KABANATA X

1456 Words
JUNIOR POV "Plooooks! Plooooks!! Plangksss!!! Plangkss! " Alaaaah eiiiy!!! Naandeni kami sa munting burol sa may likuran ng circle building. Kararating ko laang at kumuha ako ng towel ng kambal. Loob parin ng campus areeeh at araw namaan ng Linggo kaya malaya kami. Akala koy wala ng tatalo sa kakulitan nila Amil at Alex!! Abay areng kambal ng kuya Pablo at ate Aza eiy nalampasan ang kakulitan nila Amil!!! "Bwahahahaha!!! " tawa ng apat na animal!! Sina Alex, Amil, Geyo at Donald ang itinutukoy ko. Nakuuuu poooh! Nawawala ang espirito ko sa mga areeeh pag nagsama-sama!!! Lalo nat pasimuno ang kambal na Amil at Alex para sa mga pamangkin namin!!!! Ahhhh ahhh!!!! Kapipilyo!!! Ang daming natututunan ng mga bata sa kanila!!! Kami ni Alc ay napapakamot ng ulo mandin sa kasasaway!! Akoy may pangako sa kuya Pablo at areng si Alc ay sa ate Aza na gagabayan ang kambal sa lahat ng positibo, pero ang labas eiy kay Amil at Alex natututo sina Kulog at Kidlat. Katarantaduhan ang nalalaman!!!! Ayyyy mapapatay kami ng aming pinangakuan neri!!!! Hetot abay tinarget ng kambal ang wall glass ng laboratory! Gamit ang bow at arrow na may kalakasan ang impact !!! Hightect pa namaan!!! Delikado ang ginagawa nila eiiiy!!!! Mayayari kami neri!!! Kaya pala deni pumuwesto sila Amil dahil sa may binabalak pala ang mga areeh!!! At deni ay nakita kong may nausok na sa Lab. "Alaaaay anoooh kaya yuon!? " naitanong ko "Ohhhhhh f**k!!!! " sigaw ni Amil. Sinasabi ko na nga ba!!!! Nakarinig na kasi kami ng pagsabog mula sa Laboratory. "Alcibiades!?" nasambit ko. Alayyyy si Alc nga pala ay naroon!!!! May pinag-aaralan kasi areng chemical para sa panibagong malupit na experimento niya. Alaaaah!!!!? Akoy mabilis na tumungo sa kinaroroonan ng lab. Buo ang loob kung pumaroon dahil nag-aalala ako!!!! Malapit na ako sa may bintanang naging open dahil sa pagsabog at nag-iisip na ako ng way makapasok roon. Areey nasa ikalawang palapag ng may biglang may tumalon. Ang bilis ng pangyayari! "Ahhhhhhhh!!! / blooogs !" "Boooom!!!!!! " may pagsabog nanaman!!!! "Araaaay ko po!!!!! " ng maramdaman ko ang sakit ng balakang ko't likod. May kakaiba rin akong naamoy na malansa. At deni eiy nasalat ko ang likurang bahagi ng taong nasambot ko. Mabasa basa. Natitiyak kong arey si Alc. Pero parang nawalan areh ng malay. Siyay inangat ko ng makita kong duguan ang kanyang ulo. Wala pang segundoy may agad na sumaklolo sa katawan ni Alc. May first aid agad na lumapat sa kanya. May isa ring isinasagip sa bandang kanan ko. Alaay hindi ko napansin iyon kanina. Dalawa pala silang lumanding mula sa ikalawang palapag! Nareni na kami ngay-on sa kwarto namin nila Geyo at Donald. Pero silay wala. Ang mga pamangkin koy naroon na sa kabilang building at pinarusahan ni lolo Andrew sa loob. Panigurado ibinitin yuon ng patiwarik o pinasquat. Syeimpre sila Geyo na kasama ng mga pamangkin ko eiy pinarusahan din. Itinali sila sa puno na walang panlamig na kasuutan at buong gabi silang matutulog sa labas. Di rin sila pakakainin ngayong gabi. Malapit na pa naman ang tag nyebe kaya iba na ang himig ng panahon ngay-on. Kapalit noon eiy sipon at ubo. Dapat laang yuon sa kanila dahil sa kanila'y napahamak si Alc. Kung ano ano kasi ang itinuturo kina Kulog. Nagkamalay narin si Alc at ang shadow naman neri ay hindi pa. Nagkaroon ng fractured sa katawan yung shadow dahil sa mataas din ang binagsakan. Pero areng si Alc ay sa akin bumagsak kaya laking pasasalamat sa akin ng lolo Andrew. Sabi ni Alc eiy, hindi naman daw siya nagulat noong nabasag ang wall glass dahil alam niyang naroon sila Kulog at may hawak na pana. Kaya laang ay mas nagulat siya sa shadow niya na paniguradong akala ng kanyang shadow ay may kalaban. Kaya pati siya ay nagulat narin ng siyay sasanggalan at aksidente na natapon yung hawak niyang chemical na nagcause ng reaction sa isang chemical at nagcause ng usok. Natabig din ng isa sa kanila yuong chemical na kapag nagcrash ay naputok at nagcacause ng spark. Doon na nagsimula. Kaya sa unang pagsabog eiy pareho silang nadali. Doon na siya nawalan ng ulirat ng sumalpok ang ulo niya sa granite table. At sa pangalawa namaan ay yuon na nakita ko, inihagis sya ng shadow nya sa bintana para iligtas. Akoy patulog na ng makarinig ako ng tunog ng chopper. Sumilip na ako sa bintana ko at nakita kong bumaba roon ang Mamita Adira. Ahhhh!!!! Kapag may pangyayaring ganire ay nasugod iyon. Iniixpect ko na sa makalawa pa areeeh dadalaw pero nagkataon atang malapit siya deni sa kampo. Apat na taon na pala ang nakalilipas. Kamiy nakaberde na damit at sila Amil namaan eiy itim na pero training parin dahil sa huling taon. Isip bata rin kaya hindi isinasaalang ng kuya Aldric sa misyon at panay kalukuhan ang alam. Pinapalala ang sitwasyon. Ang kuya Aldric eiy hayun at may sikretong malupit. Pumapag-ibig narin. Nagsimula yuon sa pagligtas ng kuya kay Thunder. Abay tumakbo rin ng isang Linggo ang pagkawala ni Thunder noon. Walang tulog ang kuya sa paghahanap laang kay Thunder. Doon niya nakilala si ate Mutya. Basta may kwento sila na di ko maaaring panghimasukan. Tadhana na laang ang huhusga sa kanila. Ahhhh abay! Silay pinagtagpo muli matapos ang apat na taon eiy! Ano pa nga ba!? Kagaling anohhh!!! Kaya hayun at dumidiskarte na ang kuya Aldric. Dumadamoves. Taglamig na kaya!!! Sana laang eiy pansinin siya ng ate Mutya. Muntik pa ngang malaman ng ate Aza ang lahat noon about sa lihim namin sa pagkawala ni Thunder. Pero umaayon ang pagkakataon sa kuya Aldric noong mga oras na yuon dahil sa bitbit ko rin si Light ng mga araw na kamiy nagpangita sa mall. Basta may sitwasyon yuon na takas laang din kami at akoy nadamay. Kaya lumabas na parang ipinapasyal laang namin ang mga bata noon dahil sa di yun din ang araw na nakuha na nila si Thunder. Basta yuon na yun!!!! Nagpanagpo laang kami sa mall ng di sinasadya. "Junior!" tawag salin ni Geyo. "Oooh!? " sagot ko. " Alaah eiy ayaw ko ng kulay berde na damit na areeeh talaga!!!! " aniya. Isang umaga yuon habangkamiy nabihis matapos naming mag running. "Ahhh bakit namaan? " tanong ko. Kahit kasi Linggo'y nakaberde parin kami. "Kailan kaya tayo pwedeng makasuot ng ibang kulay, napagliitan ko na yuong mga damit nating magaganda na pang-alis eiy! " sagot niya. Alaaay totoo iyon. Apat na taon na rin kaming di nakalabas ng kampo buhat ng kamiy tumakas kasama si Kidlat. Grounded kasi kami. "Ahhhh malapit na ahhhh!!! Mabuti't pinaalala mo!!! Tayoy magcelebrate after exam. Next week na yuon! " dinig ko kay Donald. Alaaaah eiy akoy nauna na laang na umalis. Tatagal pa sila sa kwentuhan eiy, alaaaay may exam kami ngay-on. List three sources of investigation. Ng mabasa ko areeeh sa aking test paper. Agad kong isinulat ang examine the victim, the evidence, and the crime scene. At di sinasadyang napalingon ako kay Geyo. Papaanoy agaw pansin sa akin yuong malaking puso. Sa ngayon kasiy magkakatabi kami. Pilit kung sinipat ng aking mata kung para saan iyon. Pareho kami ng bilang pero!!!? Alaaaah eiiiy bakit yuon ang isinagot niya!!!? "Passion!? Tenacity!? Big heart!? " nasambit ko!? Ayyyy ayaaaan na nga ba sinasabi ko!!!! Wala parin sa loob nya ang lahat ng areeeh pag hindi related sa kursong nais niya! Akoy napabuntong hininga na laang. "Most a*******n cases target female adult and children under thirteen years old." boses iyon ng professor namin sa subject na areeeh. Ano ghang subject ang pang crime? Bahala na kayo mag-isip diyan! :) "Time is the most important factor in a*******n cases. " patuloy neri. At nasulyapan ko nanamaan si Donald at Geyo na halos malaglag sa kanilang upuan at inaantok. Alaaaah!!! Kasalanan namaan nila iyan! Walang tulog ang dalawa dahil sa lamig kagabi sa labas. " A missing person survival rate falls significantly as the time passes. " patuloy parin ni Prof habang ang mata nya eiy kina Donald. Nasa bandang baba ko na sila sa gawing kaliwa ko at stage type ang table at upuan namin kaya ganuon na nakikita ko ang dalawa. Lumipat na kami ng room. "What do you call the time period that a victims most likely to be killed!?" tanong na neri ngunit ang mata pa neri ay kina Donald. "Mr. Geyo Alano!?" sigaw na niyat muntik na kasing mahulog sa upuan. "Golden time Sir!!!! " biglang sagot ni Geyo! Alaaaah eiiiy!!!! Nakasagot!!!? Pero malapit na ang sagot niya. Oras ang pinag-uusapan eiiih. "That's for the hospital." natatawang sagot ni Prof. Kakatuwa parin ang training namin dahil alerto parin ang kaisipan tulad ngay-on. "Its the critical hours! " pangalawa ni Donald na pilit na iminumulat ang mata!!! Tumpak!!! Ohhhh diba!!! Isa pa yuon! "Bingo!!!!" dinig ko kay Prof.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD