. 'Di mo pa deneretso na kulang 'yang kinakain mo at gusto mong ilibre kita." Matamis siyang ngumiti rito bago muling sumubo. Umismid naman ito at tumingin sa paligid. "Grabe! Ang gwapo talaga ni Karl. Nakakatakam!" akala mo ay naglalaway na bulong ni Olivia nang makita nito sa may counter ang binata. May isang babae pa na nakaabrisete sa braso nito. "Saan naman siya nakakatakam? Eh,  buti sana kung matangkad siya. Mas matangkad pa nga ako kaysa sa kanya," hindi interesadong wika niya. Pinandilatan siya ni Olivia. "So? Hindi  naman problema ang kapandakan niya basta expert siya sa bed. Saka may looks din naman siya." "'Yan lang ba ang dahilan para habulin siya ng mga babae!" paismid na bigkas niya. "Oo," tugon nito at nang-aakit na nakipag-titigan ito kay Karl na lumingon sa gawi nila. Isa ito sa notorious playboy ng campus nila na akala mo ay naligo ng gatsby dahil sa tayong-tayo na buhok nito. Marami ang naakit dito gayong para sa kanya ay ordinaryo lamang ang mukha nito na 'pag itatabi sa mga sikat na modelo ay hindi mapapansin. Idagdag pa na mas matangkad siya rito at umabot ito sa may taynga niya. Isa pa iyon sa bawas pogi points ng lalaki. Napapailing na yumuko na lamang siya ng ulo para hindi na makita kung paano kumutitap ang mata ng kaibigan habang nakikipag-titigan kay Karl. Kung wala sigurong kasama ang lalaki ay paniguradong lumapit na ito sa gawi nila. Hindi na niya pinansin si Olivia at nag-concentrate na lamang sa kinakain at trinatong hangin lamang ang kaibigan. Hinayaan niya itong tumingin sa bawat sulok ng canteen para makipag-kindatan sa kung sino mang lalaking makikita nito. Sa pagkakayuko ay hindi niya napansin ang pagpasok ng isang 'babae' sa canteen at nakuha pa ang atensiyon ng iba na nagbubulungan. Ganun din si Olivia na mahinang sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Pinanlisikan niya ito ng tingin. "Ikaw—" "Besh! Kanina pa nakatingin dito ang magandang babae na naka-puwesto malapit sa may glass wall. Simula 'nung pumasok siya ay hindi na niya binawi ang tingin sa'yo," nawewerduhang putol ni Olivia sa pagtatalak na sana niya. "Babae? Baka naman naiinggit siya sa kagandahan ko!" mayabang na bigkas niya at uminom ng tubig. "Hindi, Sis. Kakaiba 'yung tingin eh! May halong pagnanasa. Baka lesbian o gay 'yon kaya ganoon makatitig," patingin-tingin sa gawi ng taong tinutukoy nito habang sinasabi 'yun. Muntik pa nga siyang masamid sa sariling laway sa sinabi ni Olivia. "Sigurado ka? Gutom ka siguro kaya kung anu-ano 'yang napapansin mo. Bakit naman ako titignan ng isang babae ng ganyang tingin?" bulalas niya. Umiling ito at pasempli uling tinignan ang tinutukoy nitong babae. "Hindi ako nagbibiro, Shan. Tignan mo kaya at sabihin mo sa'kin kung nagbibiro ako o hindi," she said seriously. Tumalima naman siya at nag-kunwaring inayos ang bag at pinaraanan ng tingin ang mga costumer sa loob ng canteen. Agad niyang nahanap ang tinutukoy ng kaibigan niya. Tama nga siya. Nakatingin ang babae sa gawi nila. Pinag-aralan niya ang anyo ng babae. Nahiya naman yata siya sa balat niya. Ang yabang pa niya kanina ng sabihin niyang inggit sa beauty niya ang babae. Besh! Mas maganda pa ito kaysa sa kanya. Ang kinis ng mukha na mahihiya yata ang pimples na tumubo sa pisngi nito. Singkit ang babae na bumagay pa sa maliit nitong mukha. Tapos ang labi niya na natural ang kulay. Kahit nakaupo ito ay hindi naitago ang pagiging matangkad nito. Umayos siya ng upo at tinignan si Olivia na nakataas na ang kilay at waring naghihintay sa sasabihin niya. "Tama ka! Nakatingin nga siya sa deriksyon