Rochelle Dianne's POV Ito na ang ikatlog Linggo ko kay Ethan pero kami pa rin ang magkasama. As in! Hindi talaga siya umuwi sa bahay nila at kulang na lang ay dalhin na niya ang mga gami niya sa bahay namin. Hindi ko na alam kung paano pa ko nabubuhay nito kung sunod-sunod ang araw na napupuyat ako. Kapag siya ang kasama ko, hindi ako makatulog ng maayos. "Ayos na ako, Dianne." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha ngang ayos na ayos na siya. Mabuti naman kung gano'n dahil ayoko na rin mag-alala pa. "Mabuti naman kung gano'n. Siguro naman pwede ka nang umalis sa bahay ko—" "Aray!" Bigla niyang hinawakan ang tagilirin niya. "Parang sumakit ulit." Napairap ako sa kaartehan niya. Ayaw na lang sabihin na gusto niya pang mag-stay sa bahay namin. Pwede namang aminin na lang niya

