JUNIOR POV
"Ahhhhhh!!!!!!!!!!!! " sigaw ko.
Ayan na namaan yung alingawngaw!!!!
De puta!!!!
Agang agaaaah eiy!!!!
Alas tress emedya pa laang!!!!
"Whoaaaaah!!!! " dinig kong sigaw namaan ni Donald.
Natransform na areeeh sa demon eiy!!!!
Ang pula ng mata!!!!
"Bitin ang tulog ko!!!! Anohhhh gha!!!! " sigaw pa niya!
"Alaaaaay umuwe na tayo Junior!!!! " sigaw namaan ni Geyo na sinipa pa yuong cabinet sa paanan.
"Makakauwe rin tayo!!! - Halaaaah bangon na't di ko na kayo sasamahan sa squat pag kayoy naparusahan! " sagot ko.
Arey pang tatlong araw na namin sa training.
Dalawang gabing zombie!
Running sa umaga for 5miles na may 10pound na bigat sa katawan namin.
One and half hour naming ginagawa bago kami mag-almusal.
At areng dalawa eiy nahuli kahapon, pero akoy pinajoin nering dalawa sa parusa.
Abay mga hinayupak ba.
Akala koy sumunod na sa akin kahapon ng madaling araw pababa at nagkakandagulo na sa hallway sa babaan, iyon pala'y bumalik sa higaan!
Kaya ano pa nga ba ang iniexpect ninyo sa akin!?
Matapos kong mag log in sa automatic machine eiy syemprey binalikan ko sila!
Mga animal, kaya ang ending pati ako ay nadamay dahil sa wala ako sa formation.
Kada pagbaba mo, may registration kami sa formation.
Attentance yuon.
"One."
" Two."
"Three."
"Four." pagbibilang namin ng mabagal tapos...
"One. Two. Three. Four! " mabilisan namaan naming bilang.
Ganuon laang paulit ulit habang natakbo
Kamiy mga army na neri!
Whoooahhh!!!
Di ko pinangarap areeeh pero heto't tumatakbo na ko kasama ng mga areng desidido maging agent!!!!
Dalawang gabi ko naring pinag-iisipan kung ano ghang meron sa pagiging agent.
Abay delikado kaya areeeh!!!
Ako na ang naghukay sa sarili kong libingan!!!
"Why did you join us? ahmm what I mean is, why you come here? "
Ako'y nagsisipilyo ng ngipin ng marinig ko ang boses na yuon.
Nakaberde na suot.
Sino kaya areh?
Ako muna'y nagmouthwash.
Di ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa nakatabon ng sumbrero.
Nasa labas kasi ang pinakaover all na lababo pagkatapos kumain.
"Free schooling eiy. Why?" sagot ko.
Totoo namaan eiy!
Ayaw kong magkunwari.
Dahil akoy pinalaki ng aking ama ng maayos.
Tapat gah.
At deni ay nakita ko ang kanyang labi na may maputing ngipin na ngumiti.
May dimple.
"Ahhh. Tsk! "
Saka areeeh umalis sa tabi ko.
May kakaiba sa taong iyon.
Di ko na laang pinansin.
Babalik na sana ako sa loob ng may biglang dumamba sa likod ko,
"Ahhhh! " sigawl ko.
Ang bigat!!!!
"Gising na si kuya Pablo bro!!! " sigaw nito at nadagdagan yung isa ng isa pa at ng isa pa!
"Ahhhhhhhh!!!! " angal ko.
Abay mababalian ako ng buto!!!!
Mga animal!!!!
"Nyaaaaahhhhhh!!!! " sigaw ko!!!!
"Ako namaan areng papatayin nyo!!!! Alex!!! Alc!!! Amil!!! Ahhhh!!!! Ahhhh!!!! " atungal ko parin!
"Get up!!! Where going to UK bro!!! Just a half day at exempted ka na sa training this morning! dali!!!! bilis!!!! danmmit!!! Sayang ang oras!!!" sabay hila na nila sa akin.
Sakto pang may chopper na dumating at basta na laang nila akong pinapasok sa loob.
"Whooooaaaahhhh!!! " hiyawan pa nila.
Lumapag ang chopper sa roof top ng Hospital.
Alam ko ang sinapit ng kuya Pablo kaya sa loob rin ng dalawang gabi ng pagkapuyat ko eiy yuon ang iniisip ko.
Ang kuya kong nakahimlay sa higaan at walang malay.
"Ate?" ng makita ko ang ate Aza na lumuluha.
Kalalabas laang niya sa kwarto ng kuya Pablo.
