JUNIOR POV
Tumupad ako sa usapan namin ni Sawyer.
Nagpatalo ako sa huling laban namin kaya laang eiy nainis parin areeeh sa akin dahil sa halatado daw yuong pagpapatalo ko.
Abayyy papaano eiy hindi ko namaan malaman kung paano ko gagawin ang script ko sa pagpapatalo.
Wala namaan siyang malinaw na detalye.
Eiiiy!
Alaaay hindi namaan ako actor na alam ko na kung saan ako kikilos ng naaayon sa kanyang kilos rin.
Abay!
Kaya kasisimula pa laang eiy nagkusa na laang akong magpatumba.
Patatagalin pa ba gha namaan!?
Ganoon rin namaan ang kahihinatnan!
Akoy mahihirapan laang kung patatagalin pa at baka magbago pa ang aking isip.
Basta yuon na iyon.
Kaya laang eiy ako namaan ang nainis ng kanina eiy hindi ko makita ang aking pabango.
Noong tinanong ko si Geyo eiy, abay siyempre, nagalit ako sa inamin neri.
Areeeh laang kasi ang nangingiaalam ng gamit ko at nagpapaalam namaan.
Panay kaya ako halungkat sa mga gamit ko't hindi na ako magkandatuto sa kahahanap!!!
Hindi namaan acceptable yuong dahilan niyang ibinigay niya kay Sawyer na wala ang aking pahintulot eiy.
Ahhhh!
Maanong ghang ipagpaalam niya ng maayos muna sana tulad ng kanyang ginagawa....
Abayyyy hindi yuong ganoon na laang basta yuon.
Pero huwag kayong mag -alala.
Mahinahon ko parin namaang hinarap si Sawyer at tinanong kanina ng maayos yuong about sa gamit ko at hayun na nga.
Di raw niya akalaing di ko pa daw totally naibibigay kay Geyo areeeng pabango ko.
At areeeng si Sawyer eiy matagal na palang kursunada ang aking pabango.
Branded pa namaan yuon at mamahalin.
Kaya inuto niya areng si Geyo na hingin at nangyari na ang nangyari.
Para sa akin eiy pareho silang may responsibilidad sa nangyari kung kayat bilang parusa ay bibilhan nila ako ng bago kahit na hindi na tulad ng naubos.
Hati sila sa halaga na yuon.
Abay, regalo kaya sa akin yuon ni mamita Adira ng maperfect ko ang accounting 103 ko.
Halos di ko nga yuon nagagamit at akoy nanghihinayang sa bawat patak.
Tapos eiy bumalik ng ubos na!
Paniguradong kaya nakahatak yuon ng girlfriend.
Mawala laang ang sama ng loob koy palitan nila yuon ng kahit na kahit na siguro na ano kung wala silang mahanap.
Akoy nagbabasa na ng newspaper habang nakaupo ako dine sa gilid ng bintana ng bus.
Kanina pa traffic at nililibang ko na laang ang aking sarili keysa sabayan si Geyo at Sawyer sa pagiging mainipin nila.
Nakita ko laang ang newspaper na areeh sa gilid rin ng aking inuupuan.
May nakaiwan ata.
May suot akong headset ng sa gayon eiy hindi ko marinig ang alingawngaw ng paligid ng mapansin ng mata ko ang makapal na usok mula sa labas ng bintana.
Marahil eiy iyon ang dahilan kung kayat hindi umusad ang sasakyan kanina.
Nausad na kasi ang bus na sinasakyan namin ngay-on.
May banggaan ata na nagcause ng sunod sunod na pagsabog.
May nererescue parin at malapit kasi sa gasolinahan yuong pangyayari.
Lumampas na ang bus namin doon sa scene kaya inayos ko na ang pag-upo ng sa paglingon koy-
Tsupppp!
Alaaaah eiiiy!!!!
1,2,3,4!?
Apat na segundo!!!
May humalik sa akin!!!
Mabilis narin areng umiwas at nahagip ng isa kong mata ang kamaong iyon at maagap kong sinalag ko ang kanyang kanang kamay na nagtatangkang susuntukin ako pero-
Tsup!!!!
Naulit!!!!
1,2,3!?
Nakakadalawa na siya!!!
"Pakkkkkkkkk! "
"Arayyyy!!!! " atungal ko.
Akoy sinampal!
Nakalimutan kong may kaliwa pa pala siyang kamay!!!!
Anak ng!!!
"Porqué me besaste?" gigil na tanong sa akin nering nakasumbrero.
Wala na sa porma ang kanyang sumbrero kaya malinaw ko na siyang nakikita.
Wari koy babae areeeh dahil kong lalaki areeey mararamdaman ko ang tindi ng lakas niya.
Pero ang lakas na yuon ay kakaiba rin!
Pero teyka laang!!!
Ako'y asuntukin kanina!?
Pero time freeze!
Pamilyar siya sa akin at-
Wala nga siyang karapatang sampalin ako!!!
Hindi namaan ako ang nanghalik!!!!
Ahhhh!!!!
Ako pa ang sasabihan niyang nanghalik!!!
Eiiih siya areeng hinalikan ako!
"Ayyyy kaluko mo rin eiy! Ikaw nga areng nanghalik! Nakaupo laang namaan ako deni!!! Tú eres el que me besó. Estoy sentado aquí !!!!" sagot ko para maintindihan niya!!!!
Nag-eespanyol din ako!!!
Abaah, akala niya ha!
Ahhhh! Akoy numero uno sa subject na iyan!!!
Ohhh diba!!!
Natahimik siya!
Pero panay ang pahid niya sa labi nya't akala moy may virus ang labi ko eiy!!!
Akoy lihim pa niyang iniisnaban at inayos ang suot na sumbrero.
At sa pagkakataong areey hinaplos ko ang aking pisngi.
Ang sakiiit!
"You goddamned Maliwagan! "
Dinig kong bulong neri at kasabay nerey nararamdaman kong sinisipa ako ni Donald.
Nasinyas pa ang gago ng ok at nangiti sa akin!!!
Pero hindi ko pinansin si Don at ibinalik ko ang tingin sa katabi ko.
Abaay kilala ako!?
Matalas ang aking pandinig!
Magsasalita na sana ako ng biglang tumigil ang bus.
Nareni na pala kami sa City.
Abay ang bilis niyang tumayo at umalis sa tabi ko.
Tumayo narin ako kaya laang si Donald eiy bigla na laang hinawakan ang coat ko.
Eiy akoy nagmamadali kaya iniwahe ko ang kamay niya.
"Teyka! Mamaya na!" ani ko at mabilis narin akong bumaba.
Kaya laang eiy naglahong parang bula.
"Ano!? Naabutan mo!? Tang-ina!!! Nakawarm up ka na agad eiy!!!? Masarap gha!? Dalawa yuon! " si Geyo na akoy tinapik sa braso.
"Tang-ina!!! Babae pala yuon!!!? " si Donald naman na sunod tumapik sa balikat ko.
Areng mga areeh!!!
"Tsk! Asshole! " si Sawyer namaan yuon bago tumalikod sa amin.
Abay nahuli ko pang tumingin areeh ng masama sa akin.
Problema noon!?
"Tol ang ganda anohhhh!!!! Kanina ko laang napagmasdan ang mukha!!!! Alaaay, ang ganda!!!! Parang ang ate Aza!!! Si Sawyer nga eiy titig na titig kanina sa mukha nuong katabi mo!!! " si Donald namaan yuon na humarap pa sakin at sinusuntok suntok pa ang dibdib ko!!!
Abay totoo yuon.
Bumilis nga ang t***k ng puso ko kanina.
Kahit namumula ang pisnge noon kanina eiy napakaganda niya!
Lalo na siguro kung wala ang sumbrerong yuon!
Nagmumukha siyang lalaki sa porma niya!
Kaya nga laang eiy pamilyar talaga sa akin ang labi niya!
Yuong nunal niya sa labi eiy nakita ko na yuon!!!!
Di ko laang maalala kung kelan!
"Bumawe na laang tayo mamaya Junior! Sa kama na! " dinig ko kay Geyo na umakbay sa akin.
"Makakatikim na tayo Junior ng matindi mamaya! Pero alaaah eiy, walang inggitan ha!!! Dahil natitiyak kong ako ang unang makaka home base mamaya! " dagdag pa ni Donald na umakbay rin.
Tama nga.
Warm up pa laang areeeh!!!!