"Z, may problema ba?" Untag ni Shanna kay Zion na tahimik lang na pinagbuksan siya ng pinto. Hindi ito sumagot at inalalayan siyang bumaba bago isinara ang pinto. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito. Simula noong galing sila sa supermart ay nsging tahimik ito at hindi siya pinapansin. Kahit tinatawag niya ito ay hindi pa rin umiimik. "Z" sinundot niya ang tagiliran nito "Stop it Shanna" saway nito sa kanya. "Magandang hapon po Ma'am, Sir" bati ng isang may katabaang babae na lumabas ng bahay. Kailan pa nagkaroon ng kasambahay itong herodes na to. Inilibot niya ang tingin sa paligid, may isang lalaking nagwawalis sa paligid. "May mga kasama ka na pala dito" komento niya "Yeah, come" sagot nito at inakay na siya papasok. Napahinto siya sa gitna ng sala ng maramdaman ang kasiyah

