Rochelle Dianne's POV Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito habang naglalakad kami sa gitna ng BGC. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang hawak ko ang tali ni Shoti at sinasabayan kaming maglakad. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa date naming dalawa. Hindi ko pa nga nasusubukas ito at ngayon lang. "Kumain muna tayo," anyaya niya sa akin. "Saan?" tanong ko naman sa kanya. Ang laki nitong BGC at puro building pa. Maraming kainan at hindi ko pa nga alam kung nasa Pilipinas pa nga ba ako. Sobrang daming tao at halos mas marami pa ang mga foreigner na nakikita ko. "Tara. Ako na ang mamimili," saad niya at biglang kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako paliko sa ibang daan at napasunod naman agad si Shoti. Mas lalong nagwala ang puso ko at parang ang daming gagamba sa tiyan ko. "'Yon