"Alaaah eiy bakit ka naiyak?" tanong ko na.
"He can't remember her, but it's okay. Sabi naman ni Aldric ay babalik din naman ang alaala nya." dinig kong sagot ni Lolo Andrew sa likuran ko.
May dala areng fresh milk na iniabot sa ate Aza.
Ok nga pala't buntis arehhh.
Ang kuya Pablo na agad ang nasa isip ko.
"Ate, nawalan man siya ng alaala eiy ang puso namaan eiy hindi." pampalakas loob ko na sa kanya.
Napanood ko na ang eksenang yuon!
Ngumiti na laang areeeh sa akin saka umalis matapos akong tapikin sa braso .
Tulog ang kuya Pablo ng pumasok ako sa kwarto.
Medyo nangayayat areehhh pero gwapo pa namaan tulad ko.
Mukha laang siyang unggoy ngay-on dahil sa kapal ng balbas sa mukha!
Bumalik narin kami at half day laang ako.
Halos apat na oras din kasi ang biyahe balikan.
Pero kumain muna kami at binusog na namaan nila ako!!!
"Alaaaah eiy saan ka galing Junior!? " bungad sa akin ni Geyo.
"UK. " sagot ko.
"Anong UK? " nagtatakang tanong ni Donald.
"United Kingdom gha!? " nakasalubong na kilay na tanong ni Geyo.
"Natumpak mo! sheng! " sagot ko at pinatunog ko ang daliri ko.
"Alaaaaaah!!!! " panabayang sigaw ng dalawa.
"Nang-iwan ka!!! / Ang dugas mo!!!! " sabay nilang atungal at sapak sa akin.
"Ano gha!!! Ako'y kinidnap laang!!! " pagtatanggol ko sa sarili.
"Kinidnap!!!???? ahhhh! Junior akoy hindi naniniwala sa iyo!!!! " si Geyo na akoy sinasakal ng kanyang siko.
Si Donald namaan eiy ginapos ang aking isang paa.
Mga animal!.
"Dapat kamiy isinama mo!!!! Di mo man laang kami inalala!!!! Kamiy kaway ng kaway pa sa iyo kanina!!! Junior junior!!! Sigaw namin pero kamiy denedma mo laang!!! " si Geyo parin.
"Abayyyy!!!! Kung kayo hindi sumama kay Sawyer, eiih di sana'y nakasama kayo!!!! " sagot ko.
"Alaaaa eiiy nalusot ka pa!!! "
Abay totoo yuon!
Kumuha kasi sila ng mansanas doon sa Makiat at medyo mahaba ang oras ng breakfast.
"Bitaw na!!!! Anong nangyari kanina!? " tanong ko na.
"Hayun!!!! Lumalala! Kamiy pinagapang sa ilalim ng alambre!!! " si Donald.
"Akala koy gaganda ang balat ko deni!!!! Hindi pala!!!! ohhhh, tingnan mo!!! " si Donald.
"Panimula laang pala yun Junior na aral aral!!! Libro sa simula tapos sa huliy panay gasgas na eiy!!! " si Geyo namaan.
"Alaaaah!!! Bukas na ang academics natin ahhhh!!! Sunog kilay na ulit ng buong araw pagkatapos ng regular running!!!" sagot ko.
"Junior!!!! Ikay ghay bulaggg!!!? Nakita mo gha yuong schedule natin!? " abay pang pulis na yuon!!!! May karate!!!! "
"Nakita ko. At kunting oras laang iyon. Umaga laang, tapos mula 1pm to 9pm eiy schooling. Ohhhh sunog kilay yuon diba!? " tukso ko.
"Ahhhh awan sa iyo!!!! Parang tanggap mo na ngay-on ahhhh!!! " si Donald na nilamukos ang ulo.
"Wala akong sinabing gay-an ha!!!! Akoy nakikiramdam parin!" sagot ko.
"I do swear. " sigaw ni Agent Aqua.
"I do swear! " Kami namaan sabay panunumpa neri na nakataas ang kanang kamay.
Gulat ka anoooh!?
"That I'll abide the ACES Target regulation. As a trainee of this organization, I'll uphold honor and pride, and devote my self to studies, fulfilling my duty!"
"Hand down! " utos ni Agent Aqua.
"To the New Prime Aldric Jones Smith, present arms!!!! Salute!!!! "
"Salute!" sabay sabay naming sigaw.
Oo, tama kayo.
Si Kuya Aldric na ng pinakahead ng grupo.
At kami'y opisyal ng trainee sa ayaw at sa gusto namin!!!!