KABANATA XVII

1181 Words
GEYO POV "Alaaaah eiiiiy ayaw nga lumabas!!! Ano pa ghang gagawin ko!!!? " pabulong ngunit may diin kong ani. Narine kasi kami sa harap ng ATM machine deni sa loob ng mall. Dito kami sunod na dumitetcho dahil sa kakain muna gha kami at tanghali narin namaan. Areeeh namaang si Junior kasi eiy pumunta sa palikuran at natatae raw siya! Abay dumayo pa ng city ang tae niya eiy! "Wala ghang pwedeng magturo sa atin deni? " tanong ko na luminga linga ako sa paligid. Ang daming tao. "Abay marami!!!! Basta marunong kang mag espanyol eiy! " sagot sa akin ni Donald. Hehe. Patay! French laang. Dahil sa di ko masyadong seniseryuso ang lintik na espanyol na iyan! "Ikaw ahhh! di gha maalam kang mag espanyol!? " sagot ko. "Alaaah eiiiy!!! Huwag na at baka bumaliktad pa ang mga words na magamit ko! Nakakahiya! Hindi na!!! Kaya mo na iyan! Teyka laang! Sinunod mo namaan gha ng maayos ang utos ni Junior!? " nakakunot noo niyang tanong sa akin. Wala pa atang bilib sa akin! "Abay oo!!!! Ang sabi niyay ipasok laang ang card ko!!!! Abay ipinasok ko na!!!! Kaya laang hayan ngat isinusuka!!!! Nakita mo namaan ahhh!!! Limang beses na!!! Sira ata areeeh eiiiy! Hintayin na laang natin si Junior baka kung mapaano pa areng card ko. " ani ko. Akoy nalito din kasi sa dami niyang sinabi kanina. Kasi namaan at nagmamadali! Alay syeimpre nagkandabuhol buhol na ang mga sinabi niya sa ulo ko!!! Sagot ko pa namaan ngayon areng dalawa sa gastusan! Katatanga namaan kasit nalimutan ang kanilang mga card! Si Donald kasiy panay pagwapo alam at si Junior eiy sinugod si Sawyer kaya hetot ako ang taya! "Matatagalan pa yuon. Sigeh nat ulitin mo na laang!!! " utos niya sa akin. "Oh, ikaw na ang sumubok! " utos ko sabay bigay ko ng aking card. At siya na nga ang sumalpak. "Ganire laang yan ohhh!!! " pagyayabang nya sabay pasok na may kasamang pokpok. "Bakit mo pinopokpok!?" nagtataka kong tanong. "Para pumasok! " mabilis niyang sagot. Abay hinihigop laang namaan yuon ng machine ahhh! Akoy napakamot ng ulo. Ilang sandali pa eiy parang effective. Ang iniexpect koy lalabas na ang card... Abahhh eiy!? Wala. Hindi na lumabas!!! "Oh sabi mo'y , isinusuka!? Hindi namaan ahhh!!! Mali ata ang pagkakasalpak mo kanina! " pang-aasar pa neri. Maaari! Pero-? Abay nakakalimang minuto na kaming naghihintay eiy ayaw pa ring lumabas! Nagkatinginan na kami ni Donald. Ahhhh!!!! Iba na areeeh!!!! Masyado na atang naiinganyo ang atm ko sa loob pero di namaan naglalabas ng pera! "Hoyyyyy!!!! Abahhhh!!!! Donald! Hindi na lumabas!!! Ikaw ang may gawa!!! Ilabas mo ang atm card ko!!!! " kinakabahan kong ani. "Alaaaaah!!!! Maghintay pa tayo! Baka naprocess laang ang mga pera mo. Masyado kang exaggerated eiy. Ang dami kaya noon!!!" sagot sakin ni Don. Abay sige! Akoy napaembrased na laang sa sarili. Pero kinakabahan na talaga ako!!! Kaya laang hindi na ako makapaghintay at nakakatense ang tao sa likuran namin!!! Humaba na ang pila!!! Kanina eiy kami laang!!! "Geyo nakuuuu pohhhh!!!! Nasira pa ata! Eiy masasayang pa ata ang limang taon mong inipon!!!! " si Donald na biglang nagsalita at akoy tinatakot pa. Kagago!!!! Kasalanan niya areeeh!!! "Sabi na nga bang sira ang atm machine na areeeh eiiih!!!! Ayaw mo kasing maniwala!!! Kasalanan mo areeeh Don!!! Ayyyy siya ka!!!! parang kang taeeeehhhh!!!! Ikaw ang sumalpak diyan kaya ikaw ang gumawa ng paraan! Ilabas mo yuon! " paninisi ko at akoy napapadabog na. Natataranta na ako at sinisilip ko yung butas na pinagpasukan ni Donald. Kagago eiiy!!! "Alaaaah iey!!!! Kalampagin natin at baka naipit laang!!!! " suwestyon niya. Tarantado!!! "Pinokpok mo kasi!!! " muli kong singhal! Sabay na naming kinalampag ang hayop na machine at pinagtitinginan na kami talaga ng ilang dumaraan at yung nakapilay biglang nawatak. Ng biglang may security na lumapit sa amin kaya kumalma na kami. "Señor, qué está pasando aquí? Qué están haciendo ustedes dos!?" tanong nire. Kamiy nagkatinginan ni Don. "Ano raw!? " panabayan naming tanong. "Can speak English?" tanong ko. "No english! No english!" sabay iling neri. Ayyyy kagago! English na mandin yuong sinasalita niya!!!! Ahhh!!! "French!? " si Donald namaan. "No french! No! Solo sé español como dialecto. Por qué estás sacudiendo la máquina!?" sagot na namaan neri na hindi ko maintindihan. "Paano na yaan!!! Hindi tayo magkakaintindihan deni!!!! " atungal ko kay Donald. "Alaaah eiiiy!!!! Sir! This machine --- Alaaaah eiiiy Junior! " naputol na ani ni Donald dahil sa wakas eiy dumating na si Junior at nakita niya. "Salamat namaan at nareni ka na!!! Yung card ko! Alaaay ayaw ng lumabas! Kinain nering sirang machine!" sumbong ko. "Ay kaluko nyo gha!!!! Patingin!" na sumilip sa machine. "Ahhh ohhh, Hindi namaan offline. Ano ghang nangyari!?" tanong neri. "Kinain nga ng impaktong machine na areeeh ang atm card ko Junior! Nangangain ang machine na areeeh! " sumbong ko at sa sinabi koy hinarap ni Junior ang guard. "La tarjeta de cajero automático de mi amigo se ha quedado atascada en la máquina, señor. Puede ayudarnos a informar al servicio de atención al cliente aquí que necesitamos ayuda?" magalang na ani ni Junior. (My friend's ATM card is stuck in the machine, sir. Can you help us to inform customer service here that we need help?) "Es por eso. OK señor." sagot noong guard at gumamit ng makabagong teknolohiya. Alam ko yuon at nagamit na namin yuon sa training sa pagrereport kapag nasa field kami sa shooting play range. Ang galing talaga ng kaibigan kong areeeh!!!! Abay lumabas ang katalinuhan nya deni at sumeryuso na siya sa pag-aaral!!!! Papaanoy hindi na kami nag-gagamas at nagbubungkal ng lupa! Tapos nagigiliw narin siya sa mga training!!!! Pero ako'y hindi!!!! Kasumpa sumpa!!!! "Junior, anong sabi mo!? Sinabi mo gah yuong atm card ko!? Gawa yuon ni Donald, abay ipinilit na ipasok at pinukpok pa papasok! " sumbong ko. "Anak ng-!!!!! Kaya!!!! Kaluko ng pinaggagawa ninyo eiyyy!!!! " At lumipas ang isang oras ng sa wakas eiy ok na ang aking card. Ang daming ginawa ng mga taga bank at nagverify pa ng bank account ko. Ang i.d ko at mabuti na laang ay dala ko ang id ko sa school. Nakapagwithdraw narin kami. Kakain muna kami at gutom na gutom na talaga kami. Abay anong oras nat malamig pa! Napili naming sa labas na laang kami kumain. Eat all we can. Abay marunong na kaming kumain ng kanilang pagkain!!! Pagkatapos naming kumain eiy hinanap na namin ang paradise club. Panay laang kami lakad hanggang sa natagpuan na namin ang nasabing gusali. Kaya laang eiy, sarado pa at may dalawang oras pa bago bumukas. Alaaah eiiiy pang gabi pala ang nasabing club na yuon. Kaya kamiy tumambay muna sa malapit na plasa. Nakakatuwa deni at may mga bata pa kaming nakakwentuhan. Edad Dese-sais. Sila raw ay wala ng pamilya. Pero may nag -aaruga sa kanila. Galing sila sa France at kung paano sila napadpad dine sa Spain ay mahaba daw na estorya. Nagkaintindihan kami ano. Matapos ang dalawang oras eiy, "Putang ina!!!! Ano gha namaan iyan!!! Ang daming tao!!! Ang haba pa ng pila!!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD