KABANATA VIV
JUNIOR POV
"Wow!!!! Its look like me!!!! " si Alex na tinutusok tusok ang pisnge nireng si Light.
"No! Your not! Im the one who look like him! " sagot ni Amil.
Kumag na kambal gha areng dalawa!!!!
Nagawa pang magtalo eiy iisa namaan ang mukha nilang dalawa!
Ngayon laang nila nakita si Light dahil kahapon eiy naghiking sila sa bundok ng yelo.
Doon nagtraining.
Isa pay , kalayo namaan eiy!
Lahi namin ang nangingibabaw, tapos sasabihin nilang kamukha nila!?
Ahhhh!!!!
Kulay pa laang ng balat eiy Maliwagan na!!!
Kami ang may pagkakahawig!
Naalala ko tuloy ang kahapon!
Hindi ko namaan alam na kambal pala ang anak ng kuya Pablo eiy.
"Anong pinagsasabi mo Junior!!!! Dalawa iyan!!!!! - Iisa ang mukha pero dalawa iyan!!!! - kambal ang pamangkin mo!!!! - Si Thunder at Light! - Akoy huwag mong pinagluluko!!!! " nadagundong parin areeng sigaw ng kuya Pablo sa taenga ko eiy!
Yuong vedio chat eiy naputol.
Pinatay ng kuya Aldric bigla.
Hayun at muntik na akong mabalian ng buto ng kuya Aldric kahapon.
Ginawan nya ng paraan yuon na dinuble ang mukha.
Pero areng si kuya Aldric eiy hindi malaman kung paano niya ipapaliwanag sa akin ang lahat.
Tahimik gha at pinagpapawisan.
Abay pareho naming pamangkin si Thunder at Light at equal laang ang rights namin.
Kaya sa ayaw at gusto niyay nagpaliwanag siya sa akin.
Pero ang resulta.....
Eiy, ito!!!!
Idinamay nila ako sa malaking lihim nila at ng lolo Andrew.
Ahhhh!!!
Pero ako'y naasa na makikita si Thunder.
May tiwala ako sa kakayahan ng kuya Aldric.
Tskkkk!!!!
Akoy mapapatay ng kuya Pablo at ate Aza kapag nalaman nilang inililihim kong nawawala si Thunder!
Alaaaay mapapanot na ako ng tuluyan neri!!!!
Humahaba pa ang ilong ko!!!
Kung namiss kong makipagcommunicate sa kanila eiy, ngay-on hindi na!
Silent na laang muna ako!
Sanay narin namaan eiiih!!!!
Abay sunog kilay at panay ang banat namin ng buto deni sa kampo.
Wala na ngang social media.
Wala na ngang oras para makipagtawagan sa pamilya kaya ang resultay wala ng komunikasyon sa Pilipinas.
Kahapon laang kami nakapag-usap, tapos areeeh pa ang ibubungad ko sa kanila!!!?
Akoy natutong magsinungaling sa isang iglap!
Di tuloy ako makaconcentrate sa ginagawa ko!!!!
Alaaay final defence ko rin sa accountancy bukas!
Nagawa ako ng aking report habang binabantayan ko areng si Light at katatapos ko laang gawin.
Dumagdag pa areng kambal na kinukulit si Light.
"Blooogs!!!! "
Ng akoy makarinig ng lagabog ng nabasag na babasagin.
"Ahhhh!!!! " sigaw ni Amil.
"Bwahahahahaha!!! " tawa namaan ni Alex.
"Alaaaah!!!? Ano ghang-!? "
Blooogs!!!
Alaaaay yuon nanaman!!!!
"Ahhhh!!!!! Damn it!!!! " sigaw namaan ni Alex.
"Bwahahahaha!!!! " bawe na tawa ni Amil pero siyay lumayo na kay Light.
Mga damuhong!!!!
Si Light ay may hawak na pinggan tapos nakita kong may basag na tasa sa tapat nila.
Alaaay nadugo na yuong noo ni Amil.
Si Alex namaan eiy namumula ang ilong at noo.
Abay ang galing manarget nering si Light!!!!
Ang bilis pa ng kamay!!!!
"May pagkaga- ow!!!! "
Akoy natauhan!
Baby pa nga pala areeeeh bawal bansagan!!!
Yuon ay turo ng itay.
Para paglaki raw eiy hindi nila dadalhin.
Pero ang luko eiy!!!
Sa isip ko na laang siya babansagan.
May pagkagago gha!
Pansin ko kahapon eiy matamlay areeet gawa siguro ng wala sa tabi niya si Thunder at ngay-on eiy kitang kita ko na natatawa na areeeh.
Tuwang tuwa!!!
May pagkapilyo!!!
"Baby Light, it's bad. Don't do that baby! " saway ko na kinuha ko ang hawak nering pinggan.
Akoy natatawa na ngay-on dahil sa humagikhik si Light.
Kaluko nga.
Binuhat ko na areeeh at may basag kasi sa tabi niya.
"Look baby, ewww you so missy!!! " kunwari kong arte.
"Alaaah eiy Amil, palinis mo na sa clinic yaang sugat mo. At Alex, ikaw na iyang magligpit diyan. " bilin ko.
Papalitan ko ng damit si Light at ang dungis na, gawa ng natapon na pagkain napinaglaruan at basa rin siya ng gatas.
"Tsk! Anak talaga ni ate Aza! Impakto! " dinig ko kay Alex.
"Psssst!!!! Areeey baby pa! " saway ko.
Ngumisi laang siya.
Akoy nakahiwalay ngay-on kina Geyo.
Isang gabi pa laang namaan.
Gawa ng sa akin laang komportable si Light.
Panay iyak daw areeh simula ng mawala sa tabi ni Thunder pero ng makita akoy sumama sa akin at yumakap ng mahigpit.
Lukso ng dugo bwahahaha!!!!
Hindi.....
Kamukha ko kasi ang kuya Pablo kaya ghay-on.
Nandeni ako sa building nila Amil.
Kahapon eiy Sabado kaya Linggo ngay-on.
Day-off.
Mabuti na laang at hindi ako busy ngayong araw kaya bonding kami ni pamangkin.
Hinahanapan din kasi ng lola bisaya ng private nany si Light kaya sa ngay-on munay ako ang mag-aalaga.
What I mean ngayong araw laang namaan dahil sa kumukuha na sila ngayon sa agency.
Gusto kong ilabas si Light kaya laang bawal.
Anak daw kasi ng prinsesa ng Jones.
Kaya deni laang kami.
Ang dami nga nering bodyguards sa labas.
Ang lupit ni pamangkin.
Dinaig pa ang presidente.
May shadow bodyguard din areh.
Di ko laang alam kung sino.
"Junior!!!!! Junior!!!!! " dinig kong sigaw mula sa ibaba.
Nagkataong naandeni kasi ako sa beranda.
Nagsasampay ako ng basahan na ipinamunas ni Alex sa sahig.
Ako na ang gumawa!
Ang walang hiya na inutusan kong maglinis ay mas lalong ikinalat ang kalat!
Nakakaaduwa!
Sila ngay-on ang pinabantay ko kay Light at hayun, ginawa siyang kabayo ng pamangkin namin.
Nilagyan ni Amil ng tali sa leeg ni Alex at yuon ngat nagtatawanan sila kahit na nasasaktan na areng si Alex.
Kaluko talaga ni Light.
Baby na budyog ang pisnge at napakahyper.
"Oy!!!! Alaaaah eiy bakit!? " sigaw ko rin.
"Papasukin mo! " dinig ko kay Amil pero di nakatiis at siya rin namaan ang nag-entercom para payagang makapasok.
Kaya ang ending -
"Bwahahahahaha" panay na ng tawanan deni sa loob.
"Ahhhhhhhhhh!!!!! " sigaw namaan ni Donald.
Abay may ngipin na kaya si Light. Saan kapa!?
Di ka makapaniwala anohhh!?
Sabi ni kuya Aldric eiy may sibol ng ngipin ang kambal nung lumabas kaya areeeh na ngat kinagat sa teynga si Donald. Tapos ang isang kamay ay hawak ang kabilang teyngat pinipingot.
Nanggigil.
Ganire sila maghapon hanggang sa nakatulog na silang lahat.