ko," sang-ayon niya. Akmang magsasalita ito nang mabilis na napigilan niya ito sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kamay. "Oh, huwag ka nang hihirit pa. Nakatingin lang siya sa gawi natin pero hindi sa paraang sinasabi mo. Kuryusidad ang nababasa ko sa mata niya." Pinandilatan siya nito. "Hindi na inosente ang tawag sa iyo kundi frigid. Hindi mo na kasi masabi ang pagkakaiba ng normal na tingin sa may halong pagnanasa." Umirap siya at hindi na nagkomento sa sinabi ng kaibigan. Panigurado kasing maglilitanya ito ng tungkol sa mga bagay katulad ng s*x. Itinukod nito ang siko sa mesa at ipinatong ang baba sa kamay. "Ilang taon ka na ba Shan? 20 ka na? Sa edad mong 'yan wala ka pang karanasan maski isang halik? Kahit man lang smack lang. Naku! Iba na 'yan! Baka naman tomboy ka talaga kaya mapili ka. Hindi mo lang sinasabi sa akin," umarko ang kilay nito nang sinasabi yon. Bumuga siya ng hangin. Ayan at magsisimula na talaga ito sa panglalait sa pagiging inosente niya. Palagi naman kasing napupunta sa ganitong usapan ang topic nilang dalawa 'pag lumalabas ang pagiging malandi ng babaeng 'to. Wala na itong bukambibig kundi ang wala siyang first kiss o kaya lalaking naka-holding hands. At hindi pa niya naranasan ang makipag-date sa mga manliligaw niya. Para umiwas siya sa mga sasabihin at lecture ng kaibigan niya ay tumayo na siya at binitbit ang mga libro at bag niya. "Mahuhuli na tayo 'pag pakikinggan ko pa ang mga sermon mo. Para kang guro ng s*x education," bigkas niya para inisin ito. "Huh!! Ano naman ngayon kung para akong nagpapaliwanag tungkol sa s*x? Hello! Ano bang year ngayon? Lahat ng mga tao ngayon ay ganyan na ang topic nila noh!" Umingos ito. "At hindi ako mapapagod na sabihin 'to sa'yo…" hindi kumikilos na wika nito. "Ilang beses mo na bang sinabi sa'kin 'yan, Miss Olivia. Hindi ko na mabilang kung ilan. Nabingi na nga 'yung taynga ko kakaulit mo. Kailangan ko na ngang linisin dahil sawang-sawa na sa mga sermon mo. Tumayo ka na nga riyan at pumasok na tayo," lukot ang ilong na sikmat niya. "Maaga pa. Hindi tayo mahuhuli sa klase. Type ka naman ni Sir kaya walang problema," pilyang sambit nito. Nanlaki ang mata niya at sinaway ito, "ang bunganga mo! 'Pag may nakarinig sa'yo baka machismis pa tayo." "Hindi 'yan! Alam ko naman na hindi mo siya papatulan." Huminga siya ng malalim. "May asawa na si Sir kaya tumahimik ka na. Huwag mong bigyang malisya ang lahat ng nakikita mo." Ngumiti lang ito at sumipsip sa iniinom nitong juice gamit ang straw. Sa totoo lang, naiinis na siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya mananalo rito. "Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan? Lalayasan na talaga kita rito!" banta niya sa kaibigan na prenteng tumingala pa sa kanya. Napapikit siya sa pagkainis at humakbang na para iwan ang kaibigan. "Oo na! Ito na po at tatayo na. At hintayin mo naman ako," nakalabing wika nito at isinukbit ang bag sa balikat nito. Nagpatiuna na siyang lumabas ng Sweet JJ at hindi pinansin ang pag-angal nito. Mahina siyang tumawa nang dahil sa pagmamadali nito ay muntik itong matapilok. Nagkabanggaan pa ito at ang isang styudante na agad siyang inalalayan. Galing pa yata sa counter ang lalaki at naghahanap ng mauupuan. Huminto siya at hinintay ito na pigil -pigil ang tawa. "Sorry!" narinig niyang paghingi nito ng paumanhin at paika-ikang lumapit sa kanya. "Masakit ba?" concerned na tanong niya at sinulyapan ang paa nito. "Hindi siya masakit! Ang sarap nga, eh! Para akong hahalinghing ng malakas!" malakas at sarkastikong bulalas nito at sinadya pa talagang lumikha ng kakaibang ingay. Namula ang pisngi niya at mabilis na inalalayan ito palabas habang pilit na tinatago ang hiyang nararamdaman niya. "Shut up!!" angil niya at halos kaladkarin na ito paalis doon. Grabe mahihiya pa yata ang isang anchor sa TV dahil sa lakas ng boses nito. MAINGAT NA nag-park si Zion sa bakanteng space sa parking lot ng Sweet JJ's na pag-aari ng pinsan niyang si JJ, short for Junjay. Hindi nga niya maintindihan ang pinsan kung bakit naisipan nitong magpatayo rito ng canteen gayong busy rin ito sa pagpapatakbo ng University. Pagkatapos magretiro ang Tito niya at namatay ang kanyang ama 2 years ago ay si JJ na ang pumalit dito. At kahit minsan, hindi siya nito pinilit na huminto sa pagpinta para tulungan ito. Noong sinabi niyang ang pagiging pintor ang gusto niya at wala pa sa puso niya ang pagiging business man ay hindi iyon tinutulan ng kanyang ama at Tito niya. Sa halip ay sinuportahan na lamang siya. Naging isa siyang sikat na pintor at marami na siyang naging exhibit. Nakabenta pa siya ng maraming painting at marami na rin siyang naipundar. Ngunit pagkatapos ng pangyayaring 'yun dalawang taon na ang nakalipas. Huminto siya sa pagpinta at pumunta sa Spain at namalagi roon ng dalawang taon para makalimot. Kinailangan niyang gawin 'to dahil sa maraming dahilan na hindi na niya dapat pang balikan. At ngayon, nagawa na niyang kalimutin ang pangyayaring 'yun at  nakauwi na siya ng bansa para tulungan na ang pinsan sa pagpapatakbo ng CU. Siniguro muna niyang naka-lock ng mabuti ang kotse niya bago naglakad papasok sa canteen. Pagtapak pa lamang niya sa loob ay napapalingon na ang lahat sa kanya habang naglalakad siya. Hindi na siya nagtaka at nailang sa mga reaksyon at kakaibang tingin nila. Karamihan ay curious at humahanga sila habang nakasunod ang tingin sa kanya ng mga costumer doon. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung ano ang iniisip ng iba dahil alam na niya. Kung lalaki o babae ba siya? Nakalugay kase ang may kahabaang itim na itim na buhok niya na umabot hanggang sa balikat niya. Nakasuot siya ng v-neck red shirt at maong pants na pinaresan niya ng rubber shoes. Ewan nga niya at nalilito pa sila gayong ayos lalaki naman ang get-up niya. Kumaway siya kay JJ na nasa counter na agad ding gumanti ng kaway. Pumwesto siya malapit sa may glass wall at iginala ang tingin sa loob ng cafe. Karamihan ay styudante ang mga nandito na kumakain at costumer ng pinsan niya. Nginitian din niya ang ibang napapatingin sa kanya na agad namang gumaganti ng ngiti bago nag-iiwas ng tingin. Magbabawi na sana siya ng tingin nang maagaw ng isang babae ang atensyon niya. Hindi sila malayo sa puwesto niya kaya kitang-kita niya ang mukha nito. Ang magandang dalaga ay masama ang pagkakatingin sa kasama nito. Umarko ang sulok ng bibig niya, mas lalo itong naging kaakit-akit sa ganoong reaksiyon nito. Hindi niya magawang i-alis ang tingin sa perpektong mukha nito. Napasunod ang mata niya sa dalaga nang bahagya itong kumilos at iginila ang tingin sa loob ng cafe. Lihim siyang napangiti nang huminto ang tingin nito sa kanya ng ilang minuto bago mabilis na bumalik ang mata sa kasama nito. Sa tingin niya ay siya ang pinag-uusapan ng dalawa dahil pasulyap-sulyap sa kanya ang kasama ng una. Pinanood niya ang mga galaw nito hanggang sa tumayo ito at parang nakikipag-diskusyon pa sa babaeng kasama nito na ang lawak pa ng ngiti. Naitukod niya ang siko sa mesa at nakakuyom ang kamay na itinapat iyon sa bibig niya. Pinaglandas niya ang mata sa katawan nito. Nasa tamang puwesto lahat. Ang kurba ng baywang nito, mabibilog na binti at mahabang biyas at ang matambok na pang-upo nito. Para itong modelo na naligaw lang doon sa canteen at nagtatanong ng direksiyon. Naglalaro pa rin ang mata niya sa dalaga hanggang sa umalis na ang dalawa na naka-alalay sa huli. Nawala lang sa paningin niya ang dalaga nang may humarang sa paningin niya. Si JJ ang nakita niyang sinadyang tumayo sa harapan niya at nakaarko ang kilay na nakatingin sa kanya. "Huwag mong sabihin na pumunta ka lang dito para maghanap ng babae, Mister chick magnet," biro nito. Ngumisi siya. "Of course not! Ikaw ang pinunta ko rito," mabilis na sagot niya. Umarko ang sulok ng labi nito at umupo sa katapat niya. "Saang bundok ka ng Espanya galing at para kang ermitanyo sa haba ng buhok mo?" pabirong tanong nito. Kauuwi lang niya galing Spain two days ago at ngayon lang siya nagpakita sa pinsan. Nagkulong agad siya sa bahay niya at walang ginawa kundi ang matulog bago nagdesisyon na puntahan dito ang pinsan. "Sa Mount Everest!" tamatawang sagot niya. "Ulol! Sa espanya ba ang mount Everest?" Kagpagdaka'y mahina itong tumawa. "Kilala ko ang tinitignan mo kanina," he said afterwards. "Sino?" clueless na saad niya. "'Yung magandang dilag na sinusundan mo ng tingin. Tsk! Parang gusto mong hubaran sa tingin, eh!" "Oh! Anong pangalan niya? Age? May kasintahan ba siya?" interesadong tanong niya. "She's Shanna Agustin, naging Miss Cheng University siya last year noong anniversary ng CU. Pero sorry! Hindi ko alam kung single pa siya." "Puwede nating gawin Misis Cheng!" biro niya. Tumawa si JJ at napailing. "Bakit? Wala ka bang nasungkit na babae roon na puwede nang maging Misis Zion Cheng" nagbibirong tanong nito. "Wala akong nagustuhan sa kanila. Mas maganda pa nga yata ako kaysa sa kanila," sagot niya. "Tama ka! Kaya dapat lang na Adan din ang hanapin mo!" tumatangong saad nito. Natatawang sinipa niya ang paa ni JJ sa ilalim ng mesa. "Sh*t man! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo." "Sabi mo kase mas maganda ka pa kaysa sa kanila." Umiling siya at nginuso ang counter. "Bumalik ka na 'run. May mga costumer ka na 'run?" taboy niya sa pinsan. "Kaya na ng mga tauhan ko yan," kibit-balikat na bigkas nito at prenteng sumandal sa silya. Buti pa itong pinsan niya at pa easy-easy lang sa business niya. Kahit ito na ang in-charge sa CU ay hindi ito nahihirapan sa opisina na nagbabasa at pumipirma ng sangkatutak na papeles. "Ah! Magrerelax muna ako ngayon dahil sa susunod na araw ay magiging busy na rin ako sa CU," saad niya. Tumawa ito. "Dapat lang naman na tulungan mo ako ngayon." "Ikaw? Bakit ka nandito? Akala ko ba'y may pinagkakatiwalaan kang magbabantay dito?" "Yeah! Babalik din naman ako mamaya sa office. Lumabas lang ako para naman lumanghap ng hangin," tugon nito. "Ang sabihin mo! Lumabas ka para maghanap ng babae!" naiiling na wika niya. Ngumisi ito. "Bakit? Ikaw ba hindi? Baka nakakalimutan mo na para kang hindi kontento kung wala kang babae." "Hey! Ilang buwan na akong walang fling," he defended, "at saka 'yung iba umaatras dahil hindi raw nila matanggap na mas maganda ako sa kanila. Para raw silang nakikipags*x sa isang babae," dugtong niya Humalakhak ng malakas si JJ. "Don't worry, hindi naman lahat. Kung s*x deprived ka puwede kitang ipakilala sa mga kakilala ko riyan." "Huwag na! May natitipuhan na ako," tanggi niya at makahulugang ngumiti rito. Bahagya itong natigilan bago biglang humalakhak. Nahulaan na agad nito kung sino ang tinutukoy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD